Chapter 21
"Pwede akong sumama?" pangungulit ko kay Benji.
Nagpamaywang siya at tamad akong tinignan. "Hindi ka nga pwede ro'n, Gloria."
"Magbabahap ako ng trabaho, 'di ba? Baka pwede akong maging waitress," pagsusumamo ko.
Pangalawang araw na ng tatay niya sa hospital kaya naman atat na ang mga staff ng hospital na magbayad kami. Kaysa naman na nakatunganga lang ako sa hospital—magtatrabaho nalang ako.
"Magbihis kana." Napapalakpak ako sa tuwa.
"Talaga?" Kinalabit ko pa siya para may assurance. Tumango ito kaya dali-dali kong kinuha ang denim jacket kong kupas na galing pa 'ata sa ninuno ni Aling Rosie.
"Talagang ready kana?" natatawang sambit ni Benji. Bihis na ako kanina pa para hindi niya ako matakasan.
"Oo naman, tara? Kailangan ko ba ng resume? Bio-data?" tanong ko na inilingan niya.
"Ako ng bahala," simpleng sagot niya.
"Kunwari ka pa na ayaw akong isama, pero ang totoo hinihintay mo talagang magpumilit ako," pantutukso ko.
"Ang kapal ng apog mo, Gloria," napapailing niyang saad. Tatawa-tawang sumakay ako sa likod ng tricycle niya.
"Bakit dyan? Dun ka sa loob, baka malaglag ka...tanga ka pa naman." Kinurot ko ang tagiliran niya dahil sa pang-aasar nito. "Kapit ka," sabi niya at siya na mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa bewang niya.
"Bakit kailangang nakayakap—BENJI!" sigaw ko matapos niyang biglang paandarin dahilan nang paghigpit ng yakap ko sakanya.
"Kita muna? Kung hindi ka nakayakap...nahulog kana sana." Tama siya, kaya naman mas hinigpitan ko ang yakap ko sa bewang niya.
Alas-syete na ng gabi ngunit maliwanag pa rin sa daan dahil sa mga ilaw ng sasakyan. Dumako ang tingin ko sa side mirror ni Benji. Nagtaka ako dahil ngiting-ngiti siya habang nagmamaneho.
"Bakit nakangiti ka?" Kinulbit ko ang namuong taba sa tyan niya.
"Bawal ba?" sagot naman siya. Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa bar.
"Benji! Bakit ngayon ka lang?" malanding boses ang pumukaw ng atensyon ko.
"Na-ospital kasi si tatay," sagot ni Benji.
Nanlaki ang mata ko matapos yumapos ang bakla sa dibdib ni Benji—abah! Chansing 'tong baklang to!
"Anong lagay niya? Maayos naba si Daddy?" Dadddddddy? Ang payat na baklang 'to ay sinisira na ang gabi ko.
Kung tutuosin, mas maganda pang maging bakla si Berting kaysa sakanya. Ang wig na suot niya ay makulay(rainbow) tapos ang make-up niya ay dinaig pa ang make-up ng patay—hindi ako nanlalait, dine-describe ko lang.
"Bumobuti na, pero mahina pa rin—siya nga pala, boss. Si Gloria...k-kaibigan ko, ipapasok ko sanang waitress," sabi ni Benji. Ang palad ng bakla niyang boss na nasa dibdib niya ay hinawakan niya ng may pagsuyo.
"Hay nako, Benji! Sakto ako sa tao—"
"Sige na, boss. Hmm?" Palihim akong napangiwi matapos magpa-cute ni Benji sa boss niya.
"Ano pa bang magagawa ko?" Maharot na pinisil ng baklang boss niya ang pisnge ni Benji.
"Talaga naman! Maganda na, mabait pa!" Napairap ako sa pambobola niya.
"Hoy, ikaw babae...anong alam mo sa pagwe-waitress?" baling ng bakla sa akin.
"I'm just going to serve the customers, right?" sagot ko na tinanguan niya.
"O'right! Magbihis kana dorn," utos nito.
"Pwede na ba akong bumale?" nakangiting tanong ko.
"Haaaa? Hindi ka pa nga nagsisimula, bumabale kana! Pambihirang bruhang 'to!" Nagsalubong ang kilay ko sa tinawag niya sa akin.
Aangal na sana ako ngunit marahan akong kinalabit ni Benji. "Boss, pagpasensyahan muna," paglalambing pa ni Benji.
Humaplos pa siya sa dibdib ni Benji bago tumalikod. "Magtrabaho na nga kayo!" pahabol nito.
Hinatid ako ni Benji sa quarters ng mga waitress. Pinili niya ang pinakamahabang uniform na ipinasuot niya sa akin... I look like a yaya!
"Huwag kang gagawa ng kalokohan, Gloria. Lumayo ka sa mga lasing...maliwanag?" Tumango lang ako at hindi siya tinignan. Kanina ko pa inaayos ang bangs ko pero natutusok pa rin ang mga mata ko.
Natigilan ako nang lumapit si Benji, inayos niya ang buhok ko at tinalian. Nakatitig lang ako sa kanya mula sa salamin, Napatingin din siya don at nakipagtitigan sa akin.
"Ano pang hinihintay niyo?!" Pareho kaming nagulat dahil sa biglaang pagsulpot ng boss ni Benji.
Magkahiwalay kami ng pwesto, dahil bouncer siya ay sa harap siya samantalang ako ay pabalik-balik sa counter upang kunin ang mga orders.
Hindi naman ako nahirapang magbigay ng mga rders dahil kaunti lang ang mga customers. Gabi-gabi bang ganito? Dahil kung palaging ganito ay malulugi ang bar. Mariin akong napakit dahil sa boses ng kumakanta sa harap.
Seriously? Love song ang kinakanta niya pero walang emosyon—kulang sa banat! Kaya siguro walang gaanong customers dahil sa choice of song nila.
Kani-kanina lang ay love song ang kinakanta ng babaeng singer pero ngayon ay rock song na. Masakit sa tenga dahil gasgas na ang boses niya wala pa sa tono.
Ilang sandali lang ay pinatawag na ang boss nila Benji ng isang matandang mukhang galante. Nababasa ko sa bibig ng baklang boss nila na humihingi ito ng pasensya sa matanda. Matapos nilang mag-usap ay pinatigil na niya ang singer at tumugtog nalang ang banda kahit na walang kumakanta.
Sinundan ko ang boss nila nang pumasok ito sa office niya. "O, bakit, babaita?" masungit nitong tanong.
"Kung ganong klaseng tugtugin ang pumapalahaw sa bar mo ay talagang wala kang magiging customers." Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
Humalukipkip siya at tinitigan ako. "At pa'no mo naman nasabi, ha?"
"Just a piece of advice." Nagkibit-balikat pa ako.
Problemado siyang dumukdok sa mesa niya kaya tumabingi pa ang wig niya. "E, anong gagawin ko?! Wala akong mahanap na singer, kung sana 'sing galing ni Dazia ang mahahanap ko..."
"Sana nga..." pagsabay ko sa pagdadalamhati niya.
"Isasara ko na 'tong bar sa susunod na linggo—" Nagulat siya sa biglaang paghampas ko sa mesa niya.
"Huwag!" Nang ma-realize ko ang ginawa ay napatikhim ako.
"At bakit? Kaya mo bang humatak ng customers?" sarkastiko niyang sambit.
"Pag ba dumami ang customers mo ngayong gabi...pababalihin muna ako?" Nilapit ko pa ang mukha sakanya kaya naiinis na tinulak niya ang noo ko.
"Sus! Kung magagawa mo, edi sige—" Muli kong hinampas ang table niya.
Tumayo ako upang lumabas na sa office niya. "O, walang bawian, pababalihin mo 'ko!" hirit ko pa bago lumabas.
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...