Chapter 27
Habang nakahiga ako ay sa matigas kong papag ay may biglang tumabi sa 'kin.
"H-Hoy! Anong ginagawa mo?!" galit kong saad.
"Sakit ng katawan ko, mahihirapan akong humiga sa baba." Nakaramdam ako ng awa nang makita ko ang pasa sa braso niya.
"Masakit?" Hinaplos ko iyon na ikinangiwi niya.
"Oo...sobra." Sa narinig ay taranta akong napabangon.
"Tara na sa hospital!" Akmang hihilahin ko siya nang ako ang hilahin niya pahiga. Napahiga ako sa braso nito na siyang kinailang ko.
"Gagaling na 'to bukas basta tatabihan mo 'ko." I stunned when he hugged me tight.
Tinulak-tulak ko siya ngunit ayaw nito patinag. "Bitaw nga!"
Imbis na bumitaw ay mas humigpit pa ang yakap niya. "Gusto mo 'ko..." Napangiti siya sa kawalan. Mariin akong napapikit nang maalala ko kung ano ang sinabi ko kanina.
"H-hindi 'yon totoo-"
"A basta! Gusto mo 'ko period...bawal ka nang magpaligaw sa iba kasi girlfriend na kita-aray!" daing nito nan hampasin ko ang may pasa niyang braso.
"Ang kapal mo! Ni hindi ka pa nga nanliligaw, eh! Tapos nakitabi ka agad!" Sinabunutan ko siya na ikinatawa nito.
"Nagsisimula na nga akong manligaw..." Napairap ako sa narinig.
"Astig mo namang nanliligaw! Girlfriend mo na ako agad tapos ikaw pa ang nag-decide!" Tinawanan niya lang ang sinabi ko. "May sasabihin pala ako..."
Ilang beses akong tumikhim upang ihanda ang sarili. Bumangon ako at umupo sa harap niya, hindi siya bumangon at hinintay lang ang sasabihin ko. "Ano?"
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ko kamukha si Dazia?" sabi ko sabay turo sa mga posters niya.Bumangon siya at sumeryoso, napalunok ako nang ilapit niya ang mukha sa 'kin. Nabigla ako nang hawakan niya ang pisnge ko at nilapit nang sobrang ang mukha sa mukha ko.
"Ha? Sinong nagsabing kamukha mo siya?" natatawa nitong sabi.
Napasimangot ako at muli siyang hinampas. "I'm serious!" Humalukipkip pa ako.
"Matulog na tayo-"
"I'm Dazia!" pikitmatang sabi ko. Tunog ng mga kuliglig lamang ang namumutawi, hinintay ko siyang magsalita ngunit wala.
Nang magmulat ako ay titig na titig siya sa 'kin. Akala ko ay magagalit siya ngunit tumawa ito. "Nananaginip ka ba, Gloria?!" Napasimangot ako sa naging reaction niya.
"Hay! Ewan ko sa 'yo! Goodnight!" Humiga ako saka siya tinalikuran. Ramdam kong humiga rin siya sa tabi ko. Akmang yayakap ulit siya kaya humarap ako saka siya tinulak nang buong lakas.
"Gloria, sumosobra ka na!" Nagtalukbong ako at mariing pumikit. Bakit hindi siya naniniwala sa 'kin?! Mukha ba akong nagjo-joke?
Nagtulog-tulugan ako na nauwi sa mahimbing na pagkakatulog. Nagising ako ng makarinig na parang may kumusyon sa labas. Humikab ako at halos pikitmata pang lumabas ngunit nang makita ko kung gaano karami ang tao ay labas ay nawala ang antok ko.
"Nariyan po ba siya sa loob?"
"Pa'no po siya napunta sa inyo?"
"Ano pong masasabi niyo sa pagtira ni Ms. Dazia sa inyong barong-barong"
Sari-saring tanong ang tinapon ng mga reporters kina Aling Rosie na pilit nagtatago. Hindi makapasok ang mga reporters dahil nakabantay sina Benji at lahat ng tropa ni Berting kasama na ang ibang nakatira dito.
"Walang Dazia'ng nakatira dito!" galit na sambit ni Benji. Nang mapatingin ako sa bintana ay bumungad sa 'kin ang camera at ang matamis na ngiti ng cameraman ng isang reporter.
"Nasa loob ba si Miss Dazia?" tanong nila sa' kin nang tuluyang akong makalabas. There's no point of hiding now. Wala na sa panganib ang buhay ko at ilang araw nal ang ay babalik na ako sa dati kong buhay.
Pati mga reporters ay hindi ako nakilala dahil sa ayos at pananamit ko. Maraming taong nakikiusyoso sa labas, lahat sila ay hindi na makapaghintay na makita kung totoong may nakatirang sikat dito.
"Pumasok ka sa kwarto!" Mariing sabi ng ama nila Benji, naalala kong siya pa lamang ang pinagsabihin ko dahil si Benji ay hindi naman naniwala.
Marahan akong ngumiti sa kanya. Lalabas na sana ako upang magbigay ng pahayag sa mga reportor ngunit natigilan ako nang ang malungkot na tingin ni Benji ang sumalubong sa 'kin.
Nabawasan ang malalakas na boses at napalitan ng bulungan. Nahawi ang mga tao pati na ang mga reporters nang may babaeng naka-all white at shades ang naglakad papunta sa gawi ko-si Mommy. Kasama niya ang baklang manager ko.
"Ang mommy ni Ms. Dazia!"
"Ma'am!"
"Ano pong masasabi niyo sa kalagayan ng inyong anak ngayon?"
Walang pinansin si Mommy na reporter, yumuyuko lang siya sa tuwing may itatatanong sa kanya. Nang makarating na siya sa pwesto ko ay walang imik niya akong niyakap.
Nagtubig ang mga mata ko nang maramdaman ko ang yakap ni Mommy na kay tagal kong hindi naramdaman.
"Mommy..." Napahikbi ako.
"It's all right now, my daughter." Hinaplos nito ang likuran ko.
Ang mga guards ni Mommy ay mabilis na naitaboy ang mga reporters. Nasa harap namin ngayon ang buong pamilya ni Benji. Sila Berting ay tulalang nakamasid sa 'min kasama na si Aling Myrna pati na si Wendy na pinagselosan ko kagabi.
"Ate Lia? I-Ikaw po si Dazia?" nahihiyang tanong ni Ivy. Nang tumango ako ay ngumiti siya nang malaki, napatalon siya at yumakap sa 'kin.
"Ivy!" Napahiwalay siya sa 'kin nang tawagin siya ni Benji.
Nawala ang ngiti ko nang hindi man lang niya ako tapunan ng tingin.
"Salamat sa pag-aalaga sa anak ko. Malaking utang na loob ko 'to sa inyo-sabihin niyo lang kung ano ang maitutulong namin," nakangiting sabi ni Mommy.
"Naku! Ayos lang, hindi na po namin kailangan ng kapalit. Masaya kaming nakatulong." Napayuko pa si Aling Rosie. Hinawakan ko ang palad nito at sinabing huwag siyang mailang.
"Kailangan na naming umalis, siguradong kalat na ang balita at maya-maya ay dadami lalo ang mga tao. Babalik kami sa ibang araw." Yumakap pa si Mommy kay Aling Rosie na kinagulat nito.
Hindi pa man kami nakakaalis ay lumabas na si Benji. Hindi ako nakapagpaalam nang maayos sa kanya bago ako umalis...gusto ko pa sanang magtagal pero hindi na pwede.
A/N
Hirap tapusin🤧
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...