MEMO
"You are not supposed to have coffee again, Blue." Mahinang saway ko sa kanya habang nakasandal ako sa kitchen counter. It is almost 9 in the evening at pang-ilang kape na din niya yan ngayong maghapon.
Para naman itong batang nahuli at masama ang loob na ibinaba ang kutsara na gamit niya sa pagtitimpla ng kape. "I miss, Sillica." Pasimple ko siyang inirapan.
"They will be back next week, kaya pagtiyagaan mo muna ako." Dumating kasi ang parents nila Ica at mag-stay daw dito sa Philippines for two weeks. Kaya for the mean time umuwi muna sa mansion nila ang magkapatid. One week na din silang hindi dito umuuwi at sa school ko na lang sila nakikita.
They have the courage to go home because they know Blue won't be alone. At eto ako ngayon nakikipagtalo sa pagkakape niya. Our relationship is improving every day pero araw-araw din naming sinusubok ang pasensya ng isa't isa.
Lagi po kaming nagtatalo ng very light about stuffs at nagugulat akong patola at bet din pala makipag-giitan ng Asul na to. Malapit ko ng sabihin sa kanya na mali ang kinuha niyang program ngayong college dapat siguro abogado siya!
"This will be the last one, Louisse, please?" Paki-usap niya, mabilis naman akong umiling dahil nasosobrahan na talaga din siya ng kape. Pakiramdam ko nga kape ang dumadaloy na dugo sa katawan niya.
Hindi ko tuloy maiwasan maalala si Lilah na adik din sa kape. Ganito ba and date nila noong sila pa? Naikot siguro nila lahat ng coffee shop dito sa Manila, tapos natikman na rin siguro nila lahat ng klase ng kape ng Starbucks.
Hmm tunog nagseselos ka beh.
Kung nulurin kaya kita sa kape?!
Sabi ko nga tatahimik ako dine.
"Louisse?" Tawag ni Blue sa atensiyon ko.
"Pang-ilan mo na yan ngayong mahapon. Just have some milk instead." Hindi niya pinansin ang sinabi ko at bored na tiningnan lang ako ni Blue bago lumabas ng kusina at iniwan ako.
Ang taray ng ate niyo ha!
Sinundan ko naman siya. "I can't sleep when I drink milk, and I can't sleep without coffee either." Nagkakamot ako ng ulo na umupo sa tabi niya dito sa sala. Iniisip ko kung saan ako susuot sa trip ni Blue sa buhay niya.
"Edi sana kasi hindi ka uminom ng uminom ng kape kanina. Baka kasi mag-palpitate ka kapag nagkape ka nanaman." Mahinahon kong sagot sa kanya bago nakinuod sa paborito niyang Spongebob.
Palagi siyang nanunuod ng Spongebob bago matulog habang umiinom ng kape. Ang weird pero dahil malapit na akong mag-isang buwan dito sa kanila sanay na ako at eto nga pinapakelman ko na ang walang tapos na pagkakape niya.
"You're a nurse." Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanya.
"And me being a nurse will not change the fact that you will palpitate if you continue drinking coffee." Hindi ito sumagot sa akin at nagpatuloy na lang sa panunuod. Gabi na at pagod na din ako, ayaw ko nang makipagtalo sa kanya.
Tumayo ako para pumunta sa kwarto ko at matutulog na sana pero hindi ako natuloy kasi hinawakan nito ang damit ko. "You will stay. Samahan mo ako hanggang antokin ako." Aba demanding!
"Gusto mo ba ihele pa kita?" Iaantok na kasi din talaga ako kanina tiningnan ko lang siya at baka ng nagkakape nanaman. Malapit na mag alas-diyes ng gabi oh. "Tatapikin ko ba likod mo hanggang makatulog ka."
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse