Chapter 12: Ulan

74 7 0
                                    

Chapter 12: Ulan

°Dazia POV°

Nakatingala lang ako sa bubong, hindi ako makatulog dahil sa lakas ng ulan at dahil narin sa maliliit na patak na tumutulo sa paanan ko. Napahikab ako ng malakas sabay palo sa braso  kong kinagat ng lamok

Nagulat ako ng bumangon si Benji at nilagyan ng planggana ang tapat ng tumutulong bubong, nilibot ko ang paningin at napailing nalang ng makitang may dalawa pang timba na sumasalo ng patak ng ulan sa may gilid niya

I wonder how they surviving here? mahinang tulo ng tubig, masikip na daan at maingay na paligid, ngunit sa paglalagi ko dito ay nakikita kong lahat sila ay masiyahin kahit na ganito lang ang buhay nila

It's already 11 in the evening but I still can't sleep, naaalala ko ang kwarto ko....may aircon, may magandang ceiling at malambot na kama

Tumagilid ako at pilit inaninag kung gising pa si Benji...brownout ngayon dahil sa lakas ng ulan. Bumuntong hininga ako at pumikit

"Hindi ka makatulog?" He suddenly asked

"Bakit dito kayo nakatira?" hindi ko na napigilan at tinanong ito sakanya

"Lumaking mahirap si Nanay at tatay, nangungupahan lang sila nuon" bumangon siya at nagsindi ng kandila

"Si tatay dating construction worker, Mabait ang boss nila at ng mamatay ito ay binigay niya ang lupang ito sa mga empleyado niya, dumami ng dumami ang nanirahan dito at dahil wala kaming kakayahang magpatayo ng bahay na bato ay ganito ang nangyari sa lugar namin, dikit-dikit at tagpi-tagpi lang ang mga bahay"  lumapit ako ng kaunti upang mas marinig ang kwento niya

"Ikaw san kaba talaga galing?" Napatikom ang labi ko sa tanong niya

"Isipin muna lang bigay  ako ng Universe" I chuckled but he remains silent

"Bigay saamin ang lupang ito, ngunit hindi niya naibigay ang tituto bago siya pumanaw" nagulat ako sa sinabi niya...ibig sabihin anytime pwede kaming paalisin dito?!

"Kahit magkayod kalabaw ako  makaipon lang ng perang makakapagpaalis saamin sa lugar nato" napatingin ako sakanya sa sinabi nito, nilalaro niya ang apoy sa kandila

"Itong babaeng ito" turo ko sa mga poster na nakadikit, " Bakit puno ng mukha niya itong kwarto mo?" dahil lumalalim na ang usapan namin ay binaling ko sa iba ang topic

"Girlfriend ko nga" at talagang pinagpipilitan niya pa!  "Weeee?" sabi ko at mahinang tumawa

"Ayaw mo maniwala di wag, sikat yan eh kaya tago ang relasyon namin" Sabi pa niya...gusto kong tumawa ng malakas dahil sa kahibangan niya

Nais ko sanang dumapa, ngunit wala na palang natitirang espasyo kaya ang resulta ay nalaglag ako! "Ang sakit! bakit hindi mo ko sinalo???" galit kong baling sakanya

"Bat sinisisi mo ko??? sinong tanga ang gugulong sa maliit na papag??!" tinakpan niya ang mukha ngunit rinig ko parin ang mahina niyang pagtawa

"Stop laughing---- wag kang tumawa! wag kang tumawa sabi eh!" sisipain ko sana siya ngunit nahawakan niya ang paa ko

"STOP IT!!! WAAAAAHAHAHAHAHA!" hindi ko mapigilang tumawa ng kilitiin niya ang paa ko, pinilit kong umupo at ng magawa ko ito ay mabilis akong umupo sa tiyan niya

"Araaay! hoy! pusangina umalis ka jan! awwwww!!" marahas kong sinabunutan ang buhok niya at gigil itong hinila

"Ohh ano??? tatawanan mo pa ako?" humihingal kong tanong, dahil sa pagod ay habol ko ang hininga ganun rin ito

"Hindi na--" natigilan siya ganun rin ako ng mapagtanto ang pwesto naming dalawa

Nakaupo ako sa tyan niya at nakahawak sa tenga nito samantalang siya ay nakahiga habang pigil ang kamay ko sa pagsabunot sakanya

"Ahhhno ba! bat ang iingay niyo--" pareho kaming napatingin sa pinto ng bigla itong magbukas

"AYYY JUSKO! ITONG MGA BATANG ITO! BENJI!!--" hindi na natapos ni aling Rossie ang sasabihin ng biglang tumayo si Benji na hindi man lang naisip na nakaupo ako sa tyan niya

Napahawak ako sa balakang ko ng muli akong mahabla sa sahig, napaka gentledog naman talaga!

Pagkaalis ni Aling Rosie ay mabilis akong umakyat sa higaan ko at nagtalukbong ng kumot, Ewan ko ba nahiya ako bigla! Mabuti nalang ay tunog ng patak ng ulan ang maririnig at hindi ang tunog ng kulisap dahil mas lalo lang nitong gagawing awkward ang lahat.

Napakamot ako sa mata, it's morning again! bagong umaga, bagong simula! chineck ko muna kung nasa baba pa si Benji, napangisi ako ng makitang masarap parin ang tulog niya. I held my chin as an idea popped up in my mind,

Dahan-dahan akong tumayo at naghanap ng panulat sa maliit na drawer niya, ng makakita ako ng marker ay mas lumaki ang ngisi ko

Maingat kong sinulatan ang pisnge niya ng parang pusa, nilagyan ko rin siya ng bigote at nilagyan ng malaking bilog sa ilong nito. Ng matapos ako ay pigil ko ang malokong ngisi sa aking labi....This just made my day!

Bumaba ako ng may magaang pakiramdam, nagulat pa si Ivy ng magpumilit akong ako ang magluto ng almusal. Nagpiprito ako ng itlog ng bumaba si Benji, kagat ko ang labi na tumingin sakanya

"Kuya, anong nangyari sayo?" natatawang tanong ni Ivy

"Kagigising ko lang" sagot niya at nagtungo sa banyo....sisipol-sipol akong nagpatuloy sa pagluluto

"GLORIAAAAAAAA!!" mariin akong napapikit ng sumigaw siya na parang yayanigin na itong bahay nila

Nakangiti kong binaligtad ang pritong itlog, mahina akong natawa ng walang tigil ang pagputak niya sa banyo

"HOOYYYY!---" humarap ako sakanya hawak ang spatula ng nakangiti, nagpiece sign ako at tinakpan ang mapangasar na ngisi

Natulala siya at umiling ng ilang beses, nagkibit balikat nalang ako ng talikuran niya kami ni Ivy. Nangunot ang noo ko ng makitang binatukan niya ang sarili....anong problema niya?? Nakalunok ba siya ng patak ng ulan kagabi?

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now