Chapter 28
"Ayaw mo raw kumain?" Napalingon ako sa pinto nang bumungad si Mommy.
"Wala po akong gana..." Isang linggo na mula nang umalis ako sa poder nila Benji-miss ko na siya. Masaya akong nakabalik na ako at wala na rin ang panganib sa buhay ko pero hindi ko maiwasang malungkot.
Ayaw pumayag ni Daddy sa hiling kong makadalaw kina Benjie. Maraming camera ang naghihintay sa 'kin kung sakaling lumabas ako. Ilang interview na rin ang tinanggihan ko.
"Gusto mo ba silang puntahan?" Nabuhayan ako sa tanong ni Mommy pero alam ko namang kahit gusto ko ay wala naman akong magagawa. "Pwede kong suwayin ang gusto ng daddy mo..."
Unti-unti ay natigilan ako sa pagkalabit ng gitara ko. "Really?!" Marahan siyang napangiti kaya mabilis akong yumakap sa kaniya.
Mas malapit ang loob ko kay Mommy kaysa kay Daddy dahil siya ang lagi kong kasama. Kahit anak ako ni Daddy ay naiintimidate pa rin ako sa kaniya-lagi siyang seryoso at nakakatakot.
Masaya akong tumakbo papasok sa banyo ko upang maligo. Simpleng bestida lamang ang suot ko upang hindi agaw pansin.
Dahil wala si Daddy ay madali kaming nakalusot sa mga guards na nakabantay. Si Mommy ang driver habang nagtago naman ako sa compartment. Bukas ang lahat ng bintana ng kotse upang makita ng mga reporter na walang kasama si Mommy.
Nang makalayo kami sa bahay ay huminto ang kotse. "Dali anak!" Tinulungan ako ni Mommy na makaalis sa compartment.
Malaki ang ngiti ko habang nagmamaneho si Mommy papunta sa lugar nina Benjie. Excited na akong makita sila!
Nang matapat kami sa waiting shed, ang lugar kung saan kami unang nagkita ni Benjie ay saktong nakita namin do'n si Berting kasama na ang mga tropa nito.
"Mom, wait!" pagpapahinto ko sa kaniya. Bago ako lumabas ay inabot muna ni Mommy ang puting balabal.
Mukhang kakatapos lang nila magmeryenda dahil may kanya-kanya silang hawak na buko juice.
"Berting!" Masaya akong lumapit sa kanila. Gulat na gulat ang mga ito nang makita nila ako.
"My labs-" Natigilan siya bigla. Ang malaking ngiti ni Berting nay napalitan nang nahihiyng tingin. "M-Miss Dazia..." Napayuko ito at hindi na tumingin pa sa mga mata ko.
Nagtaka ako sa inasal niya at nang mapagtanto ko kung bakit ganito ang naging reaction niya ay nawala ang ngiti ko.
"Berting, ako pa rin 'to-si Gloria!" sabi ko. Nang mapatingin ako sa tropa niya ay mangha silang nakatingin sa BMW na sasakyan namin. "Wato, Ped, Ammos-huwga kayong mailang!" baling ko sa kanila.
"Si Benjie ba ang pakay mo...Miss Dazia?" Napasimangot ako sa tawag niya sa 'kin-parang hindi ko na alam ang pangalang 'yan.
"Nan'dyan ba sila?" tanong ko na tinanguan niya. "Pupunta ako-"
Natigilan ako nang pigilan ako ni Berting. "Mula nang umalis ka ay hindi na nawalan ng mga reporters sa labas ng bahay nila. Ang iba ay kinukutya pa ang lugar namin. Hindi maganda kung makikita ka nila-may alam akong daan." Napatango ako sa sinabi ni Berting.
"Boys...pakibantayan muna 'yan kotse-ops...bawal niyong hawakan 'yan! Baka magasgas," utos ni Berting sa tropa niya. Sabay-sabay na sumaludo ang mga ito.
"Huwag kayong makinig sa kaniya. Kahit sumakay kayo, okay lang!" Napanganga sila sa sinabi ko at sabay-sabay na napa "Woah!"
Sinundan namin si Benji sa mga dinadaanan niyang pasikot-sikot. Naka-hat si Mommy at shades pa-agaw pansin talaga ang mommy ko!
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...