MEMO
Ilocos Norte
"Good Morning, ILOCOS!!!!!" Hindi ko talaga alam kung san humuhugot ng energy at kapal ng mukha itong si Faustino magsisigaw.
Mula sa pagpasok ng van at pagdating namin dito sa resort kung saan kami mag-stay ay agaw eksena agad ito. Sana all may energy mag ingay. Ako kasi nanlalata, patunay na hindi talaga ako fun ng paglayas layas.
Ayoko sa biyahe!
Lagi lang talaga akong kinakaladkad ni Jillian at Faustino sa mga lakad nila. Pero hindi pa din ako sanay sa biyahe.
Shit! Nasusuka nanaman ako!
"Bestie, tubig oh. Wag kang susuka antanda mo na, kakahiya ka." Maarteng abot sa akin ni Jillian ng tubig habang nakalingkis sa jowa niya.
"Are you okay? Wait papabili ako ng gamot kina Saturn." Nag aalala itong si Cara pero naka poker face pa din. Ang contradicting niyang tao. Hindi mo malaman kung sincere ba o napipilitan?
Pero mabait yan, we are not really close but I can assure you guys mabait yan.
Cara is Jillian's girlfriend na hanggang ngayon ay pinagtataka ko. Anong nakita netong si Cara kay Jillian? I don't have any problem sa same sex couples ha. Relax guys, I'm okay with them.
It's just si Cara Mikayo ito! Ang face ng Guineever for 4 years.
1st year kami noon at payapang nakain sa canteen ng sumulpot itong si Cara sa table namin na may dala dalang white roses. Announcing that she will court Jillian Thates.
Aba! nagimbal lang naman ang buong Guineever, kasalukuyang 2nd year noon si Cara at sikat na sikat sa buong campus. Kaya andaming na broken hearted ng may nakabihag na ng puso nito.
At ngayon malapit na sila mag 3 years. I hope they will stay strong at bigyan pa ni Lord si Cara ng mahabang pasensya para kay Jillian. They really compliment each other.
"Gal! Tara let's na. Tulaley ka pa diyan! Dinala na ng mga kaibigan ni Cara ang mga gamit natin." Bastos talaga to si Faustino basta ba namang manghila.
Nauuna na palang maglakad ang mga kasama namin. Bale sampu kaming magkakasama. Kami nila Jillian at ang mga kaibigan din ni Cara.
Kilala ko naman ang mga ito pero hindi din ako masyadong close sa kanila kasi mayayaman nga sila. Medyo nahihiya akong makipag usap. Pero ilan sa kanila taga SSC din. Hindi din ito ang first time na makakasama namin sila sa paglabas o out of town.
Si Faustino at Jillian lang kasi ang kilala kong balasubas na mayaman.
Tama wala na akong mahahanap na gaya nila Jillian!Huminto kami sa paglalakad at ngayon ko lang napansin na andito na pala kami sa lobby ng resort.
Cara is going to give the keys of the rooms we are going to stay. Habang busy silang naguusap - usap kung sino ang magkakasama sa kwarto someone caught my attention.
Kasama ba namin siya?
She is beautiful, no- she is more than the word beautiful itself.
The girl has a lazy blue eyes and a pale complexion. She is also tall pero mukhang tamad na tamad kumilos. Mukha din siyang bothered sa paligid. Kasi kanina pa siya palinga linga at parang bata na nakapit sa damit ni Sillica, one of Cara's friends.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse