MEMO
Alasais na ng umaga pero nakatulala pa rin ako dito sa kisame ng kwarto ni Sillica, pangalawang araw ko nang nandito para magpahinga and I am hoping na sana last day ko na ito. Nababagot na kasi ako because I'm literally not doing anything here. Kahit mag walis ayaw nila, hindi naman ako malala tsaka I know my body very well, I am a nursing student.
Weh? Eh higa ka nga eh!
Manahimik ka diyan.
Sillica's house was not too big and small either, it has 3 bedrooms, a cozy living room and a big kitchen. Nakakagulat na magaling magluto yung bulol na yun and it's not just okay, it is so delicious.
Para tuloy ang sarap magpa – ampon kay Sillica, kaso lang nalaman ko dito rin pala nakatira si Blue, kaya pala parang wala lang siyang nakatambay sa harap ng kwartong to noong isang araw.
Kanina pa akong alas – kwatro gising, kung nasa bahay ako by this time paniguradong naglalaba na ako. Nakakainip na dito pero ayaw ko munang lumabas ng kwarto, baka nasa labas si Blue ayaw ko siyang makita, nakakairita ang mukha niya.
At kahit ayaw niya siya pa rin si Blue!
Natapos ang pagiging bwisit ko kay Blue ng may kumatok, kahit tinatamad tumayo ako at baka si Sillica to papagalitan nanaman ako nun at ang hirap makinig sa sermon niya na english mas okay pa pala si Jill. Nakakatuyo ng utak magalit si Sillica kasi hindi siya nagtatagalog.
Nakangiti kong binuksan ang pinto nitong kwarto pero mabilis agad itong nawala ng bumungad sa akin ang walang emosyon na mukha ni Blue. She is looking at me intently as if somethings wrong with me.
"It's not good staring at other people this early in the morning."
Hindi niya pinansin ang pagiging maldita ko, "The breakfast is ready."
Bilang na bilang lang ang mga salita na lumalabas sa bibig nito, hindi ko alam pero pati dun naiirita ako. Pakiramdam ko hindi bagay sa kanya maging tahimik, she looks like a person who has a lot of things to say.
"I'll be there in a minute, ayusin ko lang itong hinigaan ko." Paalam ko sa kanya, akala ko aalis na ito pero nakatayo lang siya sa pinto at nakatingin sa akin.
"What?!" I don't really like the way how she stares, it's giving shivers.
"Make sure to wear a bra before you go out." She said bago umalis sa harap ko at iniwan akong nakatulala.
Naramdaman ko naman ang mabilis na pag – akyat ng kahihiyan sa mukha ko, kaya mabilis kong isinara ang pinto at nagtalukbong sa kumot bago sumigaw sa inis.
x - x - x - x - x - x
Nakasimangot akong lumabas ng kwarto at tahimik na pumunta sa kusina.
Oo may bra na ako!
"What's with the long face?" Salubong na tanong sa akin ni Sillica habang parang nanay sa naghahain sa lamesa.
Tumingin muna ako sa buong kusina bago umupo sa tabi ni Saturn, ilayo layo niyo po muna sa akin si Blue at baka hindi na ako makatiis.
"Good morning Ate Memo!" Masiglang bati ni Saturn, bat ang fresh ng batang to kahit siya ang sumalo ng mga trabaho ko sa council.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse