Shade 8 - I WANT TO HEAR YOU

110 17 2
                                    


MEMO




Guineever University of the North


Last Day of School Festival



"Are you ready?!!!" Maingay at masaya ang lahat ng estudyanteng nagtipon dito sa field para manuod ng open concert. Everyone is hyper and jumping while Dos is playing their hit songs.

Dos is a band with 5 members and they are the last performer nitong concert because they are the highly anticipated ones in the lineup. Sikat na sikat sila for their songs kaya ginawa ni Nemiya ang lahat makuha lang ang mga ito.

"I can't hear you Guanons!!!" Students are shouting at the top of their lungs, I can't help to feel so proud of what we achieved and what we have done this week. Naging sulit ang pagod naming lahat sa council.

(Guanons is the term used to call the students of Guineever.)

Nagkaroon kami ng problema pero agad din naman naming nagawan ng paraan, at eto nga patapos na kami.

Kasalukuyan akong nandito sa gilid ng stage at nanunuod sa kanila. Wala na akong energy para magtatalon at makigulo kasi maghapon na akong lakad ng lakad, pero ayoko din naman umuwi agad. I want to make sure that everything is okay hanggang sa huli.

"You look so tired." Lilah came and gave me a bottle of water. 

"Ampangit ko na ba?" Tumawa naman ito at umiling, 

"Kung pangit ka anong tawag mo kay Freed? Impakto?" Natatawa naman akong tumingin sa kanya.

"Hindi talaga kayo magkasundo ano?" Umiling iling naman ito. 

"Nunkang magkasundo kami noon." After that silence engulf us, I know that we both want to end this event beautifully kaya parehas pa kaming hindi umuuwi.

"We won the bet right?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga estudyanteng nagtatalon at nakikikanta sa Dos ngayon. Ang iba ay halata mo pang kinikilig sa bokalista ng banda.

"We did." I want to shout and jump out of joy kasi nanalo kami pero pagod na talaga ang katawan ko. 

"May tig – iisang bakasyon grande na tayong lahat, kahit saan at kailan natin gusto." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Tatanungin ko pala kung pwede cash na lang." Nanlaki naman ang mata ko at tumango kay Lilah.

"That's a good idea!" Mukha kasing hindi kami basta makakapag-bakasyon kaya baka naman pwede cash na lang!

Even though the week hasn't ended yet President Guineever called me in his office. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang, he congratulated me already and said that we won the bet. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa Presidente, habang ito ay bored lang nakatingin sa akin.

"Hindi pa rin talaga siya nagbabago, Uncle still love to give bets and pressure students. Last year nakipagpustahan naman siya sa Engineering at PolSci students." Nakalimutan kong pamangkin nga pala si Lilah ng Presidente ng Guineever.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon