MEMO
"Aren't you being too clingy lately?" Nasamid ako sa iniinom kong kape at muntik ko nang maibuga kay Ica na kausap ko bago biglang umimik itong si Blue.
"H-ha?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Pasimple lang ako nitong tiningnan at uminom ulit ng kape. Habang kami dito ay inaantay ko ano ang sasabihin sa kanya. Ilang linggong na kaming magkabati huwag kayo, kaya nga magkasabay na kaming nagkakape.
"You're being too clingy with Ica." Balewalang sabi niya habang ibinaba ang tasa ng kape niya at diretsang tumingin sa akin.
Pasimpleng pinalo ko ang dibdib ko kasi tuluyan na talaga akong nasamid, naramdaman ko namang hinimas ni Sillica ang likod ko.
"Are you okay?" Sillica asked.
"Oo okay lang ako." Maikling sagot ko kay Ica bago ulit tumingin kay Blue na nakataas ang kilay. Pilit ko siyang iniintindi habang hinihimas ko ang dibdib ko.
"Are you together?" Sus maryaw puting ginto ambot sa iyo Blue! Nakita ko din ang paglaglag ng panga ni Saturn dahil sa narinig.
"Ang sweet niyo nga naman kasing tingnan." Pasimpleng bulong ni Saturn sa gilid. Ginagatungan ang trip ni Blue sa buhay.
"Since when?" Sumasakit ang ulo ko kay Blue, hindi ko alam na nakakasubok din siya ng pasensya.
"Ivan!" Sigaw ni Ica habang si Saturn ay natatawang tumayo dala ang hot choco niya at iniwan kami. Kinindatan pa ako noong bata tas binelatan,
"What?" Inosenteng tanong ni Blue.
"That's nonsense." Umiling iling na sabi ni Ica. "She likes someone else." Dagdag pa niya na nagpalaki ng mata ko. Siraulong Sillica to!
"If you say so." Mukhang hindi naniniwalang sagot ni Blue na nagpataas ng kilay ni Sillica.
"What's with that tone?" Sillica asked. "And you know, I don't swing that way." Dagdag pa ni Sillica.
I know she is straight from the start pero kahit din naman si Blue iisipin mong straight eh, babaeng babae kasi kung tingnan.
"It can change I know you are open to possibilities." Hindi nakaimik si Sillica at mukhang nag-isip. Habang ako ay nakikinig lang muna sa kanila.
"Well it is true but Memo is not my type." Masama ang loob kong tumingin kay Sillica.
"Ansama ng ugali mo." Nayayamot na sabi ko sa kanya.
"You are definitely not my type." Pag-uulit pa niya sa akin. "So stop what are you thinking okay?" Baling ulit niya kay Blue.
Blue just shrugged her shoulder. Sillica sighed and was about to say something but she was interrupted by a phone call. Kaya tumayo na siya at sinagot ang tawag na mukhang importante kasi nagmamadali ito.
Lately Ica is most of the time in her phone and busy, minsan nakakalimutan na niya kumain kaya dinadalhan ko siya madalas sa kwarto nila ni Saturn. Maybe dahil dun Blue get the idea.
"I wanna go out." Biglaang sabi niya at tahimik lang na nakatingin sa akin. Parang inaantay akong sumagot sa tanong niya.
"Are you asking me to go with you?" Hindi sigurado kong tanong sa kanya.
"I can only go out with you." Pinigilan ko ang muntikan kong pagtili dahil sa kanya. Alam kong hanggang friends lang kami pero hindi naman bawal kiligin.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse