MEMO
Guineever University of the North
Masiglang pumasok ako ng room para sa unang klase namin, maganda ang gising ko kanina at suweldo na rin ako sa CheeseHole. May pera na ako, andami pang good news sa buhay ko ngayon.
Like friends na kami ni Ivan/Blue!
Wala pang masyadong ginagawa sa council at hindi tambak ang school works. Ang sarap matulog ng walang iniisip na acads, kaya ang sarap din gumising. Kaya pagkarating ko sa room ay nakangiti akong nahahanap ng mauupuan kasi medyo marami ng tao.
"Memo mukha kang tumama sa lotto sa ngiti mo ngayon." Pansin sa akin ni Fort makalapit ako sa kanila.
"Maganda lang gising ko." Tumango tango naman ito bago bumalik ulit sa librong binabasa. Umagang umaga nagbabasa siya, teka hindi lang pala siya kundi ang iba din naming kaklase.
Trend ba ito ngayon?
Hindi ko na ito mga pinansin at umupo na lang ako sa upuan. Wala kaming seating arrangement kaya malaya kaming umuupo kahit saan naming gusto.
"Makangiti ka pa kaya Memo kung malaman mo na may recit tayo ngayon sa philosopy?" Natigilan ako sa paglalabas ng libro ko at nakatulalang napaharap kay Riffe.
"Seryoso?!" Napalakas ata ang sigaw ko at napalingon sa amin ang iba. "Hindi ba theoretical foundations in nursing ang subject natin ngayon?" Nagulat ako at madaling hinahanap ang notes ko sa philo na pinagdadasal ko na sana naligaw man lang sa bag ko ngayon. Malayo ang locker area dito sa room naming ngayon.
"Nagkaroon ng pagbabago sa sched natin kasi nagkaroon ng sub teacher si Prof. Subsod, manganganak na eh. Kaya napaaga ang philosopy ngayon." Jusko! Bakit wala akong alam?
"Hindi ka nagcheck ng messages mo ano?" Siguradong sambit ni Fort at nakangiwing tumango naman ako sa kanya. Nakakalimutan ko kasing may cellphone nga pala ako.
"Eto ang kailangan reviewhin Pres. keri naman ng brain mo ang isang basahan diba?" At inabutan ako ng notes niya.
"Ano tingin mo sakin robot?" Parehas naman silang lumingon sa akin at tumango.
"Hindi ka tao Memo."
"Ewan ko sa inyo!" Nagmadali naman akong nagbasa ng notes, pumasok naman ako last meeting pero hindi ko mahagip sa isip ko itong binabasa ko ngayon.
Lahat ng positive energy na napulot ko ngayong araw nauubos gawa ng recit na ito!
"Wala ako maintindihan!" Pagsuko ko!
"Ako din wala noong sinend sa gc yan." Pagsang ayon ni Riffe samantalang si Fort basa lang ng basa!
"Sino ba kasi ang sub prof natin sa subject na yan?" Nayayamot na ako ang hirap ng trip niya sa buhay ha!
And as if on cue pumasok sa room namin ang pumalit na professor kay Ma'am Subsod.
Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o dahil nasobrahan lang din ako sa tulog ngayon? Kelan pa siya naging Professor ng Guineever?
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga si Riffe at tawa ni Fort, "Si Prof. Travajor, Riffe's new favorite professor." Nanlalaki naman ang mata ko na napalingon kay Riffe at nag sign of the cross.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse