MEMO
CheeseHole
Today is the 2nd day of December and until now wala pa rin akong mukhang maiharap sa magkakaibigan nila Sillica at kay Blue, buti na lang medyo madalang ang hang out ngayon at busy kami pare-prehas.
Sino ba naman kasi ang nagsabing matulog ka sa kwarto ni Blue?! Inaaway ko ang sarili ko.
Hoy teh! Magdadalawang linggo na ang nakakalipas, move on din!
Shuta sinong makakamove on! Mukhang natalon ko yung harang namin ni Blue at nayakap siya. Buti na lang nauna akong magising, kasi kung hindi nako baka friendship over na kami!
Ay oa, malala ka na teh!
Ang natatandaan ko kasi ay nauna siya lumabas ng bathroom tas inabutan niya ako ng damit. Edi naligo ako tapos lumabas naman ako ng banyo, ang plano ko ay lalabas na din ako ng kwarto niya pero napaupo ako sa kama niya.
Naagaw kasi ng atensyon ko yung isang painting siya kwarto niya, it's spider lilies colored in blue tapos wala na! tumulala lang ako saglit at nakihiga nakatulog na ako!
Parang tanga akong napasabunot sa buhok ko, nakakahiya ako. Close na ba kami para makitulog ako sa kanila?! Lalo na sa kwarto niya?! Baka isipin niya masyado akong naghihimasok tapos sabihin, baliw ako.
"Ah eh miss okay ka lang?" Bumalik ako sa ulirat at nakangiwing humarap sa lalaki sa harapan ng counter ngayon. Ako nga pala ang toka sa counter ngayon, pero eto ako kinakausap ang sarili ko.
"H-hi Sir!" Masiglang bati ko sa kanya bago luminga linga sa paligid, hindi naman ako siguro nakita ni Ate Trese na natulala nanaman sa harap ng counter ano?!
Hindi pa naman ako siguro maalis sa trabaho? Teka, wait lang! Haha!
Wala nga pala si Ate Trese ngayon! Nasa isang site siya! Mabubuhay ka pa Memo!
"Uhmm, miss?" Bumalik ulit ang tingin ko kay Kuya na nasa harapan ko at masiglang ngumiti.
"Yes Sir? Can I take your order?" Nakita ko naman itong natawa na nagpalabas ng dimples niya sa pisngi.
Ang cute ni Kuya! Nako ilayo niyo to baka iuwi ko to!
"I will have one medium caramel macchiato." Pati boses ang pogi ha.
"Is it hot or cold Sir?"
"Hot"
"Okay Sir ano pang name ang ilalagay sa drink niyo?" Nagkamot ng pisngi si Kuya parang nag – iisip. Hala nakalimutan ba niya pangalan niya?
"Gabo." Then he smiled again. "Okay Sir I'll repeat your order. One medium caramel macchiato for Gabo. Tatawagin na lang po namin kayo once na okay na po ang order niyo"
Nagbayad na siya pero hindi pa din siya umaalis sa counter at parang may hinahanap. Silip kasi ng silip si Kuya sa loob ng kusina na tanaw dito sa counter.
"Yes Sir? Is there anything you need po" Mukhang na caught off guard ko naman si Kuya at natigilan kakahanap sa kung saan. He opened his mouth pero hindi niya itinuloy ang sasabihin, mukhang nagdadalawang isip siya.
BINABASA MO ANG
Bluer than Blue
Teen FictionI was one of the saddest shades of color, but I am the happiest when I am with you. You make me smile and feel love, but rather than staying, I choose to let you go. Let me go, but let me stay in your memories... Blue x Louisse