Chapter 7: Closer

65 6 0
                                    

•CHAPTER 7:Closer

°Dazia PoV°

Ayokong maiwan mag-isa rito, bukod sa natatakot ako ay wala naman akong ibang gagawin. Hmm...ano kaya kung...sumama na lang ako kay Benji!?

Oo tama! Kahit masungit siya sa akin ay titiisin ko na lang kaisa mapag-isa rito.

Kaya naman pagkalabas niya ng banyo ay lumapit agad ako. "Sama ako!" Tinignan lang ako nito habang nagpupunas ng buhok. "Oy, sama ako!" Nagpatuloy ito sa pagpupunas habang lumalakad,  hindi pa rin ako pinansin .

"Tsk!"  Tsk? Anong tsk?

Hindi parin ako pinapansin at mas binilisan pa ang lakad papasok sa kwarto sa itaas. Kaya  naman nilakihan ko ang hakbang at namg mauna ako ay humarap ako sa kaniya at lumakad patalikod dahil hindi ito tumigil. He just stared at me and I'm pretty sure that he won't let me go with him...but I'm gonna make him say yes!

"Sigi na! I promise hindi ako manggugulo tatahimik ak—Ahh!" Dahil patalikod ang lakad ko ay 'di ko nakitang hagdan na pala ang sunod.

I closed my eyes tight and wait for my downfall...but I felt nothing...nothing?

I open my left eyes, only to found out that Benji is holding my waist and wrist. His face is close to mine and I can  even smell his breath...and he smells good!  Ohh, damn!

He's handsome...from his thick eyebrows, long lashes, brown eyes,  pointed nose, prominent jaw, and...and damn those luscious lips!

I can't believe that he's so freakin' handsome ngayon ko lang siya napagmasdan ng malapit.

"Ahh, he...he...hehehe! Ate, Kuya padaan po, may pasok pa 'ko" nagulat ako sa pagsulpot ni Ivy pero nainis ako nang biglang...

"Aww! Pwede namang itayo mo muna ako bago bitawan 'di ba!?" Dahil bigla niya akong binitiwan! Ang sakit ng pwet ko!

Pero buti na lang dahil kung hindi niya ako hinawakan ay may bukol na ako ngayon.

"Ba't ba kasi ang kulit-kulit mo! Bawal kang sumama, anong gagawin mo do'n!? Makakabuhat ka ba ng yelo, HA!?" Nakakunot na ang kilay nito at naka-pamaywang.

"Sama na ako, please?"  Pinagsiklop ko pa ang ang mga palad ko at ngumiti nang malapad habang nakatingala sa kaniya, hindi ako nag-pout o puppy eyes dahil ayoko lang, magmumukha lang akong bibe non.

"Haist! Kahit kailan ka talagang babae ka! mlmaligo ka na! Dalian mo at baka iwan pa kita!" Naging marahas ang pagpunas nito sa kaniyang buhok at padabog na umakyat .

Yes, yes, yes! Sabi ko na nga ba at mapapa-payag ko rin siya. Dali-dali akong sumunod sa kwarto at kumuha ng damit para makaligo na ako.

Walang shower, walang bathtub, wala ang paborito kong body wash at shampoo na-miss ko bigla si Mommy at Daddy.

Nagsimula akong maligo gamit ang tabo at timba at ang tubig ay sobrang hina, huh? Kaamoy ko na si Benji! Dahil ito rin ginamit nya.

Ba't ba pumasok siya sa isipan ko? Erase, erase,my erase—hindi guwapo  isa syang kapre tama! Mabango at poging kapre. Ano ba,  Dqzia!  Stop what you're thinking!

Mas binilisan ko na lang ang pagligo dahil baka iwan nga nya ako.

Isang simpleng brown na bestida ang suot ko, mga damit ni Aling Rosie nuong dalaga pa siya ang mga ipinahiram niya sa akin kahit luma at maluluwag ay tinanggap ko,dahil wala akong choice.

Si Ivy ay maliit kaya hindi ako pwedeng manghiram sa kaniya. Ang sabi ni Aling Rosie ay  bibilan nya ako ng mga panloob. Sobrang bait nya sa akin kahit na mabunganga siya.

"Aba! Ganda natin, a?!" Napatingin ako kay Benji at napangiti nang malawak.

"Talaga?!" Inipit ko pa ang takas kong buhok sa likod ng taibga sabay ikot.

"Oo naman! Mukhang manang na nawawalan ng limang anak!Whahaha!" Nakahawak pa sya sa tiyan na habang tawa nang tawa.

Nawala ang ngiti ko at binato ko siya ng suklay...sapul sa noo! Buti nga sa kuto na 'to!

Napatingin ulit ako sa suot ko...maluwag na bestida na umabot sa baba ng tuhod ko, flat sandals  na pang-oldie pero at least 'di ba may suot ako.

"Tara na! Panira ka ng araw!" sabi ko at nauna ng lumabas sumunod naman sya habang tumatawa. Namumula ang noo ng kuto.

A Star to BeholdWhere stories live. Discover now