Chapter 23

57 4 0
                                    


Chapter 23

Ayos naman pala iyong boss ni Benji! Pinabali ako ng Limang Libo. Hanggang pagdating namin sa hospital ay hindi ako pinapansin ni Benji—what's his problem ba?

Inaabot ko ang perang kinita ko ngunit hindi niya kinuha. I feel disappointed, kaya nga ako kumanta para may maitulong ako. Ayoko ng tumawag ulit kay Mommy dahil papauwiin niya lang ako.

"Bakit hindi mo sinabi?" Nagtaka ako sa tanong niya.

"Ang alin?" nagugulahang sambit ko.

Napakamot siya sa ulo bago sumagot. "Na magaling ka palang kumanta..."

"Huh? Do I need to say that?" Umiwas siya ng tingin at padabog na nahiga sa bangko sa waiting area.

"Siguro. Dapat hindi kana sumama, wala kang matutulugan dito," inaantok niyang sabi. Alas kwatro na at wala pa kaming tulog.

Habang nakapikit si Benji ay panay ang baling niya sa ulo, lumapit ako at pinaunan ko siya sa hita ko. "Tulog kana." Dahil siguro sa pagod ay hindi na siya umangal pa.

Nangangalay na ako at gusto nang humiga pero hindi ko ginising si Benji. Maamo ang mukha niya, hindi mo nga masasabing taga squatter siya dahil ang itsura niya ay kayang-kayang makipagsabayan sa mga mayayaman.

Hinawi ko ang buhok niyang tumatabing sa noo nito. Habang pinagmamasdan ko siya ay pinaglalaruan ko ang tenga niya, natigilan ako dahil sa nakitang itim na balat sa likod ng tenga niya. Kasing laki 'to ng piso, may kapareho siya...kapareho niya si—

"Lia? Bakit gising kapa?" Lumapit si Aling Rosie. Pinaalis niya ako sa pwesto ko upang ipalit ang unan.

"Hindi po ako makatulog." But infact, I really wanted to lay on my bed.

"Doon ka muna sa pwesto ko, may mahabang upuan don. Para makatulog kana." Hindi ko tinanggihan ang alok ni Aling Rosie.

Tatlong pasyente sa isang kwarto, average room lang ang pinaglagyan sa tatay nila Benji. Nahiga ako sa plastic na mahabang upuan, bago ako lamunin ng dilim ay may kumalabit sa'kin.

"Miss Dazia..." Mabilis akong napamulat.

"Sinong D-Dazia?" bulong ko ngunit sapat na upang marinig niya.

Sumenyas siya na lumabas kami. Naka-facemask siya at hoddie. Nagpunta kami sa likod ng hospital, may kadiliman at paisa-isang tao lang ang nagdadaan.

"Pinapauwi kana ng Mommy mo." Nagulat ako dahil binaba niya ang facemask niya.

"Mang Erning?!" bulalas ko. Ang lalaki ngayon sa harap ko ay ang matagal na naming driver na si Mang Erning.

"Umuwi na tayo, Miss Dazia—"

"No. Ayoko pang umuwi." Napailing-iling ako at umatras. Hindi ko pa maaring iwan si Benji, marami pa silang problema at saka hindi ko pa nasasabi sakanya ang totoo.

"Mag-usap nalang po kayo ng Mommy po." Tumango nalang ako sa sinabi niya.

"Dazia..." sambit ni Mommy sa kabilang linya.

"Mom, ayoko pang umuwi...please?" Umaasa akong hindi niya ako pipiliting umuwi.

"Kilala na naming siya anak," sabi ni Mommy.

Hindi ko mawari kung sino ang sinasabi niya. "Sino po?"

"The guy who tried to kill you..." Kumabog bigla ang dibdib ko. Nakalimutan kong kaya pala ako napunta kina Benji ay dahil sa anonymous na gustong pumatay sa'kin.

"Sino?" kuyom ang palad kong sambit.

"It was Yvhone plan all along. She hired a killer to kill you." Yvhone? Yvhone is my bestfriend! Sa showbiz ay naging malapit kami at naging magkaibigan.

Sabay kaming sumikat! But why?!

"Mom..."

"I know, hindi rin ako makapaniwala but she admit it. She was caught in the act." Napailing-iling ako. Hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. Yvhone was kind, ni hind inga siya makapatay ng ipis!

"What was her reason?" hirap kong bigkas. Hindi ma-process ng utak ko ang nalaman.

"Maraming kayang gawin ang inggit anak—"

"Inggit? Anong kaiingitan niya?! She's pretty, smart, rich and famous!" I can't believe it!

"You need to go home now, Dazia. Baka bukas ay matunugan na ng media, kailangan mo nang umuwi bago media pa ang unang makahanap sayo," she seriously said.

"Give me a week, Mom...just a week." Kailangan kong magpaalam nang maayos sa pamilya ni Benji.

"Ok. Take care, Princess." Tumango ako kahit hindi niya nakikita.

I'm going home...

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now