Chapter 11: Jealousy Strike
°Benji PoV°
Habang nakahiga sa kwarto ay nakatitig ako sa mga poster ni Dazia na nakadikit sa buong kwarto ko, kailan ko kaya makikita to sa personal?
Bumuntong hininga ako at tumagilid...pagkatagilid ko ay saktong nakagilid din si Gloria paharap saakin, putok na ang araw ngunit nakahiga parin ako dati ay alas singko palang nasa labas na ako at nagkakape.
Bakit nitong mga nakaraang araw ay gustong-gusto kong sabayan siya sa paggising? anak ng tokwa! lintek kasing Gloria ito ampanget!
Natigilan ako at tinitigan siyang natutulog...maamo pala ang mukha ng daldalitang ito--walang sandali na hindi siya nagiingay, lahat ng bagay ay binibigyan niya ng pansin. Bakit ba siya nakabangs? siguro ay malapad ang noo niya, ang nunal niya itim na itim parang kulangot na idinikit lang.
Natigilan ako ng mapansing nakalapit na pala ako sakanya... napalayo ako ng kaunti dahil ilang dangkal nalang ang layo ng mukha namin, kinabahan ako ng tumihaya siya--akala ko ay magigisng na siya ngunit umawang lang ang labi niya
Napatitig ako duon at napalunok...wala sa sariling binasa ko ang sariling labi kaya napailing-iling ako at bahagyang sinampal ang sarili. Ang labi niya ay hugis puso na may kulay na rosas, ang pisnge niya ay mamula-mula, ang ilong niyang kay tangos...mahahaba rin ang pilik mata niya,
Hindi ko mawari kung bakit napatitig ako sa mga poster ko, ngayon ko lang napansin.. medyo magkahawig sila ni Dazia, kaya siguro sinasabi nilang maganda siya
Binalik ko ang tingin sakanya mahimbing paring natutulog, humilik siya kaya napailing ako...sa sobrang pagkagusto ko yata kay Dazia ay nakikita ko na siya kay Gloria 'nababaliw kana Benji' Sabi ko sa isip
Akmang hahawiin ko ang bangs niya ng bigla siyang magmulat...napalayo ako at tumikhim, kunot noo niya akong tinignan na parang may pagaakusa
"Bakit ang lapit mo haa? may balak kang masama ano???" napatayo ako sa sinabi niya
"Ang kapal naman ng mukha mo! may laway ka kase tumutulo sa unan, ayokong magamoy panis ang mga unan ko!" gawa-gawa nalang ang sinabi ko dahil wala na akong maisip na iba
Mabilis niyang pinunasan ang gilid ng labi at inamoy ang unan...napangiwi ako sa ginawa niya---uto-uto!
"Tanghali na ngayon lang gigising dami-daming trabaho!" inis kong sabi at mabilis na lumabas ng kwarto
Bakit ba ako kinakabahan? wala naman akong ginawang mali! hindi ko naman siya pinagnasahan!
Nagsipilyo ako at lumabas upang bumili ng pandesal, kape narin dahil wala ng laman ang garapon ng Ladies Choice na pinaglalagyan na namin ng kape ngayon.
Hindi pa ako nakakarating sa tindahan ni Aling Myrna ngunit rinig ko na ang mayabang na boses ni Marlon
"Marami namang babae jan Marlon, wag munang isali si Lia sa mga kalokohan mo" rinig kong sabi ni Berting
"Sino bang may sabing lolokohin ko siya? wag ka ngang putak ng putak jan para kang babae!" maangas na sabi ni Marlon kay Berting
"Aling Myrna, trenta pesos na pandesal saka 25grams na kape po" agad kong sabi ng makarating ako sa tindahan
"Ohh Benji! nasan na siya? si Lia? bat hindi mo sinama!" nainis ako sa mga sinabi niya
"Umuwi na siya sakanila" pagsisinungaling ko
Si Marlon Catacutan ay isang notorious na playboy dito saamin, mas bata saakin ng isang taon at di tulad ko ay nakatapos siya ng dalawang taon sa kolehiyo, apelyido palang ay katakot-takot na, ngunit wala parin siyang binatbat saakin dahil ang tanging maipagmamalaki niya lamang ay ang tatay niyang isang kurakot na pulis
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...