Jemisha's P. O. V.
Nakatingin ako sa pader kung saan naroon nakadikit ang mga litrato ng mga taong kadugo ng pumatay sa Mama ko. Kinuha ko ang paborito kong lipstick na siyang ginamit ko rin kay Diether. Nilagyan ko ng malaking ekis ang kaniyang mukha.
"One down," bulong ko.
Nilapag ko sa drower ng lamesa ang lipstick, walang kahit sino man ang maaaring makakita nito, isa itong malaking ebidensya.
Maglalakad na sana ako palabas ng kwarto pero bigla kong narinig ang sigaw ni Mama. Alam kong utak ko lamang ang gumagawa nito. Mukha nang... Tuluyan na akong nabaliw.
"AAARRGGHHH!" sigaw ko.
"Patayin mo sila!"
"Tulungan niyo 'ko!"
"MAMA!" sigaw kong muli at napaupo sa sahig.
Nawala ang boses ni Mama. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko.
Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone kong nakapatong sa lamesa. Tumayo ako at nagtungo roon. Kinuha ko ang telepono ko, unknown number ang tumatawag.
"Hello?" pagsagot ko sa tawag.
"Jemisha!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng ama ni Diether.
"P-Po?" tanong ko.
Nagulat ako nang bigla siyang umiyak, rinig ko ang bawat paghikbi niya mula sa cellphone.
"A-Ang anak ko! Si Diether! Wala na si Diether!" humahagulgol niyang sabi.
"P-Po!?" sigaw ko at nagkunwaring nagulat.
"Wala na ang anak ko--anak ko! Diether!" hagulgol niya.
"A-Ang boyfriend ko!" sambit ko habang pinepeke ang malungkot kong boses.
"Pumunta ka na dito sa bahay namin, Diether's body is already here..."
"Yes, po..." malungkot kong sabi.
Pinatay ko na ang tawag. Napangiti ako. Tila ba nanalo ako sa lotto ngayong malalaman kong nagdadalamhati na siya.
Pumunta ako sa kwarto ko, naglagay ako ng eyeliner sa aking mga mata. Sinuot ko ang paborito kong shade ng lipstick, pula.
Lumabas ako at sumakay na lamang sa cab. Nagtungo ako sa bahay nila Diether.
*********
Pagdating ko sa bahay nila Diether ay puno ng madaming tao. Maraming mga reporters ang naroon at nagkakagulo ang bawat station ng media. Pagkatapos ko magbayad sa cab ay bumaba na ako.
Para saan pa ang pag-aartista ko kung hindi ako marunong umarte?
Lumakad ako patungo sa pinto ng bahay nila. Sumigaw ako ng napakalakas at hinawakan ang dibdib ko.
"DIETHER!"
May ilang tao ang lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko at alalayan ako papasok.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.