Chapter 10: BINGO
°Dazia PoV°
Isang linggo na akong namamalagi kila Benji at sa mga araw na iyon ay naging mas malapit ako sakanila, kilala narin ako sa palengke at dahil Gloria ang tawag saakin ni Benji ay Gloria narin ang nakasanayan nila.
Marunong narin akong maglaba at maghugas ng plato, pero sa kusina ay sinumpa yata ako dahil laging nasusunog ang niluluto ko
Hapon na ng makasalubong ko si Aling Myrna, inaya niya akong mag-BINGO at kahit wala akong alam duon ay sumama ako dahil sa gilid lang naman ng tindahan niya
Tumpok-tumpok kami sa isang mahabang mesa at sobrang ingay dahil narin sa sabay-sabay kaming nagsasalita at ang mas lalong nagpapaingay ang pag bola ng BINGO
"Ate Gloria bingo muna!" nagulat ako ng kalabitin ako ng isang bata, tinuro niya ang dapat kong isigaw na numero
"Wow! nanalo ako?! yes!" masaya kong binilang ang binigay nila saakin, 78 lahat
"Tatayahan ko kayo lahat!" sabay-sabay silang napatingin sa akin at napatawa bigla
"Ano kaba! hindi pwede dahil walang mapupunta sayo" tumawa pa si Aling Myrna habang nagpapaliwanag
"Ay ganun po ba?" napatango-tango ako at inabot nalamang ang aking taya
I'm having fun playing this bingo game, ang kukwela nila at may prize pa! sa bahay kase ay wala akong makasama maglaro dahil parehong busy sila Mommy
"Sa O! ang paborito ko! yamyam!baligtaran" sigaw ni Aling Myrna na siyang nagbobola
"Paborito?--yamyam? ano ho iyon?" naguguluhang tanong ko
"Ayyy may bago pala tayong classmate ano?" sabi niya at tumawa, "69 yun Iha" tumango nalang ako sa sinabi niya
"Neeeeext ball! ang paborito ko nanaman uno! sa B! 1!" tawa ng tawa ang mga kasama ko kaya nakikitawa rin ako kahit hindi ko alam ang sinasabi niya
Natapos ang laban at nanalo uli ako, ako ang magbobola ngayon at walang tigil ko itong inaalog
"Baka mabingi na ako niyan Iha" bigla kong nailayo ang bolahan kay Aling Myrna at nag piece sign
"Ohh game na!--- sa G! Forty nine!" sinilip-silip ko ang laman sa loob na waring inieksamin kung ano ang susunod na bola
"Ohh next na! B!--- 14 !" naging sunod-sunod ang pagbobola ko at palaging nanalo
"Gloria! uwi na!" nagulat ako ng sumulpot si Benji sa likuran ko
"Halla! mamaya na!" rekalamo ko dahil ayoko pang tumigil, nananalo kaya ako
"Ohh bahala ka, jan ka matulog ha? wag ka ng umuwi!" napatayo ako sa sinabi niya---ayoko ngang matulog dito! Baka may mosquito pa or what!
"Sandale oo na uuwi na!, Mauna na po ako sainyo" nagpaalam ako at sumunod kay Benji
"Hoy! may tanong ako" pilit ko itong pinantayan sa paglalakad ngunit mabilis ito
"Hoy!--" natigil ako ng tumigil siya kaya nauntog ako sa likod niya
"Ano?!" busangot nitong tanong
"Bakit yamyam at baligtaran ang tawag nila sa 69? at paborito daw yun ni Aling Myrna, paborito niya rin daw ang 1, bakit?" hindi ako makakatulog kung hindi ko malalaman ngayon
"Bat ba ang dami mong tanong? saka bakit sakin ka nagtatanong eh ikaw ang nagbibingo?" napairap pa siya habang nagsasalita, napansin kong namumula ang tenga niya
"Your ears--- yung tenga mo namumula!" gulat kong sabi sakanya at akmang hahawakan ito ng takpan niya
"PAKE MO?" masungit niya sigaw saakin
Napasimangot ako dahil ang sungit-sungit niya--- napatingin ako sa kamay kong puno ng barya, ililibre ko siya! Tama!
"Benji! nanalo ako! see ohh? barbeque tayo!" nilahad ko sakanya ang palad kong puno ng barya
"Dali! ayun ohh!" hinawakan ko siya sa braso at hinila papunta sa nagbabarbeque
Ng makarating kami sa tindahan...ang excitement na nararamdaman ko kanina ay biglang nawala, akala ko pork barbeque or chicken pero Hindi!
"Halla! chicken feet!!" Kinuha ko ang paa ng manok na nakatusok sa stick
"Ano? to? halla curly barbeque!" natuwa ako ng makita ang orange na parang curly hair na nakatusok ulit sa stick
"Benji! chicken head!" pinulot ko rin ang ulo ng manok at pinakatitigan
"Benji--" natigilan ako ng makitang nakatitig siya saakin habang nakangiti, tumikhim siya at binalik ang masungit na tingin
"Ano bibilin mo ba yan? bawal ng ibalik" kinabahan ako sa sinabi niya---hindi ko naman gusto ang mga ito!
Dahil sa nataranta ako ay mabilis kong inabot sa babaeng nagiihaw, habang iniihaw niya ay panay ang paypay nito kaya kanda ubo sa sobrang usok
Napaigtad ako ng hilain ako ni Benji sa gilid kung saan walang usok, ng tumingin ako sakanya ay parang napapasong inalis niya ang kamay sa bewang ko.
Ilang sandali pa kaming naghintay bago ibigay ang binili namin--at syempre ako ang nagbayad dahil nga libre ko
"Benji! hindi mo sinabing may magandang chicks pala dito sa baranggay natin!" sumulpot bigla ang isang lalaki sa gilid namin
Ibang-iba siya sa mga narito dahil halatang may sinasabi sa buhay, he's wearing rolex, branded t-shirt and sneakers
Tinitigan ko siya, ng mapansin niyang nakatitig ako ay kumindat siya..napakurap ako ng likod na ni Benji ang nasa harap ko
"Ohh bat mo naman tinakpan si Miss Beautiful!" rinig kong sabi niya
Nagsiingayan ang mga apat na kasama niya na waring ninicheer pa siya, tulad ni Benji ay may maipagmamalaki rin ito sa looks...tingin ko ay kaedad niya rin si Benji
"Tara na" hinawakan ni Benji ang kamay ko, naglakad siya kaya napasama ako
"See you next time Miss!" huling hirit ng lalaki
Mabilis ang paglalakad niya kaya halos matalisod ako makasabay lang, ng makarating kami sa harap ng bahay nila ay marahas kong binabi ang kamay ko
"Bakit ba nanghihila ka??" inis kong hinaplos ang kamay na namula sa hawak niya
"Ikaw?! bakit nakipagtitigan ka kay Marlon!" nangunot ang kilay ko sa sinabi niya---what is he talking about?
"Ha? Ehh ano naman?"humalukipkip ako at tinalikuran siya
"Hoy Gloria! wag kang nagpapauto duon! anak yun ng pulis!, Basta anak ng pulis--"humarap ako sakanya tapos ay dinugtungan ang sinasabi niya
"Matulis!" ngumisi ako at pumitik sa harap niya
"Hinde! Basta anak ng pulis supot!" nawala ang ngisi ko sa sinabi niya---anong connect?
Ngumisi siya saakin sabay abot ng curly barbeque...kinain niya kaya kumagat ako ng kaunti
"Ano masarap ba yung stick?" Sarkastiko niyang Sabi
"Oo lasang baboy!" Mahina siyang natawa sa sinabi ko
"Napakaarte!, At anong tawag mo dito kanina? Curly barbeque? Pusanginang yan!" napa-ngiwi ako ng isubo niya ang paa ng manok
"Minumura mo ba ako?" tinaasan ko siyang kilay bago kumagat ng malaki sa hawak ko
"Nagmura ba ako? ang sabi ko PUSANG--INA! saka isaw yan--I-S-A-W!" ang hawak niyang isaw 'daw' na sinawsaw niya sa suka ay inabot niya saakin
Hindi ko namamalayang nakadami na pala ako, pati paa ng manok ay nilantakan ko na--pakiramdam ko ay nangangapal ang labi ko at bahagyang namanhid, masarap pala...siguro amg nagpasarap ay ang usok kanina...siguro nga
YOU ARE READING
A Star to Behold
RomanceDazialia Castro Verde grew up with a golden spoon in her mouth, a well known singer-a superstar indeed, she's the girl you would ask for, she has the beauty that every girls dream of, bubbly and jolly personality , the swag and voice that you would...