Chapter 9: Palengke Queen

62 7 0
                                    

Chapter 9: Palengke Queen

°Dazia PoV°

Ang ingay, samot-saring mga salita ang naririnig ko, nakaupo lang ako at nagmamasid kay Aling Rosie na nagtitinda.

"Puwede po akong tumulong?"  Kahit wala akong alam sa ginagawa niya ay nagpresinta ako.

Kita ko kasing nahihirapan siya. "Sige, bahala ka," nakangiting sabi niya.

Ako ang nagtimbang  at nag-plastic ng mga gulay at siya ang kumukuha ng bayad dahil hindi ko pa alam ang presyo .

"Thank you come again!" bibong sambit ko dahilan nang pagtawa ng ale.

Napansin ko na ang mga nagtitinda ay isinisigaw ang paninda nila sabi,
"O! Tilapia kayo riyan! Murang-mura na lang!" Isigaw ko rin kaya? Oo! Isisigaw ko rin!

"Bili na po kayong gulay ni Aling Rosie! Fresh na fresh galing pang Mt. Everest!" Iwinagayway ko pa ang hawak na plastic at tumuntong sa upuan.

"Lia, galing lang 'to sa bagsakan sa kabilang barangay," naiilang na sagot ni Aling Rosie.

"Don't worry, Aling Rossie, I got your back! Mapapaubos natin 'yan!" sure na sure na sagot ko.

"Bili na, bili na, ng gulay ni Aling Rosie, nang magkakulay ang inyong mundo!" kinanta ko ito gamit ang tono ng 'Bulaklak' ng sexbombs. Agad akong bumaba sa upuan namg makitang nagdagsaan ang mamimili.

"Ang ganda naman ng tindera mo, Ale!" Nahawi ko ang bangs ko sa narinig .

"Oo nga, napakamasiyahin pa." Mas lalo akong napangiti sa sinabi ng bumibili.

"Ay, tumpak! At araw-araw niyo po akong makikita kung araw-araw kayong bibili rito." Nakangiti kong inabot ang binili niya.

Sa ilang sandali lang ay piraso na lang ng ibang gulay ang natira, napaupo ako dahil sa pagod. Nakakapagod din pala magbenta at nakakaubos ng laway.

"Naku! Wala pang alas singko pero ubos na ang mga tinda natin! Napakahusay mo naman, anak" natigilan ako at napatitig kay Aling Rosie.

Anak? Bigla ko tuloy na-miss si Mommy, kailan kaya ako makakauwi?

"Syempre naman po! Araw-araw ko po kayong tutulungan para makabawi naman po ako." Ngumiti ito at dumukot sa maliit niyang bag.

"O,  magmeryenda ka muna. Diyan lang sa labas 'yung mga nagtitinda at baka makita mo rin diyan si Benji." Inabutan niya ako ng dalawang singkwenta.

"Halla! Fifty lang po." Binalik ko sa kaniya ang singkwenta.

Masaya akong naglakad at bawat tindera na nadadaanan ko ay nginingitian ko na sinusuklian nila ng kaway. Wow! Ibig sabihin... friends na kami!

Pagkarating sa labas ng wet market ay agad kong nakita ang mga street vendors kaya lumapit ako sa lalaking nagtitinda ng mga bilog-bilog at ano-ano pa.

"Manong, pabile!" Gulat itong tumingin sa akin nang sumulpot ako sa gilid niya.

"Ginugulat mo naman ako, iha!" Tumawa ako sa sinabi niya. May katandaan na rin, may dalawang estudyanteng lalaki ang  bumibili sa kaniya

"Ano po ito?" Sabay turo ko sa orange na bilog.

"Kwek-kwek, iha," sabi niya at nagpatuloy sa pagpiprito.

"E, ito? Saka ito po? At ito rin? Eto...alam ko hotdog." Narinig ko ang naging pagtawa ng dalawang bumibili.

"Fishball 'yan, ta's eto kikiam tapos squid ball." Tumango-tango ako sa sinabi niya.

"Titikman ko po lahat pero twenty pesos lang tapos po isang orange juice," sabi ko.

Pagngiti-ngiti si Manong habang tumutusok. "Hindi 'yan orange juice, gulaman 'yan." !apatingin ako sa estudyanteng nasa tabi ko na pala.

"A, salamat!" sabi ko na lang. Inabot sa'kin ni Manong ang plastic cup at yung orange juice— gulaman pala, kakainin ko na sana ngunit kinuha ng estudyanteng nasa tabi ko ang plastic cup.

"Lagyan ko lang ng souce," sabi nito na tinanguan ko na lang.

Panay ang ihip ko dahil ang tagal lumamig, uubusin na yata ang hangin ko sa loob!

"Halla!  Ang sarap po! Dapat mo po itong ipagmalaki!" Nagthumbs up ako kay Manong .

Napakamot ito ng ulo at napangiti,  mabilis kong naubos ang tatlong kwek-kwek, limang kikiam at fishball. Parang gusto ko pa pero kase ililibre ko sana si Benji .

"Manong, bigyan mo pa po siya... libre ko na po." Tumingin ako sa lalaking nasa tabi ko.

"Talaga?! Thank you!" Pinisil ko ang pisnge niya at napansin ko ang bahagyang pagpula nito.

Nakita ko si Benji sa may 'di kalayuan, may hila-hila itong sako.

"Manong, aalis na 'ko, babalik ako bukas 'pag may pera ulit ako. Tapos thank you ulet," baling ko sa katabi ko.

Kita ko pa ang pagtulak ng kasama niya at pagtusok sa tagiliran nito. Mabilis akong naglakad upang lapitan si Benji.

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now