Chapter 14: Accidentally Kissed

58 5 0
                                    

Chapter 14

“MAHAL NA MAHAAAAAL KITAAAAA!”

“DITO SA AKING PUSOOHUWOO!”

“IKAAAW LAHAAANG NAG-IISAAHAAA OHH AKING—” Hindi ko pa natatapos ay sumabat na si Berting.

“Woah! May labs! Ang galing mo pala—‘wag mo ng tapusin baka mapaos ka hehe,” alanganing sabi ni Berting na sinabayan pa niya ng palakpak.

Sakanilang lahat ay si Berting lang ang pumalakpak, ang iba ay nakatakip sa kanilang mukha at hindi ako matignan.

Si Aling Myrna ay natigil sa pag-nguya ng chicharon, si Benji naman pigil na pigil ang pagtawa, alam ko kung bakit ganyan ang itsura nila.

Sino ba namang matutuwa sa pagkanta ko, bukod sa halos lumabas na ang litid ko sa pag-abot ng mataas na part ay wala pa ako sa tono. Ayokong kumanta ng maayos dahil baka  makahalata sila—ayokong mabuko.

“Ano ba pumalakpak kayo!” galit na utos ni Berting sa mga kasama na agad namang nagsisunod.

Gusto kong matawa dahil ayaw pa nilang aminin na para akong ngarag na palaka kanina. Tumayo si Benji kaya tumayo na rin ako.

“Uwi na kami, baka mahamugan pa ang lalamunan ni Gloria,” tumatawang paalam ni Benji…ano daw? Nahahamugan ba ang lalamunan? He’s overreacting!

“Byeeeee Maylabs!” Tumango ako sakanila bago humABOL kay Benji na naunang ng maglakad.

“Hintay!” Hindi man lang nito ako nilingon…suplado talaga.

Pagkauwi ay nagulat pa ako nang makita ko si Rain na nakaupo pa sa mahabang bangko sa labas ng bahay nila.

Lumapit ako sakanya at tumabi.
“Bakit hindi kapa natutulog?” tanong ko sakanya.

“Wala pa sila Nanay eh—antok na ‘ko.” Humikab ito, umayos siya ng upo saka ginawang unan ang kandungan ko.

Babawalan sana ito ni Benji ngunit pinigilan ko siya. “Mauna ka ng pumasok, ako na ang bahala sakanya.” Matagal pa itong tumitig sa’kin bago pumasok sa bahay.

“Pasok na tayo—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Rain.

“Ate…kantahan mo ‘ko.” Pipikit-pikit na ito kaya naman hinaplos ko ang buhok niya.

Ngumiti ako at nagsimulang umawit ng mahina upang kami lang ang makarinig.

”If I would have to live my life again…

I'd stay in love with you the way I've been

Your love is something no one ever can replace

I can't imagine life with someone else…”

Nagpatuloy ako sa paghaplos ng buhok niya, pilit nitong nilalabanan ang antok at tumitig saakin. “Kaboses mo po si Dazia,” halos hindi na makarating sa tenga ko ang bulong niya ngunit nabasa ko sa galaw ng mga labi nito.

“I promise I will share my life with you

Forever may not be enough it's true

My heart is filled with so much love

I feel for you...

No words can say how much I love you so…”

Tumigil ako sa pagkanta nang makitang tulog na tulog na siya, sana ay hindi niya ito mabanggit kinabukasan. Inipon ko ang lahat ng lakas at pilit itong binuhat, pagkaharap ko sa pinto ay ang seryosong tingin ni Benji ang bumungad saakin.

Akala ko pumasok na siya? Hindi naman siguro niya gaanong narinig ang pagkanta ko diba? Haaaays!

“Ako na.” Lumapit siya saakin at kinuha si Rain, napaigtad ako nang magdikit pa ang mga palad namin, parang may koryente…ako lang ba ang nakaramdam?

Walang imikan hanggang sa makapasok kami sa kwarto, maririnig ang ingay sa ibang kalapit na bahay ngunit parang sobrang tahimik pa rin ng paligid dahil hindi kami nagsasalitang dalawa.

“Ang pangit ng boses mo.” Nagulat ako nang magsalita siya.

“Kulang lang sa practice duh! Ikaw rin ang pangit ng boses mo no!” Tumawa ito at humarap saakin habang nakahiga sa ibaba.

“Hindi ka ba hinahanap sa inyo?” biglaang tanong niya.

“Hindi—diba nga ulila na ako.” Pisil-pisil ko pa ang daliri dahil nagsisinungaling nanaman ako.

“Ilang taon kana?”

Sasabihin ko ba ang tunay kong edad? Ang dami ko ng sinabing kasinungalingan siguro kahit edad ko nalang ang sabihin kong totoo.

“Twenty three,” sagot ko. “Ikaw?”

“Bente-syete—” Hindi ko na siya pinatapos dahil sumabat na ako.

“Matanda kana pala?! Manong Benji!” Napaupo ako at tinuro siya.

“Hoy Gloria! Apat na taon lang ang tanda ko sayo…wag mo nga akong tawaging manong—nakakasiwa, mas mukha ka pang matanda sa’kin.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Hinagis ko sa ang unan; sapol siya sa mukha. “Ang kapal mo ha!” Hindi siya gumanti at binalik lang ang unan ko, muli akong nahiga at sa pagtingin ko sa taas ay may butiki…ang walanghiyang butiki ay dumumi pa! Ang dumi nito ay saktong nahulog sa noo ko.

“Ewww!” nagtitili ako.

Napapikit at agarang bumangon at kasabay non ay ang pagbunggo ng labi ko sa malambot na bagay.

Pagmulat ko ay ang sobrang lapit na mukha ni Benji ang bumungad, pareho kaming natigilan,  ngunit walang kumurap at lumayo man lang.

Dahil bukas pa ang ilaw ay malinaw ko siyang nakikita, ang mga mata niya ay malikot, palipat-lipat sa mata at labi ko.

Napa-awang ang labi ko dahil sa kabang nararamdaman, pansin ko ang mariin nitong paglunok ng sunod-sunod.

“Yung butiki!/ Ayos ka lang?” sabay naming sabi at sabay ding naglayo.

Hindi mapakali ang mga mata ko dahil sa nangyari… di we just kissed?! Pero hindi naman sadya diba? So wala akong karapatang magalit?

Nandidiri kong pinunasan ang noo ngunit ramdam kong kumalat lang ang dumi doon, ayoko sa lahat ay yung may mabahong bagay sa mismong mukha ko.
Tumayo si Benji at kinuha ang alcohol at bulak sa drawer niya.

Pinanood ko kung paano niya punasan ang noo ko, titig na titig ako sakanya, hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ganito kabilis ang tibok ng puso ko.

“L-lumayo ka…” bulong ko. Nahihirapan akong huminga sa sobrang lapit namin.

Ayoko ang ganitong pakiramdam, hindi naman ako tumakbo ngunit ang tibok ng puso ko ay dinaig pa ang sumali sa marathon.

“Ohh.” Hinagis nito ang alcohol sa’kin.

Lumabas ito, nang mas masiguro kong hindi pa ito babalik ay humawak ako sa labi at ilang beses na napailing…it was not my first kiss pero iba ang pakiramdam.

Hindi na ulit bumalik pa si Benji kaya naman nakatulog ako ng maayos, hindi ko alam kung saan siya natulog pero ok lang na ‘di siya bumalik—at kailan pa ako nahiya kay Benji?!

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now