Chapter 15
°Benji Pov°
Hindi ako mapakali habang nagtitimpla ng kape…alas dose na ngunit heto parin ako at gising na gising. Hindi ko naman sinasadyang mahalikan siya…ang lambot ng labi—Tumigil ka Benji! Aksidente ang nangyari at walang sino man ang may gusto.
Bukas na bukas ay makakalimutan ko rin ‘yon, hindi ko ipapaalala o babanggitin man lang. Para akong kuting ngayon na takot pumasok sa kwarto dahil may leyon. Hindi na ko pumasok ulit at nahiga nalang sa mahabang bangko sa sala namin.
Maraming lamok ngunit tiniis ko, naabutan pa nga ako nila Nanay at Tatay ngunit nagtulug-tulugan nalang ako upang hindi na sila magtanong.
Ang bata pa pala niya, gusto ko pa siyang makilala ngunit hindi ko alam kung paano ako magtatanong, mahiwaga siya at malihim ngunit alam kong hindi siya masamang tao. Palagi ko akong suplado sakanya kahit na hindi ko naman intension.
Nasasanay na akong kasama namin siya at hindi ito maganda, alam kong balang araw aalis din siya sa poder namin. Hindi ako natutuwa sa nararamdaman ko.
‘Mali yan Benji, hindi mo pa siya kilala’ pagkausap ko sa sarili, hindi ko pa man kumpirmado ngunit may hinala na ako…na baka nagugustuhan ko na siya.
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Ano ba yan! Ang aga-aga may bangayan agad? Puyat ako tapos may istorbo nang ganito kaaga? Alas-sais palang pusangina!
Nagsipilyo ako kahit na pikit pa ang isang mata…gising na rin kaya siya? Hindi rin ba siya gaanong nakatulog kagabi? Pero bakit ko ba naiisip ang mga ito?!
Magkakape palang sana ako ng may marahas na katok ang sunod-sunod na namutawi sa pinto namin. Inis akong nagtungo roon, bubulyawan ko sana ito ng mauna pa siyang magsalita.
“Pareng Benji! Ang Tatay mo—” humahangos na sabi ni Berting na hindi ko na pinatapos.
“BAKIT?!” tanong ko at lumabas. Sumunod ito at nauna pang maglakad sa’kin, hindi niya sinagot ang tanong ko kaya sinundan ko nalang siya.
“Bakit niyo kami papaalisin dito?! Ilang dekada na kaming naninirahan dito!”
“UMALIS NA KAYO KUNG AYAW NIYO NG GULO!”
“HINDI KAMI AALIS DITO MAGKAMATAYAN MAN!”
“BIGAY SAAMIN ANG LUPANG ITO, KAYA KAYO ANG UMALIS!”
Halo-halong boses ang naririnig ko, wangwang ng Police mobile, sigaw ng mga pulis at sigaw rin ng mga naninirahan dito.
May gulo nanaman pala, nandito nanaman ang mga pulis na pilit kaming pinapaalis.Siksikan ang mga tao kaya hirap ako sa paghahanap sa mga magulang ko, si Tatay ang nangunguna sa pagpapaaalis sa mga pulis dito.
Nakipagsiksikan ako, ginala ko ang paningin upang hanapin sila. May mga barricades na nilagay ang mga pulis sa harapan nila upang hindi sila maitake ng mga taga rito.
Nandilim ang paningin ko nang makita ko si Marlon at mga barkada niya sa tabi ng mga pulis—palibhasa’y hindi sila kasali sa mga pinapaalis.
Lahat ng mga taong nasa harap ay mga lalaki at may dalang kahoy at bakal pangdepensa, naalerto ako matapos kong makita ang tatay ko na nasa harap ngunit walang dalang pangdepensa, alanganin ang pwesto nito sakaling magka-riot.
“TAY!” agaw pansin ko dito ngunit hindi niya ako narinig.
“Tinira ng pulis ang tatay mo sa binti kanina Pareng Benji!” Bumilis ang paghinga ko sa nalaman, hindi pa ito tuluyang nakaka-recover mula sa pagkakaron ng mild stroke tapos pupunta agad siya sa harap!
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...