Chapter 24
Isang araw na ang lumipas ngunit hindi ko pa nasasabi kina Benji. Hindi ko alam pa'no sisimulan. Sa sobrang busy niya sapag-aasikaso sa tatay niyang kalalabas lang mula sa hospital—lingid sa kaalaman nila na hindi discount ang nangyari sa bayarin nila.
Inutusan ko Mang Erning na palihim na bayaran ang bill nila.
Malungkot akong ngumiti sa salamin. "Benji...ako talaga si Dazialia, pasensya na dahil nilihim ko—ang pangit! Paano ba?!" para na akong baliw na pabulong-bulong sa salamin.
"I'm sorry if I lied, patawarin mo sana ako," nag-puppy eyes pa ako at naisipang lumuhod.
Kanina pa ako nagpa-practice kung ano ang sasabihin ngunit wala akong maisip na tama. Pa'no kung umalis na lang ako tapos pagbalik ko ako na si Dazia? Matutuwa kaya siya na 'yung idol niyang ninanais niyang makita ay nakakasama na niya pala sa bahay?
"Hoy, Gloria! Kanina ka pa pabulong-bulong d'yan!" Napaigtad ako sa pagsulpot ni Benji.
"Sa'n ka pupunta?" tanong ko.
"Sa tindahan lang ni Aling Myrna..." sagot niya.
"Sama 'ko!" Mabilis akong napalapit sakanya.
Nang makarating kami sa tindahan ay as usual, nagkakantahan na naman ang grupo ni Berting.
"Pareng Benji! May balita ako!" agad na bungad ni Berting.
"Matutuwa ako kung sasabihin mong may trabaho ka na," pilosopong sagot ni Benji.
"Dadating din tayo r'yan! Pero 'eto ang balita...alam mo bang nawawala raw si Dazia kaya hindi nagpapakita sa media, tapos may gusto raw pumatay sakanya!" todo bigay na kwento ni Berting.
"O, tapos?" balewalang tugon ni Benji. Napayuko ako at dahan-dahang umupo sa harap ng tindahan.
"Ha? Anong tapos? 'Di ba idol mo 'yon? Crush mo pa nga, e!" hindi makapaniwalang sagot ni Berting.
"Wala na 'kong pakialam sakanya...may iba na 'kong gusto." Ouch! Bakit parang ang sakit naman ng sinabi ni Benji. Bakit hindi na niya ako crush? At sino ang bago niyang gusto?!
"Kaya ikaw, Berting...mag-move on ka na rin tulad ni Benji. Baka kasi na-realize niya na wala siyang mapapala sa pagiging fanboy," singit naman ni Aling Myrna.
"O, 'di ba maganda 'yon? Nabawasan ng isa ang kaagaw ko kay Maylabs ko?!" natatawang sabi ni Berting.
"Sige, Berting... 'pag si Dazia nagkaroon ng libreng concert sa lugar natin—kahit umutang ka sa 'kin ng isang taon ay hindi kita sisingilin!" pambu-bwiset ni Aling Myrna.
"Huwag nga ako Aling Myrna...kahit mag-tumbling ako, hindi kakanta si Mylabs ko sa bulok na lugar natin!" busangot na sagot ni Berting kay Aling Myrna.
Tumambay pa kami ng ilang saglit sa tindahan bago umuwi. Bago kami makapasok sa bahay ay kinalabit ko siya.
Nanlalamig ang palad ko sa kaba. "Benji...ano kase—may sasabihin sana ako." Humalikipkip siya at humikab.
"Ano?"
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong ako si Da—"
"O? Bakit hindi pa kayo pumasok? Gabi na," biglang sumulpot si Aling Rosie na naka-duster na pantulog.
'Papasok na, Nay." Tumango si Aling Rosie at nauna nang pumasok sa bahay. "Ano ulit 'yon?" baling niya sa 'kin.
"Huh? A! Wala, itatanong ko lang sana kung ano ang sabon mo...ang bago kasi," biglang umurong ang dila ko kaya iba ang nasabi.
"Ano bang problema mo? Pare-pareho naman tayo ng sabon—safeguard na puti...bakit nababanguhan ka ba sa 'kin?" Tumaas-taas pa ang kilay niya at papoging hinawi ang buhok.
"Ang kapal mo naman!" Nagmamadali akong pumasok. Tatawa-tawa naman siyang sumunod.
Nagtalukbong ako ng kumot. Anim na araw na lang ang natitira sa 'kin para umamin pero hindi ko masabi-sabi! 'Pag iniisip kong magagalit si Benji sa 'kin ay naiiyak na ako. Gusto ko maging ok ang lahat bago ako umuwi.
"Gloria?" Napamulat ako dahil sa tawag ni Benji.
"O?"
"May gusto kasi akong babae, hindi ko maamin sakanya—ano sa tingin mo ang daapt kong gawin?" Marahas kong hinawi ang kumot ko at busangot na humarap sakanya.
"Sino?!" Ngumiti lang siya na parang kinikilig pa.
"Secret muna. Saka ko na sasabihin pag nakaamin na 'ko sakanya...ano nga?" Naiinis ako, bakit ayaw niyang sabihin? Wala naman akong pakialam kung sino man ang babaeng 'yon dahil uuwi na rin naman ako!
"Huwag ka ng umamin, mababasted ka lang. Masakit 'yon kaya better hide your feelings na lang." Did I sound bitter?
"Wala namang mawawala kung susubukan ko 'di ba?" Huminga ako nang malalim sa sagot niya.
"Bahala ka, it's your choice!" Muli akong nagtalukbong ng kumot upang hindi niya makita ang pagsimangot ko/
"Maganda siya pero sakto lang, mas maganda pa rin ang idol kong si Dazia. Madaldal din siya at maarte na pabebe pa." Mas maganda pa pala ako, e! Pangit pala ugali pero gusto niya?! Duh!
"Benji, gabi na..." Ayoko ng marinig pa ang tungkol sa babaeng gusto niya.
"Tapos makulit siya, tapos sa sobrang cute ang sarap isako—"
"Goodnight, Benji! Matutulog na 'ko—ayoko ng maingay," tumawa siya nang mahina sa sinabi ko.
"Goodnight...manhid." Dahil pabulong ang sinabi niya sa dulo ay hindi ko na naintindihan pa.
Kukulamin ko kung sino man ang babaeng 'yon!
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...