Chapter 43

279 14 13
                                    

Jemisha's P. O. V.

Nag-aayos ako ng bago kong damit na galing sa isang bago na brand, napili nila ako bilang ambassador kaya may free na pabigay. Kailangan ko rin ipakita itong suot ko sa social media para makilala ang brand.

Narinig ko ang kotse ni Rigel. Kakatapos niya lang umattend sa kanilang meeting kasama ang mga lawyers, hindi ko naman alam iyon dahil about law. Wala akong masyadong nage-gets, samantalang ako naman ay naghihintay pa ng schedule para sa pasukan. Kagaya ng dati, hahabol-habol na lang ako sa activities, papasok paminsan-minsan. A-attend sa exams.

Nang matapos akong maglagay ng aking skin care sa mukha ay saktong bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Rigel. Bakas ang pagkapagod sa kaniyang mukha. Tinanggal niya ang coat niya at isinabit sa hanger sabay lakad papalapit sa akin.

"How's the meeting?" tanong ko.

"Something's bothering me," bulong niya sabay yakap mula sa likod ko.

"What?" tanong ko at inayos ang mga product na ginamit ko.

"Didn't you heard the news? Hindi ka ba nagbukas ng social media? Hinahanap ako ng mga pulis--not me, I mean, ako yung nagpanggap na nurse--"

"W-What!?"

"Obviously, nagising yung nurse na lalakeng pinatulog ko. An interview revealed, he remembers my eyes but not my whole face, that's why nahihirapan ang pulisya na hanapin ako."

Naupo si Rigel sa dulo ng kama at napahawak sa kaniyang buhok. Nilapitan ko siya saka tinabihan.

"You're scared, ako rin naman. It's just. I am sorry kung nakakaramdam ka ng guilt dahil sa akin."

Hinawakan ni Rigel ang kamay ko at umiling ito.

"No, I promised to help you and be your partner in crime. It's just, hindi pa rin ako makapaniwala na totoo na ito, hindi lang plano. Takot akong makulong at hindi ka mapakasalan, Jemisha."

"Love, makakasal tayo. Kahit sa kulungan pa tayo magkaisang dibdib."

Natawa si Rigel sa sinabi ko. Napangiti naman ako.

"I have a schedule tomorrow, una ay pupunta ako sa entertainment para sa rehearsal, sa evening naman ay pupunta ako sa Brigette Company, iche-check ko ang contract."

"Contract about what?"

"It's a big time modelling. Magagaling na model ang pinipili nila, sobrang dami ang nag-apply pero ang Brigette company ang namimili kung sino ang karapatdapat para sa posisyon."

Ngumiti si Rigel at hinalikan ang noo ko.

"Wow, I am so proud of you. Ako naman ay magte-take ng debate bukas."

"Alam kong madami kang masasabi para sa debate na 'yan. I support you, my love!" ani ko at hinalikan siya sa labi.

*******************

Kinabukasan, sumapit ang gabi at kakatapos ko lang rin pumirma ng kontrata para sa Brigette Company. Mayroong runway para sa aming mga model na gaganapin pa sa New York City. Excited akong lumipad sa ibang bansa pero naiisip ko si Rigel, may studies siya at hindi lang basta-basta makakaalis. I know na magtatagal ako sa New York and everything is bothering him.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon