Chapter 26
Lumipas ang apat na araw, hindi ko pa rin nasasabi kina Benji ang totoo. Nahihiya ako, ang bait-bait nila pero nagsinungaling ako.
Kanina ko pa hinihintay si Benji na umuwi-sabi niya ay hindi siya mago-over time ngayon sa bar. Alas-onse na at inaantok na ako. Tapos ang dami pang mosquitoes dito sa labas ng bahay nila.
"Bakit hindi ka pa pumasok?" Nagulat na lang ako nang tumabi si Mang Baldo sa 'kin.
"Hinihintay ko po si Benji...kayo po ang pumasok na, kagagaling niyo lang po sa sakit." Huminga ito nang parang lumong-lumo siya.
"Naaawa na ako sa anak kong 'yon. Magmula nang magkasakit ako siya na ang naging tatay." Nalungkot ako sa sinabi niya.
"Huwag niyo pong sabihin 'yan." Tinapik ko ang balikat niya. "Gusto niyo po bang makaalis dito?" Tumingin ako sa maliwanag na kalangitan dala ng mga bituin.
"Sino ba naman ang gustong tumira sa ganitong lugar..." natatawang sabi niya.
"Kaya ko po kayong iaalis dito," alok ko. Ayoko silang iwan na narito pa din sa ganitong lugar. Gusto ko silang magandang buhay kapalit nang tulong nila sa 'kin.
Seryoso siyang tumingin sa 'kin kaya umiwas ako nang tingin. "Aalis ka na ba, Lia?" nagulat ako sa tanong niya.
Napayuko ako at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Sorry po," panimula ko.
"Para sa'n?"
"Kasi nagsinungaling ako, hindi po ako ulila...may magulang pa po ako at-isa po akong singer. Ako po si Dazialia, nagtago po ako dahil may gustong pumatay sa 'kin." Hindi siya sumagot. Kinabahan ako dahil baka magalit siya. "Hindi po ba kayo magagalit?" tanong ko.
"May dapat ba akong ikagalit?" Ngumiti siya at ginulo ang tuktok ng ulo ko. "Mabait kang bata, wala ka namang ginawang masama sa 'min-sa katunayan dumagdag ka pa sa kasiyahan kahit na mahirap lang kami. Napakaswerte naman namin at isa pa lang sikat ang inampon namin." Tumawa siya kaya napangiti ako.
"Salamat po!" Hindi ko mapigilang yumakap sa kanya. "Sana po hindi magalit si Benji."
"Naku! Hindi 'yon magagalit...baka matuwa pa nga dahil nakakasama pala niya ang crush niya." Pakiramdam ko uminit ang pisnge ko sa sinabi niya.
Napadaan si Berting kaya napatayo ako. "Berting! Pauwi na ba si Benji?" mabilis kong tanong.
"Oo, kanina pa, Maylabs...bakit?" Lumapit siya sa 'min. Mag-isa siya ngayon at hindi kasama ang ka-gang niya.
"Saan siya? Sunduin natin!" Humawak ako sa braso niya na kinagulat nito. "Sunduin po namin si Benji!" baling ko kay Mang Waldo na tinanguan niya.
"Tara na!" Hila ko kay Berting.
Hahang naglalakad kami ay nagsalita ako. "Nasaan nga si Benji?"
"Nando'n sa bahay ni Wendy-"
"Sino si Wendy?" putol ko sakanya.
"Dating niligawan ni Benji-"
"Ha?!" Napatigil ako sa paglalakad. "Bakit hindi niya sinabi sa 'kin? At anong ginagawa niya do'n?" Nakaramdam ako ng inis.
"Bakit naman niya sasabihin sa 'yo? Saka matagal na 'yon. Basta nakita ko tricycle niya sa harap ng bahay ni Wendy."
Pinipigil kong mapasimangot ngunit hindi ko magawa. "Dalian natin! Iuuwi ko na si Benji!" natawa siya sa sinabi ko.
"Grabe, Mylabs! Nagseselos na 'ko! Daig mo pa si Aling Rosie, a?!" Hindi ko siya pinansin at mas nauna pang maglakad.
"Teka! Hindi dyan, dito!" Hinila niya ang braso ko.
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...