Shade 6 - A PETAL OF THE FLOWER

115 17 4
                                    


MEMO


Guineever University of the North



"Bestie, okay ka lang?"

Naputol ang pag – iisip ko ng dumating si Fausti at umupo sa tabi ko, nandito kami ngayon sa student council office. May mga inaabyad pa rin kasi ako para sa upcoming school festival at next Monday na yun. Nagawa nila Saturn ng maayos ang mga naiwan kong trabaho pero may mga kailangan pa talagang ifinalize.

Pagkabalik na pagkabalik ko dito sa office hindi pa ako nakakaupo kahapon pinatawag na ako sa President's Office. Hindi ko alam kung napagkaisahan ako pero wala akong ni isang officer kahapon at lahat sila hapon na nagsidating sa opisina namin kahapon.

"Hmm, oo naman" Masiglang sagot ko sa kanya para hindi ito mag – alala. Wala daw siyang klase ngayon kaya sa akin naka-buntot.

"You've been spacing out kahapon pa, ang tamlay mo rin. Okay ka lang ba talaga? O sinasagad mo nanaman sarili mo?" Nagsisimula na siyang magmaldita.

"Fausti, I am fine. Tsaka nagpapahinga na ako." I assured him, ang dalang ko lang magkasakit pero nakakatakot sila mag – alala.

The reason why I am like this is because of what happened in Sillica's house a few days ago. Hanggang ngayon naalala ko pa rin ang naging reaksyon at hitsura ni Blue, I can feel her fear and anger at the same time. Saglit lang yun pero pakiramdam ko handa siyang saktan ako anytime.

I have a lot of questions like bakit ayaw niya sa pangalan niyang Blue, why she is afraid and angry at the same time. Pero alam kong wala ako sa lugar magtanong ng mga ganung bagay but right I know somethings not right with her.

Sillica said nothing that day, she just smiled at me and told me everything is okay, na parang normal na lang sa kanya ang nakita niya. It's not normal something is wrong about Blue, there is also something wrong with me. 

Why do I keep thinking about her? Magkaaway kami diba?

"Bestie tulala ka nanaman, kumain na nga muna tayo." Inakit ako ni Fausti na pumunta ng canteen para kumain ng lunch, hindi ko man lang napansin na lunch na pala. May klase nga rin pala ako ngayong 1 pm, I need to shake this off.

Do not dwell on others people life Memo, intindihin mo ang sarili mo. Ang dami mong kailangang gawin at tapusin.

"Memoranda kanina ka pa ha, ano bang problema mo?" Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Fausti, "Kanina ka pa natutulala, tapos hindi ka naimik. Nagda – drugs kaba bestie? Jusko! Kailangan ko si Jillian ngayon." Natataranta naman ito bumunot ng phone at akmang tatawagan si Jill na kasalukuyang may klase ngayon.

"Sira!", pinalo ko ito ng malakas sa noo at kinuha ang phone niya. 

"Aray! Memo ang lakas ha."

"Masasaktan ka talaga sa akin anlayo ng nararating ng imagination mo, hindi ko kinakaya." Tiningnan ako nito ng masama at hinimas ang noo niya.

"Kamusta ka pala kina Sillica? Balita ko kulong ka din sa kwarto, Jill the second naman pala ang bago nating kaibigan." Natatawang sabi nito.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon