Chapter 25

74 5 1
                                    


Chapter 25

Pansin ko ang pagkabalisa ni Gloria—maya't maya siyang lalakad tapos mapapakamot sa ulo. Ilanga raw nang imiikot sa utak ko ang pagkabog ng dibdib ko pag kasama ko siya...napa-search pa nga ako sa google kung bakit ganito ang tibok.

Inlove ako, 'yan ang sabi sa result. Akalain mo yun? Tinamaan ako kay Gloria! Pusanginang puso!

"Mukhang malalim ang inisin natin a, Pareng Benji?" tanong ni Berting na nakasuot ng kupas na polo.

"Sa'n punta mo?" sabi ko na malayo sa tanong niya.

"Pauwi na 'ko. Aa-apply sana akong trabaho pero walang gustong kumuha sa 'kin!" Hinampas pa niya ang hawak ng resume. "Etong gwapo kong 'to? Pagkamalan bang ex-convict?! Pareng Benji, ay kennat," naiiyak niyang sabi ngunit natawa ako sa itsura niya.

"Ayos lang 'yan. Better luck next time!" pagpapalakas ko sa loob niya. Ito ang mahirap sa nakatira sa squatter...mahirap kunin sa trabaho dahil wala silang tiwala sa 'min—porke iskwater masamang tao na?!

"Buti na lang nandito ang Milabs ko!" Mula sa loob ng polo niya ay nilabas niya ang magazine na naglalaman ng pictures ni Dazia. "Ops! Pareng Benji...hindi ko 'to pinapahiram!"

"Sinabi ko bang hihiramin ko?" napapailing ko pang sabi. Dati-rati ay nakikipag-agawan ako sakanya ng mga magazines.

"O?! Bakit? Nagsawa ka na ba talaga sa idol natin?" nagtataka niyang tanong.

"Hindi naman sa ganon, pero kasi naisip ko na walang patutunguhan ang pagiging fanboy natin—idol ko pa rin syempre kaso hindi na die hard fan..." Basta nagising na lang ako na parang hindi na kay Dazia ako humahanga kundi kay Gloria.

"Aaaaaah...siguro si Lia na crush mo 'no? Ayieeeeeh!" pabirong sabi niya. Ang resume na hawak ay pinangsundot niya sa bewang ko.

Kahit hindi ko naman intension ay bigla akong napangiti—pusangina talaga! Kalalaking tao tapos kinikilig!

"H-hindi, ahh!" tanggi ko ngunit patuloy siya sa pang-aasara.

"Gusto mo haranahin natin—araaaay!" daing niya matapos ko siyang pabirong suntukin.

"G*go ka talaga, alam mong sa iisang bahay kami nakatira tapos haharanahin ko pa?" Minsan talaga tinatakasan si Berting ng sarili niyang utak.

"O, tama nga ako? Crush mo nga si Lia—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil tinakan ko ang bibig niya.

Nandidiring pinunas ko sa polo niya ang palad kong nalagyan ng laway niya. "Ang ingay mo talaga kahit kailan!"

"Sinong crush ni Benji?!" biglang sulpot ni Ped. Ka-gang ni Berting. Ang tanong ni Ped ay nasundan pa ng iba nilang tropa.

"Sino?"

"Aamin na 'yan!"

"Sabihin muna!"

"Tigilan niyo ako!" naiinis kong sabi sakanila ngunit wa-epek dahil para silang baklang tumili.

"Hoy! Ang ingay-ingay niyo! Sana kung bibili kayo!" reklamo ni Aling Myrna. Naging tambayan na naming itong sari-sari store niya.

"Pabili pong max!" sabi ni Wato na inasikan ni Aling Myrna.

"Alam niyo ba mga Hijo?" Mabilis na nilapit ni Aling Myrna ang mukha sab utas ng tindahan niya kun saan nilalabas ang mga paninda.

"Hindi pa po naming alam..." sabay na sagot nila Berting.

Umasik si Aling Myrna ngunit sinabi pa rin ang tsismis na nasagap niya. "May paikot-ikot daw na media dito sa lugar natin...may artista raw na hinahanap!" Pare-parehong napasinghap ang trop ani Berting.

"Sa'n mo naman nalaman 'yan, Aling Myrna?" tanong ko. Si Aling Myrna kasi ay certified Marites ng lugar namin, minsan ay hindi tama ang balita niya.

"Aba! Narinig ko lang kay Waldo habang tinitindahan niya ako ng taho kanina!" Isa pa 'yon si Mang Waldo na mahilig magkalat ng kwentong barbero.

"Paanong may mapupuntang artista sa lugar na 'to? Tayo nga ay nababahuan na 'yong artista pa kaya?" sabi ko na inayunan ng iba.

Matapos ang mahaba-habang kwentuhan naming ay umuwi na ako. Naabutan ko si Gloria na sinusuklay si Ivy na panay ang pa-cute sa salamin. Hindi nila ako napansin kaya pinagmasdan ko muna si Gloria.

Nahihiwagaan na ako sakanya, gusto kong magtanong ngunit inuunahan ako ng kaba dahil baka bigla na lang niya maisipang umuwi. Ayoko nang umalis si Gloria sa 'min—kung nanaisin niya ay pwede siyang tumira sa 'min habang buhay, kahit guluhin niya ako habang buhay ay ayos lang.

Sumapit ang gabi. Habang nakaupo ako sa labas ng bahay naming ay tumabi si Gloria sa 'kin. Tahimik lang siya ngunit halatang may gusto siyang sabihin.

"Benji...may sasabihin ako," halos pabulong na niyang sabi.

"Na gusto mo na namang sumama sa 'kin sa bar mamaya?" Akala ko ay tama ako ngunit umiling-iling siya.

"Iba 'yon. Gusto ko sanang sabihin na ako si Dazkcidndckxmv" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil biglang nagtahulan ang mga aso.

"Ano 'yon?" Hindi niya inulit ang sinabi. Nagulat na lang ako dahil bigla siyang yumakap sa tagiliran ko.

"Sorry tapos salamat," rinig kong sabi niya. Nanlamig bigla ang palad ko, para akong nakababad sa yelo dahil lang sa yakap niya.

"Gloria—" Humigpit ang yakap niya.

"Basta... umaasa akong hindi ka magagalit." Kumalas siya sa yakap tapos ay pumasok na.

Naiwan akong tulala at hindi makagalaw. Nakakailan na ang Gloriyang 'yon sa 'kin! Ilang beses na niya akong pinapakilig!

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now