MEMO
Guineever University of the North
School Festival Opening Day!
"Nasaan ka na!" Malakas na sigaw ni Lilah sa cellphone habang kausap si Freed. We are about to start the opening for the school festival pero wala pa din ito. The council should all be present here, kaya galit na si Lilah.
"Make sure that you're here within 5 minutes! I don't care kung wala kang ligo walang aamoy sayo dito." Galit na ibinaba ni Lilah ang tawag, huminga muna ito ng malalim bago ulit humarap sa amin. Hindi ko alam kung nakangiti ba ako ngayon o nakangiwi eh.
"Pres, nakakatakot si Ate Lilah magalit." Mahinang bulong ni Triumph na nasa tabi ko na pala, akala ko si Saturn ang katabi ko kanina?
"Oo kaya wag kang makulit", marami kasing kalokohan itong si Triumph sa buhay, actually sila ni Freed ang mga taong pinaka – makulit dito sa council. "Nakikita ko na future ni Saturn." Mahinang bulong niya, pero tingin ko ay narinig nung isa.
Masama ang tingin na lumingon sa amin si Saturn, "I can hear you Corhesa!". Nagtago naman ito sa likod ko at dinilaan pa si Saturn. Kaya sila laging magkaaway nito eh.
After minutes of waiting dumating na si Freed at mukha itong bagong hugot lang sa pagkakahiga.
"Good morning! Lilah kape?" Nakangiti nitong inalok kay Lilah ang hawak na kape, kala mo naman uubra.
Lilah is a coffee lover, wala pa siyang isang linggong nakakabalik galing her exchange program pero nakaubos na siya ng kape na pang hanggang isang linggo. Nakakagulat na halos sunod sunod ang pagdating ng kape sa office noong kasag – sagang busy kami.
"Wag mo ko ngitian dyan Freed baka mabura ko yang mukha mo." Yamot na sabi ni Lilah pero tinanggap din naman yung kape.
"Hindi na nga ako nakatae sa pagmamadali eh huwag ka lang tuluyang sumabog sa galit." Gwapo si Freed pero minsan ayaw ko na lang din bumubuka ang bibig nito. Mabilis din naman siyang nakatanggap ng batok galing kay Lilah.
"Aray! Ngayon ka lang ba nakarinig ng salitang tae?" Reklamo noong isa, para kaming nanunuod ng mag – asawang nag – aaway.
"Hindi pero mas lalo kasing bumabaho kapag sa bigbig mo galing, kaya manahimik ka na lang diyan!" Bwisit at nanggigil na sabi ni Lilah.
"Kanina naman hinahanap ako, crush ata ako neto." Mahina bulong ni Freed na mukhang narinig naman ng karamihan sa amin.
Napayuko at humawak ako sa ulo, umaga pa lang nasakit na ulo ko sa kanila. Kakaibang student council talaga meron itong Guineever. Kaya bago pa ulit sila mag – away dalawa pumagitna na ako, we still have a program to start.
"Are you guys ready?" I asked them.
Umayos silang lahat ng tindig and they all nod and smile to me. After weeks of preparing and a lot of works, finally!
"This is the week we are all waiting for." Lilah said.
"Make sure that everything is all perfectly set, we should win the bet. Siguraduhin natin na makukuha natin yung vacation packages!" Saturn exclaimed.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse