Shade 12 - SOLEMN

90 15 5
                                    


MEMO



Lucban


Dahan dahang akong pumasok sa bahay nila Tito dito sa Lucban kasi ala–singko pa lang ng umaga baka tulog pa ang kambal at mabulabog ang mga ito. Napilitan na talaga siyang umuwi muna dahil ang dilim na ng mukha ng Tita niya sa galit. Nagbanta na din ito na kukurutin siya kaya kumaripas muna siya ng uwi.

In this two – storey house nabuo lahat ng masasayang araw na kasama ko sila Tito my family.

"Ate Memo?!" Nagulat ako sa biglaang palundag na yakap sa akin ni Harthe nang makapasok ako ng pinto.

"Harthe!" Nabibiglang sigaw ko sa dabuhalang babae na nakalambitin sa leeg ko ngayon.

"Hindi na makahinga si Ate Memo Harthe, lumayo ka nga muna." Pilit namang inaalis ni Pen ang kakambal niya na parang tuko kung makakapit sa akin. Kaso hindi talaga namin siya maihiwalay sa akin at nasasaktan lang ako sa paghila ni Pen kaya pinabayaan na namin.

"Hayaan mo na Pen." Sumuko naman ito at nakangiwing tumingin sa amin ng kakambal niya.

"Bakit ngayon ka lang pumunta dito Ate Memo?" Nahimigan ko agad ang pagtatampo sa tono ng boses ni Harthe kaya masuyo ko itong niyakap.

"Ang laki laki niyo na, dati ang iyakin niyo pa pareho." Sa kanilang dalawa si Harthe talaga yung maingay at sobrang out going. Mahilig ito sa adventure, makipag – socialize at makipagkaibigan na kabaligtaran ng kakambal niyang si Pen na laging seryoso.

Mabilis naman na lumayo sa akin si Harthe habang masungit na nakatingin. "Nako Ate huwag mo ng ipaalala na uhugin ako noon at hindi ko nakakalimutan." Natawa naman ako ng maunahan ako agad nito sa sasabihin ko sana.

"Ang cute mo naman kahit uhugin ka ah." Pasimple kong nilibot ang tingin dito sa bahay, it's been almost 4 years since noong huling umuwi ako sa kanila. Tuwing holiday kasi kahit gustohin kong umuwi mas pinipili kong magtrabaho para makaipon.

The house is still the same, nadagdagan pa ang pictures na nakasabit sa dingding na iniipon ni Tita. Proud naman akong lumapit sa nakasabit na diploma ni Kuya North, he is already a certified architect na matagal niya ng pangarap noon.

"I know right." Ang hangin talaga nitong si Harthe. 

"Ate naayos ko yung kwarto mo, nandon pa din po lahat ng gamit na naiwan mo. Pahinga ka po muna." Alok sa akin ni Pen, hindi ako pa ako nakakaramdam ng antok kaya umupo na lang muna ako sa sala, makikipagkwentuhan na lang muna ako siguro dito sa kambal.

"Hindi pa ako dinadalaw ng antok, akyat na lang ako siguro mamaya." Tinapik ko naman ang bakanteng part ng sofa na inuupuan ko. "Maupo kayo nakakangawit kayong tingalain." Nakakagulat din na ang tangkad na nila! Ang bata pa nila pero halos kasing tangkad ko na sila.

Mabilis na umupo si Harthe sa tabi ko at si Pen sa katapat ng na couch. "Pinagalitan ka ni Mama kaya napauwi ka din niya ano?" Natatawang tumango naman ako kay Pen dahil naalala ko nanaman ang paghabol sa akin ni Tita ng pingot.

"Oo nakakatakot pa din si Tita." Mabilis naman ang pagtango nitong dalawa bilang senyales ng pagsang–ayon.

"Kamusta si Papa, Ate?" Nakita ko naman ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mata ng kambal.

Pilit kong pinasigla ang boses at hitsure ko. "Ayun laging tulog nagpapahinga tapos pogi pa din." I honestly don't know what to say, hindi ko maatim na sabihin na ayaw na ni Tito magpagamot.

Bluer than BlueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon