Chapter 18
“Kuya? Alam mo magaling kumanta si Ate Lia,” sabi ni Rain.
Natigilan ako sa pagguugpit ng buhok nito dahil sa sinabi niya.Pa’nong magaling kumanta eh ngarag nga ang boses? Hindi ko naman inaasahang maganda ang boses niya ngunit nang pakantahin siya nila Berting ay wala palang katulad ang boses niya…sobrang pangit.
“Sus! Narinig ko na siyang kumanta ang masasabi kong mas maganda pang maging bingi ka na lang kaysa marinig ang boses niya,” tumatawang sabi ko. Umiling-iling ito at tumingin pa saakin.
“Hindi kaya…saka alam mo Kuya, kaboses niya si Dazia mo!” Mahina kong tinuktukan ang ulo niya dahil sa mga sinasabi nito. Marami kaming nakarinig sa boses niya at alam kong kung maririnig man nila Berting ang sinasabi ng kapatid ko ngayon ay tiyak na tatawanan lang nila ito.
“Ohh tapos na…pogi ka na ulet!” Pinapag ko ang balikat nito na may maraming nagupit na buhok.
“Hindi naman pantay eh!” nakabusangot na reklamo nito.
Tinawanan ko siya bago hilain papasok sa banyo upang paliguan.
Sa aming magkakapatid, ako lang ang maputi na siyang ipinagtataka ko. Moreno si Tatay, si nanay naman ay hindi kaputian, pati ang mga kapatid ko ay kayumanggi ang kulay…ako lang ang bukod tanging kakaiba. Binibiro nga ako ng iba na baka ampon ako dahil hindi ko sila kamukha.
“Sana hindi na umalis si Ate Lia no? Kuya?” Nawala ako sa malalim na pag-iisip sa tanong ng kapatid ko.
“Bakit naman?” tanong ko.
Ngumiti ito saka hinipan ang lobong nasa palad niya bago sumagot, “Kase gusto ko lang po.”
“Uuwi rin yun sakanila pagdating ng araw.” Hindi ko mawari kung bakit may pait sa tono ko.
Matapos kong paliguan ang kapatid ko ay tumakbo na ito palabas. Kanina ko pa hindi nakikita si Gloria…nasaan nanaman ba ang babaeng yun?!
Lumabas ako upang hanapin siya, nagtanong-tanong ako sa kapit-bahay namig at iisa lang ang tinuro nila, nasa plaza raw ito. Ano namang gagawin niya sa
plaza?“Ohh taya!”
“Bantayan mo Rain!”
“Ate Lia sa likod!”
“WAAAH! Bakit ang bibilis niyo?”
Hindi ko pa man sila nakikita ay rinig na rinig ko na ang boses ng mga kapatid ko pati na si Gloria.
Tumayo ako sa gilid matapos kong makita si Gloria na nakikipaglaro ng patintero sa mga bata, tuwang-tuwa ito sa tuwing nakakataya siya, malaki ang ngiti niya habang tumatakbo sa bawat linyang nakaguhit sa bitak-bitak na semento ng aming maliit na plaza.
“BOO! Kami naman!” tuwang-tuwa niyang bigkas.
Ang buong atensyon ko ay na kay Gloria lamang, hindi ko mapigilang mapangiti dahil madali siyang nataya ng isang bata.
Dahil out na siya sa game ay nakasalalay sa mga kapatid ko ang laro, dahil likas na maliksi si Rain ay madali niyang nalusutan ang mga bantay.
Masayang tumakbo si Rain papunta sa gawi ni Gloria; naghawak kamay sila at nagtatalon. Bawat reaksyon niya ay pinapanood ko…biglang dumomble ang bilis ng tibok ng puso ko kaya naman mahina ko itong sinuntok.
“Benji!” Natigilan ako ng gumawi ang tingin ni Gloria sa’kin kumaway siya at tumakbo palapit.
Kinamot ko ang mata dahil parang ang ganda-ganda niya sa paningin ko, ang buhok nito ay sumasabay ng indayog ng takbo niya—mali yan Benji!
Huminto siya sa tapat ko. “Hindi ako nakapagpaalam kase tinamad ako.” Tinamad?
Mapapaalam lang siya tatamarin pa? Pa’no kung uuwi na pala siya tapos tinamad siyang magpaalam?
Pawisan na siya at humahangos sa pagod. Sa sobrang init ay namumula ang pisnge niya, kahit na pangmanang ang suot nito ay para sakin maganda pa rin siya—nababaliw na talaga ako.
“RAIN! UWI NA!” Hindi ko siya pinansin, bagkus ay ang kapatid ko ang kinausap ko.
Ngumuso si Gloria dahil sa hindi ko pagpansin sakanya.
“Palibhasa’y matanda na kase…diba Ivy?” rinig kong bulong niya.Aalma sana ako nang tumakb siya palapit kay Ivy. Kumapit siya sa braso ni Ivy bago sila masayang lumakad pauwi. Ako matanda? Nakakainsulto ha! Hindi pa ako lampas sa kalendaryo—ang kapal ng mukha niyang tawagin akong matanda!
***
Wala na si Benji, may duty daw ito ngayon sa bar. Pwede kaya ako mag-work don? Extra income din namin iyon…pero kung sakaling magtrabaho ako sa bar, anong trabaho ang gagawin ko?
‘Baka pagsayawin ako sa stage or i-table ng mga dirty old man o kaya naman ibenta sa isang mafia boss?’ Bigla akong kinilabutan sa mga naiisip ko.
“Tulungan na po kita,” sabi ko kay Aling Rosie. Nagtutupi ito ng labahin, marami-rami kaya tutulungan ko siya.
“Kaya ko naman pero, sige.” Ngumiti ako bago hilain ang bangko palapit sakanya.
Hindi ko ito narasan nung nasa poder ako nila Daddy. I was treated like a princess back then, kahit nga pagsusuklay ng buhok ko ginagawa pa ni Mommy.
Kinuha niya ang mini radio sa gilid ng maliit na mesa, nilagay niya ang station sa fm at sa ikalawang pagkakataon—kanta ko nanaman ang pinatugtog nila …”A very special love”
“Kung maririnig to ni Benji, siguradong matutuwa ‘yon. Deds na deds iyon kay Dazia eh,” umiiling na sabi ni Aling Rosie.
“Bakit po ang hilig ni Benji kay… ahm D-Dazia?” hirap ko pang tanong.
“Noong bata pa siya, palagi kong sinasabi sakanya na gusto kong muling makaharap ang isang Castro Verde.” Naguluhan ako sa sinasabi niya ngunit hindi ako nagtanong.
“Tapos ang sabi niya sa’kin, ‘Balang araw nay, ihaharap kita sakanila.’ nang lumitaw ang palangan Dazialia Castro Verde ay nagsimula niya itong gawing idolo,” dugtong niya—hindi ko maintindihan!
“Akala ata ni Benji ay tagahanga ako ng mayamang pamilya ng mga Castro Verde, pero ang totoo ay malaki ang kasalanan nila sa’kin.” Biglang kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya.
“Po?” Ngumiti siya ng marahan saakin.
“Hindi ko siya pinagbawalan hangaan niya ang Dazia na ‘yon dahil sa dinami-rami naman siguro ng Castro Verde sa mundo ay hindi kabilang si Dazia sa pamilya ng demonyong ‘yon” seryosong-seryoso ito habang nagtutupi.
“Ano pong ibig niyong sabihin?” Hindi ko maituloy-tuloy ang pagtutupi dahil sa mga sinabi niya.
Tumingin ito saakin, masasalamin sa mga mata niya ang poot ngunit guni-guni ko lang yata. “Biro lang hija! Seryoso ka naman masyado!” Pinalo pa nito ang hita ko kaya alanganin akong ngumiti.
“Ahh hehe, biro lang po pala,” pilit na pilit ang pagtawa ko. Akala ko kung ano na, nakakatakot palang magbiro itong si Aling Rosie!
“Magaling kasi si Dazia, sinong hindi hahanga sa singer na ‘yon? Maganda na talented pa! Ako nga rin eh fan niya.”
Tumawa siya kaya naman nawala ang tension sa paligid.
Matapos naming magtupi ay mag-isa akong pumasok sa kwarto ni Benji.Hindi pa rin ako masanay-sanay na nakapaligid ngayon saakin ay ang puro poster ko, sa side table din niya ay puno ng albums.
Napapaisip ako kung…paano kung malaman ni Benji na ako talaga si Dazia? Na nagpapanggap lang ako bilang si Lia Pascual. Magagalit ba siya o matutuwa? Kung sakaling makabalik ako sa dati kong buhay makakapunta pa rin kaya ako rito?
Hindi kaya mag-iiba ang pakikitungo nila saakin?
Sana hindi sila magalit sa’kin, lalo na si Benji.A/N
Hahahahappy Reading!
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomansaDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...