•CHAPTER 8: Tilapia
°Benji PoV°
Bat ba napapayag ako ng babaeng 'to? Haist! Mangi-estorbo lang naman siya do'n, mukha pa namang walang alam sa mundo.
Tumigil muna kami sa tapat ng tindahan ni Aling Myrna, bibili akong yosi, oo nagyoyosi ako pero 'pag hindi mapakali o kinakabahan lang.
Teka, ba't nagkakaganito ako? Kasalanan ng babaeng 'yun! Kung hindi sana sunod nang sunod, edi sana hindi—tutangina!
Hindi naman siya maganda—OO TAMA! Panget ang mahaba niyang pilik-mata, basta panget ang mga mata niya!
Pangit din ang pisnge niyang mamula-mula pati labi niyang hugis puso! Pati ilong niyang matangos! Buong mukha niya panget!
"Aling Myrna, dalawang marlboro ho." Binigay nito ang binili ko at napatingin sa likod ko.
"May shota ka pala, Benji...ay napaka-gandang bata naman ire!" Si aling Myrna talaga chismosang tunay, at shota? Si Gloria?
"Pakilala mo naman kami, Pareng Benji!" At isa pang chismoso ang paparating kasama ang kaniyang alipores.
"Siya si Gloria at hindi ko siya shota," sabi ko at nagsindi ng yosi.
"Hoy, Lia ang pangalan ko! Hello po ako po si Lia!" Inungusan ako nito pero ngumiti siya nang humarap kina Berting.
"Magandang morning! Ako si Roberto!" Hindi pa man inaabot ni Gloria ang kamay niya ay kusa na itong kinuha ni Berting para makipagkamay.
"Roberto ka pa riyan! Berting pangalan niyan, Miss Lia, at ako nga pala si Joshua." Ngiting-ngiti si Wato habang nagpapakilala, isa sa ka-gang kuno ni Berting.
"HOY! E, sa school kalang naging Joshua! Wato ang pangalan mo rito sa lugar natin!" balik na asar ni Berting dito.
Sunod na nagpakilala ang tatlo pa sa kanila. Si Chano na Christian ang pakilala, si Ammos na naging Jeremy, at si Ped na hindi binanggit ang tunay na pangalan na Pedro.
"Masaya akong makilala kayo!" At totoong kita naman ang kasiyahan kay Gloria dahil tumatawa siya 'pag nag-aasaran ang lima.
"Kaano-ano mo si Lia kung ganun?" tanong ni Berting.
"Anak ng kaibigan ng pinsan ng nanay ko," sagot ko na lang dahil wala na akong maisip.
"Ha?" Naguguluhan sila sa sagot ko.
"Basta saamin sya nakatira at HINDI KO SYOTA. Mauna na kami." At nauna na akong sumakay sa tricycle.
Nakarating kami sa bayan at dumiretso sa wet market kung saan ang imbakan ng yelo at pwesto nila Nanay.
Hindi mapakali si Gloria, kung saan-saan tumitingin kaya naman paminsan-minsan ay bumabangga sa mga nakakasalubong niya
"Ihahatid kita kina Nanay, tumulong ka kung gusto mo. Hindi kita puwedeng isama sa paghahatid ng yelo."
Hindi ito sumagot pero sumusunod naman sa akin, busy ito sa pagtingin sa paligid, ano tingin nya dito park? Natapat kami sa pwesto ng nagtitinda ng isda. Tumatalon- talon ang mga malalaking tilapia kaya nalaglag ito mula sa batya at sumakto sa paa ni Gloria.
"KYAH! Sho!" tili nito at sinipa namg malakas ang tilapia. Nagulat ang mga bumibili at nagtitinda, napatingin sila sa kaniya. Nanlalaki ang mata nito at mabilis ang paghinga.
Gusto kong tumawa pero baka mas mapahiya pa siya. "Ineng, ba't mo sinipa?" nagtatakang tanong ng tindera pero hindi naman mukhang galit.
"That fish bit my toe! Look!" At pinakita nito ang maliit na sugat. Siguro ay natusok ng palikpik.
"Pasensya na po, babayaran ko na lang po," hingi ko ng paumanhin sa matandamg babae na siyang tindera.
"Hindi na, iho. Ayos lang." Ngumiti ito sa amin at nagpatuloy sa pagtitinda.
"Thank you po, at sorry din," sabi ni Gloria.
"Ba't sumigaw ka pa!? Para isda lang, e!" Sabi ko sa kaniya at nagpatuloy sa paglakad.
"Kinagat nga niya ako!" At ipagpipilitan pang kinagat siya pambihira! Nakarating kami kina Nanay at Tatay kaya iniwan ko na siya.
A/N
Kindly leave your votes and comments
Hahahahappy Reading!
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...