Jemisha's P. O. V.
Paglabas ko ng kwarto ko ay napakunot ang noo ko. Tumingin ako sa paligid, iba na naman ang pakiramdam ko. Naramdaman ko na ito noon pero isinantabi ko na lamang dahil ayokong mag-isip ng kung ano-ano.
"Why does it feels like... Somebody's watching me?"
Kinuha ko ang purse ko at lumabas ng bahay. Suot ko ang sexy na dress para maakit ko si Fred. Lumabas ako at nagtungo sa garage, kinuha ko ang gamit para sa plano ko kay Fred. Ito na ang huling gabi niya at hindi na siya sisikatan ng araw.
Nag-appoint ako ng cab. Nagpahatid ako sa malapit na club mula sa sinabing lugar ni Fred. Gusto niyang gawin namin ang bagay na iyon, sa lumang building na pinapagiba na? Really.
Lumakad na lamang ako nang makababa ako ng cab. Dumaan ako sa likod ng bar patungo sa sinasabi niya. Nakita ko agad ang kotse ni Fred. Mukhang nakita naman niya ako kaya lumabas siya ng driver's seat. Hindi pa niya sinasarado ang kotse, may inilabas siya mula sa kaniyang bulsa. Hindi na ako nagulat sa nakita ko.
"Let's do it, baby," ani Fred.
Napangiti ako sa hawak niyang condom. Binuksan na niya iyon at sinarado ang pinto. Binuksan naman niya ang pinto ng kotse sa backseat.
"What's the matter?" tanong niya.
"You think... I am easy to get?" tanong ko.
"Apparently, you agreed to have a one night stand with me," aniya.
"Why here?" tanong ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya.
"Because I don't want anyone to saw me. Kailangan manatiling malinis ang pangalan ko, lalo na ang apilido namin."
Tumango ako at naglabas ng blindfold. Inabot ko ito sa kaniya.
"I want to do it in the front car. Ayoko sa loob ng kotse, masikip--"
"But it's public--"
"That's the thrill, you don't know that?" sarcastic kong tanong sabay tawa ng mahinhin.
"That's what I like about you."
Lumakad siya patungo sa harapan ng kotse at saka niya sinuot ang blindfold. Kinuha ko ang posas mula sa bag ko. Isinuot ko iyon sa kaniya.
"What are you doing, baby? Ganiyan ba ka-wild ang gagawin mo sa akin? Are we doing sex with violence?" tanong niya gamit ang mapang-akit nitong boses.
"No sex, just violence. Maybe, murder," ani ko at mabilis na inilagyan ng tape ang bibig niya.
Akmang tatakbo ito kaya tinisod ko siya. Napadapa siya sa buhangin ngunit dahil sa posas sa kaniyang kamay ay hindi na ito nakatayong muli.
Nagsuot ako ng gloves. Kinuha ko ang kutsilyo mula sa bag ko. Napangiti ako sa sobrang kinis at talim nito na pwede akong manalamin. Nakakatuwa, sobrang ganda ng kutsilyo na ito, it gives me more excitement in killing.
"Aaaaaaa!" sigaw ni Fred.
Yumuko ako para tanggalin ang blindfold niya. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya habang nakatitig sa hawak kong kutsilyo. Napangiti naman ako. Ganyan nga, matakot ka.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.