Chapter 20
Abala ako sa pagbubuhat ng yelo nang aligagang lumapit si Gloria sa akin. "Benji! Ang tatay mo, biglang nanigas!"
Naibagsak ko ang buhat dahil sa narinig. Tumakbo ako papunta sa pwesto nila Nanay, kumpulan ang mga tao sa pwesto nila upang umusisa—ni hindi man lang nila maisipang dalhin sa ospital ang tatay ko.
"Nay!" sigaw ko. Hinawi ko ang mga tao upang makadaan.
Sa basang semento ng palengke ay nakalupasay ang nanay ko habang kandong ang tatay kong naninigas na.
Rinig ko ang atungal ni Gloria habang pinagtutulungan naming buhatin ang tatay ko. Kahit na alam kong kukulangin ang perang dala ko ay dinala pa rin naming sa ospital si Tatay. Sinabi ko na kasing huwag gaanong magpapagod, siguro ay tumagay na naman siya sa mga nag-iinuman sa kanto.
"Ano? Bakit ayaw niyong gamutin ang tatay ko?!" galit kong tanong sa isang nurse matapos sabihing hindi malalapatan ng paunang lunas ang tatay ko.
"E, kasi po Sir...kailangan po ng advance payment. Aware naman po siguro kayo na private 'tong hospital na pinagdalhan niyo sa tatay niyo," mahihimigan ang pagiging sarkastiko ng lalaking nurse. Mataba ito at may kaitiman, bilugan din ang mukha.
Uminit ang bumbunan ko sa sinabi niya, mamamatay na't lahat ang tatay ko tapos uunahin pa nila ang bayad? Hanep!
"GAMUTIN NIYO MUNA ANG TATAY KO BAGO AKO MAGBAYAD!" Hinigit ko ang kwelyo ng suot na damit ng nurse. Ang ospital na 'to lang ang pinakamalapit sa lahat kaya dito namin dinala si tatay.
"Hindi nga po—" Hindi na natapos ng nurse ang sasabihin nang suntukin ko ang makapal niyang mukha.
Nagsigawan ang mga nakakita kaya lumabas ang ilang tauhan ng hospital. Ang lalaking nurse ay putok agad ang labi...bagay sa pangit niyang mukha. Laking squatter ako kaya basag-ulo ang alam kong madaling paraan.
Nakipag-usap nang maayos ang nanay ko pero hindi nila pinakinggan.
"Patigilin niyo ang walanghiyang 'yan! Bakit ba kayo nagpapapasok ng ganyang uri ng tao?!" sigaw ng babaeng head nurse na nasa edad kwarenta na.
Hindi na gumagalaw ang tatay ko kaya naman nataranta ako, hanggang ngayon ay walang pumapansin sa amin. Nagwala ako kaya naman pinagtulungan akong pigilan ng mga lalaking nurse at guards.
"Pakiusap! Nakikiusap ako, gamutin niyo na ang tatay ko." Lumuhod ako, hindi sila madaan sa maayos na pakiusap at marahas na usapan...siguro kung magmamakaawa ako ay makiking sila.
"Ilipat niyo sa public hospital, kaya maraming naluluging private dahil sa mga kagaya niyong walang—"
"Is that how a professional, degree holder and well-educated people should act?" sabat ni Gloria sa middle 50 na doctor. "Look at all of you! Naturingan kayong dapat magligtas ng may sakit pero ano?! Dahil walang pambayad papaalisin niyo?" Sarkastiko pa siyang pumalakpak.
Lumapit siya sa akin at pilit hinawi ang mga nurse at guards na marahas na nakahawak sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit.
"Gloria..." sambit ko.
"Tatayo nalang ba kayo d'yan at panonooring mamatay ang lalaking 'to?" Turo pa ni Gloria kay Tatay. "Treat him now! I'll pay you double—triple prize!" Hindi ko alam kung ano ang meron sa mga sinambit ni Gloria ngunit agad nagsikilos ang mga tauhan ng ospital.
Tulala ako habang nakasalampak sa labas ng kwarto kung saan ginagamot si Tatay. Maayos naman siya kahapon, nakipagkantahan pa nga siya sa amin bago matulog.
"Tubig..." sabi ni Gloria sabay abot ng bottled water.
"Nakipag-deal ka na naman Gloria, pa'no kung wala tayong mahanap na pambayad? Pwede ba kitang ibenta?" Akala ko ay aangal na naman siya sa biro ko ngunit tinapik niya lang ang braso ko.
"Ako ang magbabayad, magtatrabaho ako tapos babale ako agad—problem solved." Akala 'ata niya madaling makahanap ng trabaho kung wala kang pinag-aralan, kung hindi dahil sa itsura ko ay hindi ako makukuhang bouncer sa bar.
"Dami kong problema! Malapit na tayong mawalan ng bahay tapos, wala pang pambayad dito sa letseng hospital na 'to!" Ang hirap talagang maging mahirap...minamaliit kana nga ng mga tao tapos sunod-sunod pa ang problema.
Pwede namang sa mayaman nalang dumapo ang problema hindi yung sa amin pang mahihirap.
"Benji...pa'no kung ano...ahm—mayaman pala ako?" biglaang tanong ni Gloria.
"Edi...papakasalan kita!" Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko.
"Ha?"
"Para maging mayaman na rin ako, 'di ba?" sumimangot siya sa sinabi ko.
"Gold digger ka naman, ano akala mo sa 'kin sugar mommy?" nakangusong sabi niya.
"Biro lang...syempre kung mayaman ka pala—magagalit ako sayo. Akalain mo 'yon? Ang bait namin sayo tapos sinungaling ka pala?" nakangising sabi ko.
Dumaan ang takot sa mga mata niya ngunit nawala din agad at napalitan ng pilit na ngiti. "What if lang naman, hindi naman t-totoo," mahinang sabi niya.
Ginulo ko ang bangs niya na lalong kinasimangot nito. "Ayoko sa sinungaling," huling sinabi ko bago silipin ang kalagayan ng tatay ko.
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomantizmDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...