Shade 17 - YOU TO ME

88 19 3
                                    


MEMO


Guineever University of the North



Nawewerduhan akong pinapanuod ng mga estudyante dito sa Fine Arts Building habang masaya akong nakikipag-patintero sa kanila. Ang ilan kasi sa mga klase ngayon ay sabay sabay na natapos at halos lahat ay palabas ng building.

"Sorry." Paghingi ko ng pasensya sa taong nasagi ko.

"Sorry ulit."

"Pasensya na."

"Huwag niyo akong tutularan." Bilin ko sa mga estudyanteng nakakasalubong ko. Bawal kasing tumakbo sa hallways ng Guineever pero eto ako takbo ng takbo. Huwag na silang gumaya sa akin at baka detention bagsak nila.

Ako ayos lang ako mapuntang detensyon basta ba matuloy itong date namin ni Blue!

Hinahanap ko siya sa bawat classroom na nadadaanan ko pero hindi ko pa din siya nakikita. Nasa ikalawang palapag na ako ng building nila. Huwag mo namang sabihin na nasa pinakaitaas siya?

Nasa dulong classroom na ako ng 2nd floor ng makita ko ang hinahanap ko. Nasa pinakadulong upuan siya habang tahimik na nakikinig sa professor niya. Hinihingal ko siyang pinanuod habang nagsusulat. Nakakatuwang makita siya kasi nakunot ang noo niya kapag natingin sa board bago bumalik ng pagsusulat sa notebook niya.

Kakamot din ito sa pisngi niya gamit ang index finger niya na isa mga mannerism niya kapag masyado siyang seryoso sa ginawa. Saktong tatawagin ko pa lang ang pansin ng professor nila ng lumingon ito sa akin.

"Yes council president, may kailangan ka ba sa mga estudyante ko?" Hindi masungit pero pormal sa tanong sa akin ni Sir Timeo.

Huwag kayong magtaka kung bakit kilala ko halos lahat ng professor dito. Pinamemorize sa akin yan ni Saturn para hindi ako naliligaw kapag kailangan ko magpapirma ng kung ano-ano kapag wala siya.

Mula sa bintana ay mabilis akong pumunta sa pinto ng classroom. "Good morning po Sir, i-excuse ko lang po sana si Ms. Maddison." Paalam ko kay Sir at lumingon din ako kay Blue na nagtatakang nakatingin sa akin ngayon.

"Bakit daw?" Ay tsismoso si Sir, charot. Itatakas ko po may date kasi kami ngayon niyan Sir. Hindi po natuloy kahapon!

"The council needs Ms. Maddison po, we will discuss some project with her." Hindi naman siguro ako agad sa impyerno mapupunta nito ano? Gusto ko lang naman siya samahan sa cookie shop o kung ano man yun.

"Ms. Maddison bring your things with you and go with president Memo to the council." Kapag nalaman ni Lilah na dinawit ko pa ang pangalan ng council sa pagsisinungaling ko makakatanggap ako ng mag-asawang kurot sa kanya.

Parang tangang nakangiti lang ako kay Blue habang pinapanuod siyang nag-aayos ng gamit at tumayo sa upuan niya papunta sa pwesto ko. Makikita mo siyang nagtataka pero hindi naman nagtatanong.

"Thank you Sir." Masiglang pagpapasalamat ko kay Sir Timeo kasi dahil sa kanya matutupad ang pangarap ko-este gusto pala ni Blue.

"What are you doing?" Mabilis na tanong ni Blue sa akin ng parehas na kaming makalayo sa room nila. Andito na kami sa may hagdan pababa sa 1st floor.

"Taking you out." Maikling sagot ko sa kanya. Mabilis naman naging isang linya ang labi nito habang cold na nakatingin sa akin.

"You know I have a class. Is it important? What does the council need from me?" Andaldal niya ha andaming pa ayuda!

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon