Chapter 3: Wating Shed

62 4 0
                                    

•CHAPTER 3: Waiting Shed

"Benji! Napanood mo na ba ang bagong concert ni Dazia?! Grabe, Bro, ang ganda talaga niya!" pakanta pang sabi ng maitim matangkad at payat na si Berting na nagkakape sa may tindahan kasama ang mga ka-gang niya kuno.

"Hindi pa, bakit may nilabas bang kuha no'ng concert nya!?" Nagkakasya na lang ako sa mga clips na kuha ng mga nakapunta sa concert.

"Meron, pero maikli lang. Dali, tignan mo! Ang ganda talaga ng milabs ko!" Dali-dali akong lumapit. Nagtawanan pa ang apat na ka-gang niya kuno dahil sa kahibangan namin kay Dazia.

Sa video ay nakita ko kung pa'no nya  nilapitan at hinalikan sa pisnge  ang fan na halos  umakyat na sa stage para malapitan lang siya.

Ngumiti ito pagkatapos ay bumalik sa pagkanta.

Sana ako na lang yung hinalikan niya. Hay! Idol-na-idol ko siya nakaka-inlove ang boses, napakaganda at ang bait pa.

"Ay! Mag-iipon talaga ako para makapunta kahit minsan lang sa concert ng milabs ko!" nangangarap na sabi ni Berting.

"Hay nako, Berting! Mag-iipon? E, hindi ka nga makapabayad ng utang mo sa tindahan ko! Tigilan mo na 'yang pangarap mo, 'di mo na makikita kumanta ng live 'yun!"  Natawa ako sa pang-aasar ni Aling Myrna kay Berting.

"Laklak ka kasi nang laklak ng kape kaya kung ano-ano pinapangarap mo!"  sabi ng ka-gang nito na si Wato—payat at matangkad na lalaki.

"E, ito ngang si Benji nangangarap din makanood ng concert ba't 'di niyo rin pagsabihan!" nakangusong sumbat nito sa mga kasama.

Nailing na lang ako at nakitawa sa kanila. "Aling Myrna, pabili hong apat na itlog dalawang tuyo at bente pesos na pandesal!" agaw pansin ko kay Aling Myrna dahil kanina pa ito nakikipag-tsismisan sa   katabing bahay.

"Ay, sandali-sandali!" Nagmamadaling umalis ito sa pakikipag-tsismisan.

"O, 'eto na," sabi niya at iniabot ang aking binili.

"Ge, una na 'ko," paalam ko sa kanila.

"Makikita ko rin ang milabs ko sa personal. Tandaan niyo 'yan!" pahabol pa ni Berting at inunahan akong umalis. Natawa na lang ako sa inasta niya.

Pagkauwi ay niluto ko ang agahan namin. Naghahanda ako ng almusal nang pupungas-pungas na lumapit si Rain, ang  pitong taong gulang naming bunso.

"Kakain na!" Sigaw nito kaya natawa ako.

"Oy, tuyo!" pakantang sabi ni Ivy. Ang sumunod sa akin, seventeen na siya at nasa huling taon ng pagiging high school.

"O, anak, aga nagising, a?" Si Nanay na gagaling sa paghahakot ng mga paninda.

"Nay, Tay. Kain na," tawag ko sa kanila at  umupo.

"Oy, Kuya. Tignan mo ang nabili ko!" sabi ni Ivy sabay pakita ng keychain sa'kin na may mukha ni Dazia.

"Akin na lang!" Hahablutin ko sana pero tinago niya ito sa loob ng bulsa nya.

"Ayoko nga! Ang hirap kong nakuha 'yan! Nakipagsiksikan pa 'ko sa canteen 'wag lang maubusan!" Nginiti-ngiti ito at sabay labas ng dila. Pinanlisikan ko ito ng mata pero ayaw patalo.

"Kaya ka hindi nakakahanap ng gelpren, anak, dahil sa kahibangan mo sa kaniya. Oo na't idolo mo siya pero kung siya ang pinapangarap mong maging asawa... ay, tigilan mo na," mahabang sabi ni Nanay habang kumakain.

"Hay nako, Rosie. Hayaan mo na ang anak mo—" Naputol ang sasabihin ni Tatay nang sumabat ako.

"Sino bang may sabing umaasa akong maging asawa niya kaya hindi pa 'ko nagkaka-gelpren?!" sabi ko ng nakasimangot.

"Aba'y, 'yan ang ipinapakita mo* e. Bente siyete ka na, baka nakakalimutan mo, baka tumanda kang binata niyan. Wala ka pang naipapakilala sa amin." Napairap si Nanay kaya napangisi na lang ako.

"E, sa wala pa 'kong natitipuhan e," sabi ko na lang. Natawa sila dahil napakapihikan ko raw.

"Ikaw nga rin,Nay, e. Idol na idol mo si Dazia," sagot ni Ivy.

"Aba! Sinong 'di hahanga, e napaka-ganda at galing!" sabi nito nang malaki ang ngiti kaya natawa kami lahat.

Natapos kaming kumain na puro asaran at tawanan.

Ako si Benjamin Lorenzo o kilala sa tawag na Benji, dalawampu't pintong taong gulang na  ako at sabi nila ako raw ang pinaka-gwapong taga-squatter, mukha rin daw mayaman kaya natatawa ako.

Meron naman akong naging girlfriends pero hindi seryoso—  landian lang ba.

Hindi ako nakapagtapos dahil sa kahirapan, hanggang high school lang ang natapos ko.

Mahirap lang kami, nakatira sa squater pero mas maayos naman ito kumpara sa iba dahil malinis at mababait ang mga tao dito.

Tatlo lang kaming magkakapatid si Ivy ay grade twelve na at si Rain na nasa grade one.

Ang mga magulang namin ay may pwesto sa palengke, gulay ang binebenta.

Ang tatay ko ay nagka-mild stroke na kaya hindi na namin sya hinayaang magtrabaho ng mabibigat, sinasamahan na lang nito si Nanay sa pagtitinda.

At ako ay maraming mga sidelines: kargador sa palengke, taga-deliver ng yelo at minsan pumapasada ako, bibigay na nga 'ata itong tricycle namin sa kalumaan, at sa gabi'y  bouncer ako sa isang hindi kasikatang bar, hindi naman sa pagmamayabang pero may ibubuga ang katawan ko...nahubog dahil sa mga mabibigat na trabaho.

Matangkad at tisoy ako kahit naaarawan, at sabi nga nila gwapo kaya natawa na naman ako sa mga iniisip ko.

Labis kong hinahangaan si Dazia isang sikat na singer sa buong bansa, sa kwarto ko nga ay puro poster niya ang makikita at mga cd na lagi kong pinapakinggan.

Hindi ko pa sya nakikita sa personal dahil ang isang kagaya ko ay walang kakayahang makabili ng ticket sa concert nya.

Sobrang ganda nya at ang boses niya ang sobrang nagpapabilis ng tibok ng puso ko...sabi ng mga nakaka-salamuha nya ay sobrang bait niya raw...sana totoo.

Nakakatawa dahil sa isang kagaya niyang bituin pa'ko nagkagusto, imposibleng mapansin ako kahit isang tingin manlang.

Sobrang nakakapagod ngayong araw at ang malas dahil naabutan pa 'ko ng ulan kung kailan malapit na sa amin.

Ang daming trabaho sa palengke, sandamakmak ang deliver ng yelo at pumasada ako saglit dahil sayang ang kita buti na lang wala akong pasok sa bar mamayang gabi dahil ang sakit ng katawan ko.

Natapat ako sa waiting shed na pumipitik-pitik ang ilaw. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako...bakit may umiiyak?  At may babaeng puti sa sulok! Napapreno ako dahil sa gulat.

"Huhuhu...I want to go home!" umiiyak na sabi nito. Tinignan ko ito nang nanlalaki ang mga mata dahil baka bigla ring mawala pero nang tapatan ko ng ilaw ng trycycle ko ay bigla itong tumingin sa akin kaya pareho kaming nanlaki ang mga mata.

"Ahh!"sabay naming sigaw.

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now