Shade 16 - ME TO YOU

82 17 2
                                    


MEMO


Guineever University of the North



"Bestiee dali na!!! Saglit ka lang naman na sasama eh." Sinamaan ko naman ng tingin si Fausti na sunod pa din ng sunod sa akin. Kanina pa kasi ako pinipilit sumama nito sa blind date kuno niya.

"Hindi Fausti andami kong trabahong kailangan tapusin!" Parang ewan naman itong nagpapapadyak sa gitna ng hallway at walang pake kahit pinapanuod na kami ng napakaraming tao.

We are back to school na and just to inform you guys January na po. Pagkatapos naming magcelebrate ng pasko magkakasama ay nagtagal muna sila ng dalawang pang araw para maglibot sa Lucban at bumili ng kung ano–ano. Of course I celebrated the New Year kina Tita Janet and ngayon balik Manila na ulit ako.

"Eto naman si Bestie, panahon na para makipag–date ka ulit. You know para maging masaya ang puso mo. Antagal niyo ng break ni Travis" Ang kulit kulit talaga niya, kaya nauubusang pasensya akong humarap sa kanya.

"Bestie masaya ako sa buhay ko ngayon." Mabilis naman itong umiling iling sa akin. 

"Just come with me, mabuting tao yung guy at tsaka isang beses lang naman." Pangungumbinsi niya sa akin.

"Bakit kasi ako? Wala ka bang ibang maisasama?" Nakita kong nagdalawang – isip ito saglit bago pikit matang sumagot. 

"Crush ka kasi noong kaibigan ng ka–date ko at gusto daw magpakilala sayo. Napa–oo ako kasi mukha naman siyang cute at mabait kaya ayun. Oo dito sila nag–aaral." Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi nitong si Faustino.

"I told you to stop setting me up di'ba?" Mabilis naman itong tumango tango. 

"I know pero mabait talaga kasi yung guy. Just give it a shot?" Dahil alam kong hindi niya ako tatantanan ay tumango na lang ako.

"Sige na, manahimik ka na diyan."

"Payag ka na bestie? Talaga!?"

"Oo pero saglit lang ako ha!" Niyakap naman ako nito bago tumalon talon. Halatang kinikilig si gaga.

Hinampas ko naman siya para bumitaw sa akin kasi anlaki niyang tao tas iniipit niya ako. "Hindi ako makahinga Faustino!" Natatawa itong lumayo sa akin.

"Makikipag–date ka bestie ha, final na yan. Sunduin kita sa council ng 5pm" Masaya akong nilayasan nito at iniwan sa gitna ng hallway.

"You have a date later?" Hindi ko naiwasan mapatalon sa gulat ng sumulpot si Blue sa tabi ko.

Maiinis dapat ako pero mabilis kong naamoy ang pabango niya kaya nasakop nanaman niya lahat ng senses ko. Titig na nga ako sa kanya, siya lang naririnig ko pati ba naman pang– amoy ko sakop niya?

"Can you stop appearing out of nowhere. Ikaw ang magiging dahilan ng pagkamatay ko." Lagi kasi itong sumusulpot bigla at dahil sa kanya naging magugulatin ako.

"Did I startle you?" Minsan talaga kahit ang ganda niya kakaubos din ng pasensya guys. Nako kung di lang kita friend.

Pwends lang ba tologo?

Manahimik kang pisti ka!

"Ay hindi Blue! Hindi ako nagulat, naiyak ako." Sarcastic na sabi ko sa kanya. Amused naman itong tumingin sa akin. Akala mo'y tinubuan ako ng dalawang ulo. "Oh ano? Makatingin ka wagas." Asik ko sa kanya.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon