•CHAPTER 5: Gloria and Benjamin
°Dazia PoV°
Naiilang na ako sa katitig nila...am I an interesting object? kung titigan nila ako ay para akong isang multo....ohhh no!
Did they recognized me? What should I do?mawawalan ng saysay ang pagtatago ko kung dito palang ay mabubuko na ako!
"Girlfriend kaba ni kuya?/jowa ka ni kuya?" Magkasabay na tanong ng isang dalagita at isang batang lalaki
"No! Hindi ahh!" agarang sagot ko
"Benji? Hindi moba talaga sya kilala?" Tanong ng sa tingin ko ay Ama nila
"Totoo nga po! Nakita ko sya sa waiting shed umiiyak, wala daw syang mapupuntahan naawa ako kaya isinama kuna!" paliwanag ng lalaki na Benji pala ang pangalan
Hinayaan ko silang magusap hindi ako sumabat kase hindi naman sila nagtatanong, ang buong atensyon ko ay nasa kinakain ko ngayon na sopas dahil gutom ay mabilis ko itong naubos
"Eheeem---Iha ano bang nangyari? Saka anong pangalan mo?" Tanong ng Nanay nila saakin
"Daz--------ahm Lia Pasqual po....galing po akong Laguna at magta-trabaho po sana dito pero nahold-up po yung bus na sinakyan ko andun po lahat ng gamit at pera ko pati pambayad ng uupahan...kaya wala rin po akong matutuluyan" with matching punas pa ng mata ko kahit wala namang luha
Pinahina ko ang boses ko na parang nagmamakaawa at lungkot na lungkot para maniwala sila
"Kawawa ka naman pala Iha--sige dumito ka muna" sabi ng tatay nila
Syempre dahil sa narinig ay nagdiwang ang kalooban ko...hindi nila ako papaalisin at hindi nila ako nakilala! Kahit ayaw ko mang magsinungaling ay dapat kong gawin para maging ligtas
"Talaga po? Thank you thank you po! Magtatrabaho po ako para makatulong!" Masayang masaya ako dahil may matutuluyan nako
"Yes magkaka-ate na tayo!" Masayang nag-apir and dalawang bata kaya napangiti nalang ako
"Ayos lang ba na sa kwarto ka nila Ivy at Rain matulog? Magtabi na kayong tatlo" sabi ng Nanay nila na Rosie pala ang pangalan
"Opo kahit saan! Sa sahig nalang po ako" bat ba nasabi kong kahit sa sahig pa!palpak! Baka dun nga ako patulugin
"Ohh kaya naman.... Benji! Dun nalang sya sa kwarto mo matulog at ikaw ang sa sahig!"napatingin ako kay aling Rosie at nailipat din kay Benji pagkatapos
"Huh! Ayoko nga-----oo na!" Napipilitang sabi nito matapos syang undayan ng suntok ng kanyang nanay
Pagpasok ko sa kwarto nya ay masama ang titig nito saakin... mariin itong nakatingin na parang nagmamatyag......teka bat ganyan ba sya makatingin?anong tingin neto sakin magnanakaw?anong nanakawin ko sa kwarto nya?
Pinasadahan ko ng tingin ang apat na sulok ng kanyang silid na puro poster ko--------whaaaaaaat?POSTER KO?!!mula sa kauna-unahang concert ko at nitong huli ay meron sya! May calendar pang nakasabit na ako ang model!
UNBELIEVABLE! Fan ko ang lalaking ito?whaaaaat the heck! Pati pillow case nito ay mukha ko ang nakalagay!
"Ahh----ehh bat puro mukha nya ang andito?" naiilang na tanong ko sakanya
"Ahhh yan? Girlfriend ko yan ehh---ganda no?" Ngiting-ngiti nyang sagot
"GIRLFRIEND MOOOO!?" napasigaw kupang tanong
"Hoy Gloriaa bunganga mo gabi na nakakahiya sa kapit-bahay"sabi nito na hindi man lang sinagot ang tanong ko
And whaaat---GLORIA?who's that Gloria he's talking about?!
"GLORIA? sinong Gloria ang sinasabi mo jan!"nanlalaki ang matang tanong ko
"Sino pabang kausap ko diba ikaw lang naman!"abah!ang sungit neto ahh!
"FYI BENJAMIN! Lia---L-I-A ang pangalan ko!" Nakapamaywang na sabi ko dito at talagang in-emphasized kupa ang pangalan nyang mas luma pa sa aparador nya!
"Hoyyy BENJI ang itawag mo saken! Pag tinawag mupa ako sa buo kong pangalan lagot ka sakin------Ahh basta Gloria ang itatawag ko sayo--halika dito tingin ka sa salamin" sabay punta sa likod ko at hawak sa balikat at sapilitang nilapit sa salamin ng aparador nya
"Nakikita mo ba yang nunal mo sa baba? Nunal ni Gloria yan nailipat lang sayo!WHAHAHAHAHA!!!" sabi nito sa hindi matapos tapos na malakas na tawa
Napatingin ako sa nunal ko sa baba na nilagay ni Mommy....Bat ba kase may pa-nunal pa syang nalalaman!hinila ko ito pero nasaktan lang ako
"Glooooriya....Gloria...Gloria" kumakanta-kanta pa ito habang naglalatag ng higaan sa sahig
Inirapan ko ito at sumalampak nalang sa higaang papag.
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...