Chapter 16: LQ

57 5 0
                                    

Chapter 16

Kanina pa nagdadabog itong si Benji. Galit ito sa ginawa ko kaninang umaga, kesyo bakit daw ako sumabat, bakit ako nakipag-deal blah blah blah!

Buti nga sumabat ako, kung hindi ako nakipag-deal kay Attorney Maurerat—it doesn’t sounds right…parang mali ang bigkas ko , ahh basta! Kung hindi ako nakialam edi wala kaming tutulugan ngayon.

“Oyyy—bat ang suplado mo? May dalaw ka?” biro ko sakanya ngunit dinedma parin ako. “Aalis ka? Pwede sumama?” tanong ko.

“May utak kaba talaga?!” Napaigtad ako nang sumigaw ito, ang pamilya niya ay natigilan din dahil sa sigaw niya.

“Don’t shout at me—” Hindi ko natapos ang sasabihin dahil galit siya tumingin saakin.

“Wag kang mag-ingles-ingles dyan dahil walang maitutulong yan!” Napatikom ang labi ko—edi don’t. “Alam mo ba ang deal na ginawa mo sa buwayang abogago na ‘yon?! Saan tayo kukuha ng milyones Gloria?!” galit pang dugtong niya.

“Syempre. Magtatrabaho ako!” He laughed sarcastically. Tinignan niya ako na para akong isang baliw dahil lang sa sinabi ko.

“Tingin mo ilang araw mong kikitaan ang Limang Daang Milyon? Gloria kahit magtrabaho tayo habang buhay hindi natin mapag-iipon ang ganon kalaking halaga!” He’s wrong…I have Billions in my own bank account—kung ako lang si Dazia ngayon ay baka isang pitik ko lang bayad ko na ang lugar na ito.

“Kung hindi ako nakipag-deal… kanina pa sana tayo palaboy-laboy ngayon! Kung hindi man natin mapag-ipunan at least diba nagkaroon tayo ng palugit nang dalawang buwan!” Natigilan ito sa sinabi ko, alam kong alam niyang may point ang sinasabi ko.

“Sa susunod ‘wag ka ng makikialam dahil balewala naman sayo kung mapaalis man kami sa lugar na… ito dahil hindi ka naman kabilang sa lugar na ito—”

“BENJI!” suway sakanya ni Aling Rosie.

Tumikhim ako, pigil na pigil ko nag nagbabadyang luha. “Ang sakit mo namang magsalita…sabagay tama ka, sampid lang naman talaga ako dito.” Napasinok ako dahil sa pagpipigil ng hikbi.

“Bukas na bukas aalis na ako dito.”
Aalis na talaga ako, siguro babalik nalang ako saamin. Lumabas din ang totoo na hindi talaga niya gusto na nandito ako.

“Lia! Benji! Ano ba naman kayong dalawa?!” Pumagitna si Aling Rosie saamin. Palihim akong nagpunas ng mata dahil patulo na ang luha ko.

“Bakit bukas pa? Bakit hindi nalang ngayon?” Pumikit ako nang mariin…sumosobra na siya! Papaalisin niya talaga ako gayong gabing-gabi na!

“Ohh di sige!” Nagtagisan kami ng tingin, siya ang unang umiwas. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba ang nakita kong pagsisi sa mga mata niya. Padabog niyang binuksan ang pinto saka tuluyang umalis.

***

“Lia! Pagpasensyahan mo na si Benji, topakin lang talaga ‘yon.” Napailing ako sa sinabi ni Aling Rosie. Nandito kami sa kwarto ni Ivy, pinapatahan ako nito dahil kanina pa ako umiiyak.

“Pasensya na din po kung nakialam po ako sa problema niyo. Aalis na po ako, salamat po sa pagpapatuloy sa’kin,” malungkot kong sabi. Umiling ito at tinapik lang ang balikat ko.

“Ate Lia? Huwag ka na pong umalis, hmm?” Pakiusap ni Ivy.
Mag-iimpake sana ako ng gamit pero naalala kong wala pala akong gamit dito kahit na isa. Kinuha ko ang malong na nasa tabi ko bago tumayo.

“Salamat po sa pagpapatuloy, uuwi na po ako sa lugar namin… di bale dadalaw po ako!” Ngumiti ako ng pilit.

“Lia…” Yumakap ako kay Aling Rosie. Mami-miss ko siya, si Mang Baldo na asawa niya pati na ang mga anak nito…liban kay Benji!

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now