Chapter 22

53 5 0
                                    


Chapter 22

Kanina ko pa hindi makita si Gloria—nasaan na ba ang babaeng 'yon? Baka kung ano-anong kalokohan nanaman ang ginagawa niya.

"Fred? Nakita mo yung kasama ko? Yung bagong waitress na may maikling buhok?" tanong ko kay Fred na siyang bartender naming.

"Hindi, Pre. Baka nag-cr lang 'yon." Tumango nalang ako sa naging sagot niya.

Nagpunta ako sa banyo ngunit wala namang tao ron. Kinakabahan na ako baka nawala siya...may pagkainosente pa man din.

"Hello, mic test, mic test."

"Kumusta?! I'm Lia! And I'll be your singer for this night!"

"Are you reaaaaaaadyyyyy?!"

Malakas na tunog mula sa microphone ang pumukaw sa atensyon ko. Dali-dali akong nagtungo sa harap ng entablado ng bar—doon ko nakita si Gloria na ngiting-ngiti habang hawak ang mic. Bakit nariyan siya? Ano nanaman pakulo 'to?

"Gloria!" agaw pansin ko sakanya ngunit hindi niya ako naririnig.

Nakasuot siya ng pulang Christmas hat, pulang dress na maihahalintulad sa costume ni Santa Claus. Mag-uundas ngunit pampasko ang suot niya imbis na pang-holoween . Gusto ko siyang pababain, baka kung anong deal nanaman ang pinasukan niya kaya nandiyan siya ngayon.

"Gloria—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang sumulpot si Patricio o mas kilalang Tricia—ang kwarenta anyos na baklang boss namin.

"Hayaan mo siya. Wala namang mawawala kung kakanta siya, 'di ba?" nakalaukipkip niyang sabi. Gusto kong umangal ngunit hindi nalang ako umimik at tumayo lang sa gilid.

Kita kong kausap ni Gloria ang banda ng bar. Mistulang naging guro ito dahil sa pakumpaskumpas ng mga palad niya habang nakikipag-usap sa apat na kalalakihan.

Ayokong mapahiya si Gloria, baka pagtawanan siya dahil hindi naman siya marunong kumanta.

"Halloween pero naka Christmas costume, ayos!" sinabayan pa ng halakhak ng anim na mga kalalakihang staff sa Andoks na customer namin ngayong gabi.

"Pero cute siya, 'di ba mga Pare?" Parang napantig ang tenga ko sa narinig. Anong Karapatan niya para sabihang cute si Gloria?!

"Parang may kamukha ngang artista...si ano—ano na bang pangalan niya? Ayy 'di bale na nga!"

Hindi ako makalayo-layo sa ngupong ito dahil sa usapan nila.

"Halloween palang kaya, tapos nakapang-Christmas party kana!" sigaw ng isang GRO na kakapasok lang.

Parang gusto kong haklitin ang braso nito at kaladkarin palabas. May higit sa sampu ang cutomers naming ngayong gabi, anim na staff ng Andoks ang nasa kaliwang gilid ko, isang pares ng magkasintahan, isang matanda na kagagaling lang sa trabaho, at isang grupo ng mga kabataang hindi ko alam kung paano nakalusot...pero wala naman kaming palabas na bastos, pero kasi nag-iinuman ang mga ito.

"Music, Maestro!" masiglang sabi ni Gloria.

"Dashing through the snow
In a one-horse open sleigh,
O'er the fields we go,
Laughing all the way.
Bells on bob-tails ring,
Making spirits bright.
What fun it is to ride and sing
A sleighing song tonight, oh!"

Natameme ako habang pinapanood siya. Puno ng indak ang boses niya, sinasabayan niya ng pagsayaw ang bawat liriko kaya ginanahan ang mga musikero at mas naging masigla ang tugtog.

"Jingle bells, jingle bells,
Jingle all the way.
Oh what fun it is to ride
In a one-horse open sleigh, hey!
Jingle bells, jingle bells,
Jingle all the way.
Oh what fun it is to ride,
In a one-horse open sleigh."

Wala na akong ibang makita kundi si Gloria lang, dinaig ko pa ang nakalunok ng ecstacy dahil sa nangyayari sa paningin ko. Ang pagkanta niya ngayon ay malayong-malayo sa ginawa niyang pagkanta nuon.

Dahil puno ng indak ang pagkanta niya ay napapasabay ang lahat ng customers, napatayo sila at napapagaya sa step ni Gloria.

"Kapag daw dumami ang customers ko, pababalihin ko siya. Lintek na bruhang 'to may kulam 'ata," wala sa sariling sambit ng boss ko. Ano? Ibig sabihin nakipag-deal na naman talaga siya?

"Isa pa!"

"One more, please!"

"Miss! Ang ganda mo!"

Samo't saring boses ang naririnig ko, kanina lang ay higit sampu lang ang customers namin ngayon ay lampas na 'ata sa bente. Ganon kabilis?

Nawala ang ngiti ni Gloria matapos niyang makita ang dumaraming tao. Bakit? Nahihiya na ba siya? Tatalikod na sana siya ngunit tumugtog muli ang banda na siyang nagpabuhay sa mga tao.

"Ako ang bida ngayon
(Masyado kang ambisyosa)
'Wag kang kokontra kung ayaw mong masipa sa mukha
(Kung kaya, eh 'di subukan na)
Masipa sa mukha
(Sipain din sa mukha)"

Wala nang nagawa pa si Gloria. Nagsimula ulit siyang kumanta, hindi ko na halos maihiwalay ang paningin sakanya. Hindi niya ako mapansin dahil patuloy na dumarami ang tao, nakaramdam ako nang kaunting lungkot dahil bakit ngayon ko lan nalaman na magaling talaga siyang kumanta.

Kung sana nalaman ko agad, ako sana ang unang nakarinig.

"Ako ang bida ngayon
(Hanggang pangarap ka na lang)
Sa porma kong artista, daig ko pa si Nora at si Vilma
('Wag ka nang umasa pa)
Si Nora at si Vilma
(Ilusyunada ka)

Dahil
Ngayong gabi, ako'y titingalain
Ngayong gabi

Ako si Darna, ako ang d'yosa
Ako ang talang nagniningning sa kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi..."

Ang dating pampaskong tugtog ay napalitan ng rock. Napalitan ang ilaw, naging makulay 'to hindi awa kanina na sobrang liwanag. Nagkisabay ang ilan at ang iba ay sumasayaw na. Hirap na akong makita si Gloria dahil sa puro luikod ng mga customers ang nakikita ko.

Nagpatuloy siya sa pagkanta, at patuloy din ang pagdami ng tao.

"Nitong umaga lang, pagkalambing-lambing
Ng iyong mga matang hayop kung tumingin
Nitong umaga lang, pagkagaling-galing
Ng iyong sumpang walang aawat sa atin

O, kay bilis naman maglaho ng
Pag-ibig mo, sinta
Daig mo pa'ng isang kisapmata
Kanina'y nariyan lang, o ba't
Bigla namang nawala?
Daig mo pa'ng isang kisapmata..."

Hindi ko nalamayang nag-eenjoy na ako sa kapapanood sakanya. Para akong nanonood ng concert gaya ng kay Dazia—huh? Bakit parang kaboses niya? Pero hindi rin, mas magaling pa rin si Dazia.

Ang dating walang buhay naming bar ay biglang nabuhayan, hindi na magkamayaw ang mga waiter at waitress sa kakahatid ng orders.

"Sino daw siya?"

"Ewan be, ngayon ko lang siya nakitang kumanta rito."

Rinig kong usapan ng dalawang babaeng teenager, nakalive sila ngayon sa fb at kita kong libo ang viewers nila.

Pakiramdam ko ay hindi maganda ang pagbi-video nila ngunit hinayaan ko na lamang...

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now