Chapter 17: Tricycle

63 4 0
                                    

Chapter 17

Humikab muna ako bago mag-inat, kinamot ko pa ang mga mata dahil pakiramdam ko may malaking tumpok ng muta roon. Teka—paano ako nakarating dito?! Ang na-aalala ko ay umalis na ‘ko sa poder nila Benji tapos…sinundo niya ako?!

Parang may mainit na humaplos sa dibdib ko sa isiping hindi pa rin ako pinabayaan ni Benji.

Bumangon ako at masayang nagsipilyo, naabutan ko pa si Ivy na papasok palang sa school kasama si Rain na may kakaibang tingin saakin—anong problema ng batang ito?
P
arang may sariling isip ang mga paa ko dahil bigla nalang silang lumapit kay Benji matapos nitong tumayo upang umalis.

“Pwede ako sumama?” Nangunot ang noo niya sa sinabi ko.

“Hindi,” sagot nito bago ako talikuran.

Dala-dala ko pa ang pandesal at kape ko ng sumunod ako sakanya. “Bakit hindi?” Nangiwi pa ako nang matapon ang kape ko dahil sa pagmamadali.

“Kasi mamamasada ako ngayon. Maglinis kana lang dito o kaya naman sumunod ka kila Nanay.” Sumimangot ako sa sinabi niya.

Upang wala na siyang magawa ay nauna na akong sumakay sa loob ng tricycle niya—ano ba ‘to ang tigas ng upuan!

“Gloria! Bumaba ka r’yan!” Ngumiti ako ng nakakaasar kay Benji saka nilabas ang dila upang asarin siya.

***

Busangot si Benji habang nakasandal sa toda nila. Dalawang oras na kaming nandito pero wala pa ring pasahero…seriously?

Where are the passengers? Tapos kung wala ng masasakyan saka sila darating!
Maingay ang paligid dahil na sa toda kami ng palengke.

“Psst!” sitsit ko sakanya ngunit hindi siya lumingon. “Pahinging pera?” Lumapit ako sakanya saka nilahad ang palad.
Bagot siyang tumingin saakin.

“Wala na ngang pasahero tapos hihingan mo pa ako?” Ngumiti ako sakanya ngunit umiling ito.

‘Kruuuuuu’ Bigla akong napaiwas ng tingin saka iwinasiwas ang mga braso na parang walang narinig. Gutom na ako….

“Tss…sasama-sama pa kasi—Ohh!” Masayang kinuha ko ang inaabot nitong Singkwenta Pesos. Magrerekla-reklamo—magbibigay rin naman pala.

“Salamat!” Tinapik ko pa ang balikat nito. Tumakbo ako sa malapit na tindahan, bumili ako ng dalawang coke—na nilagay ng tindera sa plastic at may colorful na straw.

“How much po sa banana na nakatusok sa stick?” tanong ko. Mukhang masarap—nakakatakam!

Medyo natagalan pa ang tindera sa pagsagot. “Ahh…yung bananaque ba ineng? Otso isang stick.” Tumango ako at inabot ang bayad.

Aalis na sana ako ngunit naagaw ng atensyon ko ang ang mga makukulay at makakapal na sinulid. “Para saan po ‘yon?” Turo ko sa mga sinulid na tinda niya.

“Ginagawang pulseras yan ineng—parang ganito ohh.” Pinakita nito ang mga pulseras na suot niya.

“Piso lang isa.” Piso? Ang mura pala!
“Pabili po sampu! Pwede po paturo pa’no?” Tumango ang tinderang may edad kwarenta na.

Tinuruan niya ako kung paano gumawa. Madali lang pala para ka lamang nagbi-braid ng buhok…gagawa ako tapos ibibigay ko kay Benji! Hindi lang makukulay na sinulid ang umagaw sa atensyon ko kundi pati na rin ang cute na mga lobong nasa tabi nito.

“Benji…” Inabot ko sakanya ang coke at bananastick—bananaque pala.

“Sukli ko.” Nangunot ang kilay ko, gayunpaman ay inabot ko pa rin ang limang pisong sukli niya. “Bat anong binili mo?” nagdududang tanong niya…wow ha!

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now