Chapter 13: Labada

78 6 0
                                    

Chapter 13: Labada

°Benji POV°

Linggo ngayon kaya rest day ko sa bar, hindi muna ako magdedeliver ng yelo ngayon dahil nakita kong tambak nanaman ang labahin namin, ako nalang ang maglalaba upang mabawasan naman ang gawain ni nanay.

Dala-dala ko ang basket na puno ng labahin, sa labas na ako maglalabas mas presko. Akmang lalabas ako ng ng may umagay sa basket na dala ko.

"Bakit pati gamit ko lalabhan mo?" natatarantang sabi ni Gloria

"Oo, nakakahiya naman sayo Seniorita!" kunwaring magalang na sagot ko sakanya at pilit binawi ang basket

"Ako maglalaba ng gamit ko!" masungit niyang sagot saka naunang lumabas saakin "Seriously?! pati panty at bra ko siya maglalaba? haaaay!" natigilan ako ng marining ang mahinang sinabi niya

'Bobo ka talaga Benji!' piping sermon ko sa sarili, tama naman siya...ayoko ngang hawakan ang panty niya..eeeeew!

Sa isiping iyon ay pakiramdam ko nag-init ang mukha ko, Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sakanya.

Pagkarating ko sa labas ay dalawang batya na ang nakahanda, talagang inihiwalay niya ang gamit niya. Napailing nalang ako at hinarap ang mga labahin

Binanlawan ko muna ang mga labahin ko upang mabawasan ang dumi, ng matapos ako ay sumunodnod din siya. Nagsimula akong maglaba habang siya ay hila-hila palang ang kanyang batya palapit saakin

Nangunot ang noo ko ng pumwesto siya sa tapat ko, pinanood niya muna ang ginagawa ko bago siya kumilos.

Nagkusot ako at ganun rin ang ginawa niya----teka inaasar ba niya ako??? pero parang hindi naman. Nakatapos na ako ng apat na damit ngunit siya ay isa pa lamang.

Kumamot ako sa batok ng makitang hindi na siya naglalaba kundi paglalaro na ang ginagawa nito, nagpapalobo siya at puputukin din kalaunan, humagikgik pa siya sa tuwing nakakalayo ang lobong ginagawa niya....isip bata tsk!

Hindi ko namalayang hindi narin ako naglalaba at nanatiling pinapanood na lamang siya...teka bat ba ako nakangiti?????

Napatayo siya ng lumayo ang pinalobo niya, hindi siya nakatingin sa daan at nakafocus lang sa lobo, nailipad ang lobo sa malapit sa ilong ko at hindi nagtagal ay may palad ng palapit saakin

"P*TCHA!!" dumaing ako at dinama ang ilong ko kung nakatayo pa ba dahil sa lakas ng hampas niya ay baka lumubog na ang ilong ko....hindi ako nakaiwas!

"OHHH GOD! sorry!" agad siyang lumuhod at hinawakan ang mukha ko, nanatiling mulat ang mata ko hanggang sa hipan niya ang ilong ko, pakiramdam ko may nagwawalang kung ano sa tyan ko....pusangina nakakabakla!

"Okay kana?" tanong niya at nakahawak parin sa mukha ko, napakurap-kurap ako at biglang napatayo

"Bakit ba kase naglalaro ka?! bata kaba para magpalobo pa???" kunwaring galit kong sabi, ngunit parang na-guilty ako dahil mukha siyang kaawa-awang batang pinapagalitan ng nakatatanda

"Nagsorry na nga ako diba???" parang naumid ang dila ko ng makitang naiiyak na siya

"OO NA! wag ka ng umiyak ok nako!" umirap ako at muling binalikan ang nilalabhan ko

"Ohh ok kana agad?" Muling nagliwanag ang mukha niya at pinunasan ang patulong luha, bumalik rin siya sa paglalaba

Habang nagkukusot ay napansin kong panay ang silip niya saakin, Huminga ako ng malalim at binalingan siya ng tingin "Bakit ba tingin ka ng tingin?!" naiiritang tanong ko, dahil sa kakatingin niya ay nababalisa ako

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now