•CHAPTER 4: Meeting
°Dazia PoV°
Kru tunog ng tiyan ko gutom na 'ko kaya nagsimula na naman akong umiyak.
"Huhuhu, I want to go homeeeeeeeee!" U
umiiyak na sabi ko. May narinig akong tunog at nang itaas ko ang paningin ko, nakita ko ang sasakyan na nakatutok ang ilaw saakin.Nakatingin lang ang lalaki sa akin na nanlalaki ang mata. Nanakawan din ba nya ako? Nagsimula akong matakot kaya sumigaw ako.
"Ahh!" sabay naming sabi.
"Sino ka!/Wala na 'kong pera wala ka ng mananakaw!" magkasabay naming sabi.
"Hoy, hindi ako magnanakaw!" nakasigaw nitong sagot at baba sa sasakyan nito sabay lapit sa akin.
"Wala akong bahay, na-hold up pa ako, saan na ako pupunta? Nagugutom na ako!" sa sobrang frustrated ko ay naisigaw kona lang ito bigla sabay umatungal nang malakas.
Tinignan ko ito nung una'y nanlalaki ang mata pero kalauna'y napalitan ito ng awa. Tumalikod ito para umalis pero humarap ulit sa akin.
"Haist! Tutangina naman, o!" Inihilamos nang mariin ang kamay sa mukha nya.
"Sumama ka na nga sa akin! Baka may mangyari pang masama sa ' yo maging kargo de konsensya ko pa!" Sabi nito at tumalikod ulit para sumakay sa tricycle.
"Talaga?!" masayang sabi ko at mabilis na napatayo sa kinauupuan.
"Oo nga, sakay na!" Nakasimangot na ito.
Sumama ako sa kaniya dahil nararamdaman kong mabuti naman syang tao.
Sa wakas may mauuwian na ako! 'Di na ko homeless, yipih!
Pumasok ako sa loob ng tricycle at pinasok nya sa makipot na daan at dahil dito nakita ko ang mga bahay na magkakadikit lang
May bahay na tagpi-tagpi, kalahating bato at kalahating yero at mga tarpaulin .
Pumasok kami sa looban, 'di nagtagal tumigil ang sasakyan
"Baba na nandito na tayo" rinig kong sabi ng lalaki.
Dahil tumila na ang ulan kita ko ng malinaw ang paligid, pagbaba ko sa sasakyan ay iginala ko ang paningin.
This is where they live? Malayo sa lugar na pinanggalingan ko ang lugar na ito. Walang aircon ang mga bahay pero ayos na 'ko rito basta may matitirahan. Napangiti ako huminga at malalim.
"Pasok na para makapag-bihis ka na. Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" gulat na sabi nito.
"Nothing," nakangiti kong sagot.
"English spokening ka pa wala ka namang bahay, tsk!" ngisi-ngising sabi nito.
"Wher—saan ang bahay mo?" Tagalog na nga para ,di na malait ulit.
Hindi ito sumagot pero kumatok ito sa isang bahay na may dalawang palapag. Kalating bato at plywood maayos kumpara sa iba.
"Naku, basa ka, nak...pasok at magbihis na—Bejie! s
Sinong nagsabing magtanan ka?!" Isang ginang na may katamtamang pangangatawan ang nagbukas ng pinto at nakakagulat ang biglaang pagtaas ng boses nito."Ano ba naman 'yan, Nay! Kung nakipagtanan ako edi wala ako rito ngayon!" nakapamay-wang namang sabi ng lalaking kasama ko.
"Kung gano'n, sino sya!?" Nakapamay-wang na rin ito sabay taas ng kilay.
"Napulot ko lang," walang ganang sabi ng lalaki.
Wow, grabe sa napulot lang, ha!Pwede namang nakita sa daan. Nakatayo lang ako sa likod ng lalaki at hindi kumikibo dahil nilalamig na 'ko...and I'm starving, ugh!
A/N
Hahahahappy Reading!
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...