MEMO
Pinagpag ko ang basang kamay ko at pinunas sa giid ng apron na suot ko. Tiningnan ko ang buong lababo at tumango tango ng masiguro kong malinis na ito at wala na akong nakalikdaan na gagawin.
I find this funny and cute at the same time kasi anlakas ko maka housewife dito habang pinagluluto ang asawa kong si Blue.
Char!
Joke!
Baka masupla ang matino na naming pag-uusap.
Nangangarap lang naman ako Lord. Libre naman diba?
Maayos na kaming nagkaka-usap simula noong nagbakasyon sila sa Lucban. Fausti and Jill also forgive Travis and told him to fix his family. Pero hindi nag-sorry si Fausti sa pananapak niya kay Travis.
Nasuntok pa nga ulit niya bago bumalik sa Auckland.
I was about to go out of the kitchen pero nagulat ako to see Blue sitting in the table with her hands on her chin and watching me intently.
Opo nasa bahay niya ako ngayon. Hindi ako dito nakatira but I am here most of the time. Ahehe si Silica kasi ay busy ngayon sa work niya at si Saturn naman ay lagi na rin na nasa university.
"H-Hindi ako na inform na TV na pala ako ngayon." I cracked a joke, but she didn't laugh.
Pumaling lang ang ulo niya pakaliwa na para bang tinubuan ako ng damo sa ulo.
Hindi magkasundo sense of humor namin ni Blue. Pero hayaan niyo we can make it work naman sa mga susunod na araw.
With konting push and smile lang!
"You fit into my kitchen perfectly." I know I am blushing so hard right now. I know it is not her intention pero shocks iba ang meaning na rumehistro sa utak ko.
Erase! Erase! Erase!
"Mukha ba akong sandok?" Natatawa kong tanong sa kanya.
At dahil hindi siya marunong pumatol sa jokes ko. "You look like my spatula. You're flat." She said while scanning my whole being.
Gusto ko mapikon pero huwag na lang.
Schedule ko siya next time, hindi din naman ako nito susuyuin at the end ako pa rin ang mangungulit sa kanya.
"Wala ka bang gagawin?" I asked her pouting and trying create a better conversation with her.
Ginagawa ko na din ang lahat para hindi mautal sa harap niya dahil nagagalit ang Lola niyo!
"I am waiting for you." Hindi talaga nakakabuti sa puso ko ang pagiging straight forward niya. Shuta kinikilig ako!
Papakasalan ko na to pigilan niyo ako!
"Saang simbahan ba ang punta natin?" I joked.
"We are going to the living room, what are you saying?"
Boom basag!
I just pout and nod habang tinatanggal ang suot kong apron.
"Tara na sa living room at magbato bato pik!" At nauna na akong lumabas ng kusina.
But I immediately stopped walking when I saw what she did in her living room. It has pillows everywhere and comforters. May snacks and drinks din na nakalagay sa gilid.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse