Chapter 4

678 26 11
                                    

Jemisha's P. O. V.

Naging controversial sa social media ang mga sabi-sabi patungkol sa relasyon namin ni Diether. Hindi ko naman akalain na sisikat agad kami patungkol roon, salamat lang at walang issue, walang past problems si Diether at ganoon rin ako.

"I forgot to ask, bakit mag-isa ka lang sa bahay niyo?" tanong ni Diether habang pina-park niya ang kotse sa school.

"My grandmother recently," sambit ko.

"Sorry for your lost," aniya.

Ngumiti lang ako sa kaniya at sinakbit na ang hand bag ko, senior high school student na kami kaya isang notebook na lamang ang gamit for all subjects.

"How about your parents?" tanong niya.

Napatigil ako at napatingin sa mga mata niya. Why is he so curious as if he really cares for me?

"I don't want to talk about it," simpleng sagot ko at binuksan ang pinto ng kotse sabay baba.

Sumunod naman sa akin si Diether. Habang naglalakad kami sa hallway ay tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bag at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang subject email.

"Huge Star Entertainment?" bulong ko.

Sinilip naman ni Diether ang cellphone ko at siya ang nagbasa ng laman ng email.

"You are chosen to be one of our host for the show Travel Badge. For further explanation, visit our entertainment company and sign a contract. Best regards, Filomena, CEO of Huge Star Entertainment."

Nagkatitigan kami ni Diether. Hindi ko napigilan ang saya na nararamdaman ko at nayakap ko siya sabay talon. Ganoon rin ang ginawa niya.

Nang mapagtanto kong magkalapit ang mukha namin ay agad akong umatras at napalunok sa sarili kong laway. Napansin ko ang pagtitinginan ng mga tao sa amin at ang iba ay kumukuha ng litrato namin.

"I am so proud of you!" sigaw ni Diether at muli ay niyakap na naman ako ng mahigpit.

"Hindi ba half day lang ang klase dahil friday?" tanong ko.

"I... Actually don't know, I am a transferee, babe," aniya sabay kamot sa batok.

Napatakip ako sa bibig ko. Bakit ngayon ko lang na-realize iyon?

"Sorry, nakalimutan ko," sabi ko at ngumiti.

"I'll drive you there later, if gusto mo. I don't have any plans."

"Yes, Babe. Thank you!"

Bigla namang lumapad ang ngiti niya na abot langit. Kitang-kita ang mapuputi niyang mga ngipin.

"You're calling me babe too," pilyo niyang sabi.

"Kinilig ka naman." Tinaasan ko siya ng kilay.

Inakbayan niya ako at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa aming classroom.

"Yes, babe."

Hinampas ko ang braso niya dahil masyado na siyang clingy. Hindi bale, I will make his heart broken.

**********************

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon