•CHAPTER 6: Breakfast
°Benji PoV*
Iniisip ko kung gigisingin ko na ba itong babaeng 'to o hahayaan munang matulog. Palihim akong natawa dahil para siyang balot na nakabaluktot matulog.
"Mom, I want bacon..." nakapikit nitong usal.
"Hoy! Gloria, gumising ka na at kakain na tayo." Sabay hila ko sa kumot nya.
"Argh! Five minutes more!" Nakapikit pa rin ito kaya hinila ko ang paa niya dahilan nang pagtili nito.
"Mom—what the—" Nanlaki ang mga mata nito na parang may na-realized bigla kaya agad itong bumangon pero ngumiwi.
"Ack! My back, it hurts," nakangiwing sabi nito at hinihilot- hilot ang likod.
Arte naman neto, parang ngayon lang nakahiga sa papag, tsk! Ako nga sa sahig 'di naman sumakit likod ko.
Hinawakan ko siya sa may bandang balikat at likod para diretsohin. Narinig ko ang paglagutok ng kaniyang buto kaya 'di ko maiwasang tumawa
"Aww! ?asakit kaya!"reklamo nito saakin.
"Maghilamos ka na at kakain na tayo," sabi ko at iniwan ko ito at nagpunta sa maliit naming kusina.
Magsisimula na kaming kumain nang mapansin ko na nakatitig lang ito sa pagkain. Hindi lang pala ako ang nakapansin dahil pati sila ay napatigil sa akmang pagsandok ng kanin.
"Ohh,iha...ayaw mo ba ang umagahan natin?" Tanong ni Nanay sa kaniya.
"No, no, no...it's not tha—ahm...hindi po, ano kase...hindi ko alam paano kainin ang mga ito." Nahihiya itong ngumiti sa amin. Seryoso ba siya?ngayon lang ba siya kakain ng tuyo, itlog, talbos ng kamote, pritong talong at bagoong? Ito kaya ang pinakamasarap na umagahan sa lahat!
"Hoy! Gloria, akala mo naman mayaman ka para 'di mo malaman kung paano kainin 'yan!" Pagsusungit ko sa kaniya. elewan ko ba, gusto ko lang siyang sungitan at asarin minsan.
"Ano ka ba, Benji! Umayos kang bata ka!" Aww! Sinipa ba naman ni Nanay ang kaliwang paa ko, tsk!
"Ganito, etong talong at talbos isawsaw mo sa bagoong isama mo sa isusubo mong kanin kung gusto mo samahan mo ng itlog at itong itlog at tuyo l, pagsamahin mo para mas masarap," pagtuturo ko dlrito at isinubo ang ginawang halimbawa sa kaniya
"Magkakamay rin ako?" naguguluhang tanong nito. Pambihirang babae ito!
"Kung gusto mo, mag-paa ka!" At nakatanggap na naman ako ng panibagong sipa kay Nanay.
Ginawa nito ang itinuro ko. Kumuha ng pritong talong at talbos saka isinawsaw at inilagay sa kanin at booom! Butas! Nalaglag ang isusubo sana nito dahil TATLONG DALIRI LANG ANG GINAMIT AT ABA! Ang dalawang daliri ay nakataas pa!
"Rain, ikaw na ang magturo baka sakaling mas magaling ka pa," agaw pansin ko sa bunso namin dahi konti na lang l...mawawalan na 'ko ng gana at baka maihagis ko pa ang babaeng ito!
Nagpatuloy ako sa pagkain at pinanood ko kung paano nito natutunan ang pagkain at tamang pagkakamay. Sumubo siya at sa wakas ay hindi na nalaglag pa at
—"Perfect! This is the breakfast I've ever had!" Nagulat kami sa biglang pagsasalita nito pero kalauna'y natawa rin dahil naging sunod-sunod ang pagsubo niya.
Natapos kaming kumain at nagpaalam na si nanay at tatay upang pumunta sa palengke pumasok ako sa kwarto para kumuha ng damit dahil maliligo na ako at nang makapagtrabaho na.
"Madali lang pala maghugas ng plato....lsa susunod ako na ang gagawa!" rinig kong sabi ni Gloria.
Mas gusto ko siyang tawaging Gloria kaysa sa Lia. Sinilip ko sila at nakita kong pinapanood niya kung paano hugasan ni Ivy ang mga pinggan. Pambihirang babae talaga...
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomansDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...