Shade 25 - THE THING ABOUT CHOOSING

90 16 0
                                    


MEMO



Guineever University of the North


Gymnasium



"W-Why are we this busy again?" Hinihingal na tanong sa akin ni Nemiya pagkatapos ibaba ang kahon na dala dala niya.

"Ga-graduate na po kasi sila Ate sa isang linggo?" Patanong na sagot ni Saturn.

"At ang laki din ng lilinisin natin." Nakangangang inilibot ni Triumph ang tingin sa buong gymnasium ng Guineever.

"Kasalanan ko. Sorry guys." Malungkot ang hitsurang lumapit sa amin si Nemiya habang hawak hawak ang walis tambo sa kamay niya.

"Nakalimutan ko din siyang gawin agad so kasalanan ko rin." Ang cute ni Saturn tingnan habang nakasimangot sa may gilid at pinaglalaruan ang dustpan na hawak niya.

"Magalit kayo sa kalbong Guineever." Nakasimangot na dumating si Lilah habang dala dala niya ang ilang gamit pang-linis. "Wala sa ating may kasalanan. Malakas lang talaga topak niya sa buhay!"

Mabilis siyang lumapit sa akin "Babe!!" Masiglang sabi niya bago ako sinugod ng yakap.

"You still have this amount of energy?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Kanina pa kasi kami hakot ng hakot ng kahon kaya akala ko pagod na siya.

"A while ago I have nothing left but then I saw you." At kumindat pa siya habang nakangiti ng malawak sa akin. I thought Lilah was you know the typical masungit type of person kasi ang seryoso niyang tingnan sa buhay but I was wrong.

She likes to jump around like a kid and give free hugs when someone looks so down and on the top of it ang harot niya.

"No flirting here, mag-linis na muna tayo." Singit ni Lilana at hinihila papalayo sa akin si Lilah.

"NOOOO, huwag mo akong ilayo sa source of happiness ko!" Naiingay na reklamo ni Lilah habang tuloy tuloy siyang hinihila ni Lilana.

"Makakapit ka wagas kayo na ba?" Tanong ni Triumph.

"Hindi, pero one month ko na siyang tinatawag na babe." Pagmamalaki ni Lilah kaya natawa ako.

"Huwag kang assuming bitaw na kay Pres nasasakal na." Naghihimutok naman na bumitaw sa akin si Lilah bago dumampot ng walis at dustpan.

Hindi talaga kami dapat ang naglilinis ng Gymnasium pero dahil na-late kami sa monthly report naipapasa kay Pres. Guineever ay eto siyang naging parusa namin. Being in the Guineevers' Council is really hard tas anlala pa ng topak ni Pres. Guineever. He likes to challenge us and offer bet.

At isa na nga ang pagpapasa ng monthly report sa napag-usapan namin na lalagyan ng parusa. Nahuli kasi kami ng pagpapasa, alam niyo na finals period kanya kanyang aligaga kami dahil na din sa mga requirements namin.

Naiiling ko silang pinanuod na nilalagyan ng mga nanlalag na bahagi ng tambo ang ulo ni Lilah.

"Huwag niyo na pagtripan si Lilah, maglinis na tayo." Hindi talaga sila tumitigil sa pang –aasar doon sa isa at ayun na nga nagdadabog na siya.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon