Chapter 19

64 4 0
                                    


Chapter 19

Tatlong araw na ang lumipas, balik na kami sa dati ni Benji. Tingin ko ay hindi na siya galit sa pakikipag-deal ko kay Atty. Maurerat—parang mali talaga ang bigkas ko.

Habang nagwawalis sa maliit na lote sa harap ng bahay nila Benji ay may humintong sampung pares ng paa sa harap ko. Umangat ang tingin ko at bahagyang nagulat. What are this man doing here? At may alipores pa?!

"Yes?" I asked.

"Nandito ako para ipaalala ang naging usapan natin. Three days have been passed but seems that you're not doing anything? Nandito lang kayo at nagpapakasarap sa lote ko." My left brow arched because of what he just said.

"Magbabayd kami, maghintay ka lang." Ngumisi ang matanda at lumapit sa akin.

I didn't step back. Ang mga bodyguard niya ay nasa likod lang, may mga taga rito na ring nakiki-usyoso. Balak sana nilang lapitan ako ngunit hinaharang sila ng mga guards.

"At kung hindi?" Hinampas ko ang palad niyang hahawak sana sa. buhok ko. "Nagbago na pala ang isip ko. Kung hindi kayo makakabayad sa loob ng dalawang b'wan...ang lupang ito ay kukunin ko—kasama ka na." Tumawa siya kaya naman pati mga guard niya ay nakitawa rin.

"Yun ay kung papayag ako." Sabay-sabay kaming napatingin kay Benji na kakarating lang. Hinila niya ako palayo kay Atty. Maurerat—hukloban.

Nilagay niya ako sa likuran niya at nang tangka akong sisilipin ng pangit na atty. ay humarang siya.

"Bakit ba narito ka pa? Hindi ba't dalawang b'wan ang usapan?" matapang na sabi ni Benji.

"Tinitiyak ko lang na babayaran niyo talaga ako. Pero, madali naman akong kausap...kung ibibigay mo sa akin ang binibining 'yan ay baka hindi ko na kunin pa ang lupa niyo—" Hindi na natapos pa ang sasabihin nito nang suntukin siya ni Benji.

"BENJI!" awat ko sakanya.

"P*TAN**NA KA!" sigaw niya kay Benji.

Naalarma ang siyam na bodyguard ng attorney. Pinagtulungan nila si Benji, kahit na marami sila ay lumaban pa rin siya. Gusto kong pigilan ang mga goons ngunit hinila ako ng walanghiyang attorney.

Sa sobrang inis ko ay sinabutan ko ang manipis niyang buhok. "Let me go!" Nilamukos ko pa ang mukha niya na ikinahiyaw nito.

Umingay ang paligid dahil sa gulong nangyayari, dehado kami ni Benji dahil dadalawa kami. Akala ko ay patuloy lang na manunuod ang mga nakatira rito pero hindi pala, dahil kanya-kanya sila ng kuha ng kahoy, bato, at tubo.

Dumating din ang gang ni Berting. Putok ang labi ni Benji matapos siyang suntukin ng malahiganteng guard ng huklubang attorney.

"Gloria, Pumasok ka na!" utos ni Benji na inilingan ko.

"Tumigil na kayo!" sigaw ko ngunit hindi sila nakinig.

Gumawi ang tingin ko sa huklubang attorney. Lumapit ako sakanya na kuyom ang palad. "Umalis na kayo!" Galit ko siyang dinuro.

"At bakit? Kayo ang unang nanakit," nakangising sabi niya.

"Isang b'wan. Bigyan mo 'ko nang isang b'wan, babayaran kita ng higit pa sa hinihingi mo." Hinawakan ko nang mariin ang braso niya.

"Huwag niyo akong pinagloloko, dahil alam kong wala kayong pambayad!" Sa sobrang inis ko sakanya ay hinigit ko ang kwelyo ng suot niyang polo.

"Give me your phone; I'll pay you the half amount!" Matagal bago niya ibigay ang cellphone niya sa akin.

Patuloy na nagkakagulo sila Benji samantalang kami ay ng huklobang attorney ay humiwalay sa riot. Tinawagan ko si Mommy, nagulat pa siya dahil ngayon lang ako tumawag. Hindi ko sinabi kung nasaan ako ngayon dahil alam pupuntahan nila ako pag nalaman nilang sa ganitong lugar ako namamalagi.

"Basta i-transfer nalang po ninyo, Mommy. Two Hundred Fifty Thousand po ang kailangan ko. Pagnakauwi po ako sasabihin ko kung bakit." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya.

"Anong account number?" tanong ni Mommy mula sa kabilang linya.

"Account number?" tanong ko sa huklobang attorney. Hindi niya ako sinagot na parang malaking biro ang sinabi ko. "Anong account number mo!" pag-uulit ko.

"Really, huh? OOOO987654321." Kahit na mukha siyang hindi naniniwala ay sinabi pa rin niya ang account number niya.

Sinabi ko kay Mommy ang account number na sinabi niya. "Transfer it now, Mom." Nakahinga ako nang maluwag nang sabihin niyang nai-tranfer na ang pera. "I miss you and I love you." Binaba ko na ang tawag kahit na hindi pa siya nakakasagot.

"What now?" tanong ng attorney. Pabalang kong binalik sakanya ang cellphone.

"Check your bank account," utos ko na walang pag-aalinlangan niyang ginawa.

"Niloloko niyo talaga ako! Walang nadagdag—" Hindi na niya natapos ang sasabihin. Nanlalaki ang matang tumingin niya sa akin. Sa itsura niya ngayon ay kamukha na niya si Shrek.

"Pag bumalik ka pa ulit dito... pababagsakin ko ang inagaw mong Negosyo," pananakot ko sakanya.

"W-who are you?" kanda-utal niyang sambit.

"Shhh—'wag mo nang alamin. Walang makakalam nito, maliwanag?" Alanganin siyang tumango. "Ngayon, umalis na kayo...tawagin mo ang lahat ng alipores mo, ngunit bago kayo umalis—gusto kong humingi muna ng tawad ang mga alipores mo, lalo na kay Benji." He didn't answer.

"Boys! Tama na 'yan." Yun lang ang sinabi niya at agad sumunod ang mga guards niya.

Wala sana siyang balak sundin ang inutos ko, kung hindi ko lang siya pinanakihan ng mata ay hindi niya uutusang mag-apologize ang mga guards niya.

"Apologize to them." Napangisi ako sa sinabi ng huklobang attorney.

"Boss—" Reklamo ng isa sa guards niya.

"Just apologize!" sigaw nito.

Sabay-sabay na napipilitang humingi ng tawad ang mga guards niya bago sila umalis.

"AYAN! 'WAG NA KAYONG BABALIK!"

"T*NGIN* NIYO!" Kinurot ko si Berting dahil nagpahabol pa siya ng mura.

Dali-dali akong lumapit kay Benji. "Ayos ka lang?" tanong ko.

"Ikaw kaya maputukan ng labi? Magiging ayos ka pa rin ba?" sarkastiko niyang sagot.

"Suplado naman nito, pasok na tayo gagamutin ko labi mo." Hinawakan ko siya sa braso at hinili papasok sa bahay nila.

****

"Aray! Gloria ano ba?! Ako na nga," reklamo ni Benji matapos kong madiinan ang bulak sa labi niya.

"Sorry! Bakit kase sinuntok mo pa si Atty. Maurerat, ayan tuloy." Nagtataka niya akong tinignan.

"Maurerat? Maurera lang, Gloria," tumawa ito at kalaunan ay napalitan ng nakakalokong ngisi. "I-kiss mo na lang ako baka sakaling mawala ang sakit." Nagulat ako sa banat niya.

"Kapal mo! Bahala ka na nga diyan!" Narinig ko pa ang daing niya dahil sa pagdiin ko ng bulak sa labi niya. Marahas akong tumayo at umakyat papuntang kwarto.

"Biro lang!" Pahabol niyang sigaw. Hindi ko alam kung bakit nag-init bigla ang pisnge ko.

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now