CHAPTER 2: Run and Hide
°Dazia PoV°
After that incident hindi ako hinayaang humarap sa media nila Daddy itinago nila ito sa publiko dahil mas magkakaroon lang daw ang killer ng chance na patayin ako.
Maayos na ang kalagayan ni Mommy ngayon at ayaw muna nila na lumabas ako, pinagbawalan akong umattend sa mga interviews at event na dapat ay pupuntahan ko...Dad said that it was for my safety and I understand.
Habang nagsusuklay ako ay may kumatok.
"Dazia Baby? papasok na kami." Si Mommy at daddy ang nabungaran ko sa may pintuan.
"Mom, Dad!" Sabay ngiti ko sakanila.
"Anak.....may sasabihin sana kami ng Daddy mo." Sabay haplos ni Mommy sa buhok ko at sya ang nagpatuloy sa pagsuklay sa akin.
"Tell her Rafael." Sabi ni Mommy..napatingin ako kay Dad seryoso ito ngunit makikita ang kalungkutan
"Baby.....you're aware that someone wants to harm you right?" I nodded...but who wants me dead?
"We decided na ilayo ka muna ditoanak...you're not safe here anymore." Nagtaka ako....bat ako lalayo? kasama ko sila kaya ligtas ako.
"But Daaaad---" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita si Mommy,
"No more buts baby...it's for your own good-- dun ka muna kay Nana Belen sa probinsya at hindi ka dapat makilala ng mga tao." Hindi dapat makilala? Pero pano?napatingin ako kay Mommy.
"You need to change your look anak para dika makilala para maging ligtas ka...aalis kana mamaya , ihahatid ka namin sa sakayan." Sabi ni Mommy.
"Sakayan? Pero Mom pano kung mawala ako? Hindi ko alam kung saan!"
"Don't worry anak pagbaba mo ng bus ay andun na si Nana Belen." Tumango nalang ako kahit na kinakabahan sa mangyayari.
Niyakap ko sila ng mahigpit dahil ngayon lang ako malalayo sakanila....for 22 years nasa tabi ko sila pero ngayon aalis ako at diko sila kasama gusto kong umiyak pero ayokong mag-alala sila.
Nakatulugan ko ang pag-iisip at nagising lang ng halikan ako ni Mommy sa pisnge.
"Wake up baby...we need to do some magic." Malambing nitong sabi ngunit alam kong malungkot din ito.
Bumangon ako at sinundan si Mommy sa banyo may tinitimpla itong kung ano may gunting sa tabi.
"We need to cut your hair at papalitan din natin ang kulay nito." She's smiling but it doesn't reached her eyes ngumiti nalang din ako kahit mabigat sa loob.
Tinititigan ko ang mukha ko sa salamin, ibang iba na ang mukha ko...ang dating hanggang bewang at golden brown kong buhok ay hanggang leeg ko nalang...kulay itim na ito at naka-bangs nako ngayon.
Hindi naman ako mukang Dora dahil maganda ang pagkakagupit ni Mommy.
Nagulat ako ng may idikit ito sa may gilid ng baba ko.
Isang malaking nunal! Mas malaki pa ito sa nunal ni Gloria Macapagal!
Sinubukan kong alisin pero ayaw na...nasasaktan ako pag hinihila ko pa para talagang kasama na ata ng balat ko.
"Hindi maaalis yan anak sa simpleng hila lang...pag babalik kana ay ibibigay ko ang makakaalis dyan." Napatingin ako kay Mommy....what? So....pano kung magtagal ako dun?
"Mom? Do I really look different? Hindi naba nya ako makikilala?" tanong ko kay Mommy.
"You're still beautiful anak.....mahihirapan silang makilala ka dahil ang simple-simple muna." Malambing nitong sabi habang nilalagay ang takas kong buhok sa tainga.
Napangiti ako sa sinabi ni Mommy...tinignan ko ulit ang itsura ko sa salamin....isang simpleng Dazia na may malaking nunal....Hindi ko masabi kong maganda parin ba ako.
"Mag-iingat ka dun hmmmm? Magpapakabait...matanda na si Nana Belen! Nasa baba ang Daddy mo nagaantay tara na?" Malungkot akong sumama kay Mommy at minasdan ang kwarto ko dahil mami-miss ko din ito.
Nasa sakayan nako ng bus... niyakap ko sila ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang aking mga hikbi...natatakot ako.
"We love you baby...be careful hmm? Call us if you got there." Naka-mask silang dalawa para walang makakilala at ako ay nakasuot ng hood.
"I love you too...saglit lang naman ako diba?" Umiiyak kong sabi sakanila.
"Yes baby.....aayusin namin ito_aalamin namin kung sino ang gustong manakit sayo." Niyakap nila ako para magpaalam.
Hindi nila ako inihatid gamit ang sasakyan namin dahil baka raw makatunog ang killer sa pagalis ko.
Umandar na ang bus sa dulo at tabi ng bintana ako umupo....bawat taong magagawi ang paningin sa pwesto ko ay dali dali kong inililihis ang muka ko.
Takot na baka makilala ako at manganib nanaman ang aking buhay.
Nakatulog ako saglit, dumaan ang conductor sa tabi ko kaya tinanong ko ito kung nasan nako.
"Mister....ahhm nasan napo ba tayo?" Tinignan ako nito,kinabahan ako na baka nakilala nya ba ako?
"Nasa Manila na tayo Miss." Sabi nito sabay alis...haaaay I thought he recognized me! Huuuu!
Manila? Malayo pa pala ako....san bako pupunta? Tinignan ko ang naka-address,titigil pala ito sa Tarlac kaya malamang taga Tarlac si Nana Belen.
I got shocked when the bus stopped....nagpasukan ang tatlong lalaking may mga baril.
"HOLD-UP TO!! ILABAS NYO LAHAT NG GAMIT NYO! ANG MGA MANLALABAN AY PAPASABUGIN NAMIN ANG BUNGO!" Nagsimula silang manguha ng gamit at ng matapat sila saakin ay walang imik kong binigay lahat ng gamit ko...pati bag binigay kuna...ng makalampas sila saakin ay saka ako napahikbi.
Matapos nilang makuha ang lahat ay lumabas sila ng parang walang nangyari.
Saka lang nagsipag-salita ang mga tao sa loob...may umiiyak kagaya ko...may nagagalit at may nahimatay pa.
Pinaandar ulit ng driver ang bus at itinigil sa tabi...nagsi-babaan ang mga pasahero kaya bumaba nadin ako.
WHAT SHOULD I DO?I don't have money! How can I go home? Wala akong kakilala at baka kung magtanong ako at magpahatid sa bahay ay makilala ako.
No no no! Hindi pwedeng pangyari yun! I can get through this sh*t! But how?
Nagsimula nanaman akong umiyak dahil sa frustration.
Habang naglalakad ay umiiyak ako....nasan na ba ako? Mom Dad! I want to go home!
Bad luck must be following me dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan..hapon na madilim..pero dahil umulan ay mas lalong dumilim.
May nakita akong van na paparating..paparahin ko sana pero sobrang bilis ng patakbo at ang hudyo ay natalsikan ako ng tubig na naipon sa daan!
Wala na! Ang puti kong dress ay naging brown na! Nilalamig nako at nagugutom.
Where am I? Ginala ko ang paningin at nakitang malayo ako sa mga building..ang mga nakikita ko ay maliliit na bahay ano ba ang tawag dito? Dikit dikit sila may mga maduming tubig na umagos sa gilid.
May nakita akong waiting shed... may ilaw pero dahil sa ulan ay pipitik pitik ito...and I've noticed the graffiti all over the wall,some are vulgar words and human genitalia, at ang bubong butas butas pa.
pero wala nakong ibang masisilungan kaya umupo ako sa gilid yumukyok at niyakap ang sarili diko mapigilang mapahikbi dahil sa kamalasan ko.
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomansaDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...