XEN'S POV
Nang tuluyan na kaming makapasok ni RJ sa hospital ay agad hinagilap ng mga mata ko sina Megan at Mikee. Ang usapan namin ay aantayin nila kami dito sa main entrance. Pero ni anino nila ay hindi ko makita dito. Hindi kaya tama ang hinala ko? Hindi kaya pumunta dito si Tito Greg para kunin ang bangkay nina Iowa at ng ate ni RJ?
Sandali pa akong nagpalinga-linga pero bigo akong makita ang dalawang iyon. Sobrang dami rin kasing tao na mas nagpahirap pa sa paghahanap ko sa kanila. Nang mapagod na ako kakalingon kung saan-saang direksyon ay minabuti ko nang kunin ang cellphone ko para tawagan si Megan. Ngunit pagkabukas ko nito ay naalala ko na wala nga pala akong number n'ya. Maging si Mikee ay hindi rin naka lista sa contacts ko. Tanging number lang kasi nina Iowa, Cigar, Louna, at ni mommy and naka save dito.
We have no choice but to wait for them to get their asses here. Kapag umalis kami dito para hanapin sila, baka magkasalisi lang kami at maghanapan buong araw. Minabuti muna namin na umupo sa mga bakanteng stools na naka-helera sa bandang kanan ng main entrance. May mangilan-ngilan din namang naka-upo dito kaya hindi ganoon ka-awkward kahit napakaraming dumadaan.
Philippines Doctors Hospital is the biggest public hospital here in Minrowan City. While Minrowan City is the capital of Sibancuera Province. PDH has earned the respect and admiration of both local and international accrediting and award-giving bodies. In fact, it has been accredited by Global Commission on Healthcare System, the world's most prestigious accrediting body of healthcare organizations. PDH is also known and dubbed as a patient-centered hospital. Kitang-kita ang pagiging patient-centered nila sa paraan ng pag-aalaga at pag-aasikaso sa mga pasyente na isinusugod dito. Mas lalo pang nangibabaw ang kalidad ng serbisyo ng hospital na ito nang magsimulang manalasa ang lasong minanipula ng demonyo kong Tito Greg.
Habang sinusuyod ng mga mata ko ang bawat sulok ng hospital na abot ng tanaw nito, hindi nakaligtas sa akin ang mga pasyenteng papasok pa lamang at mga pasyenteng nagpapagaling na lamang. Natigil lamang ang pag-gala ng mga mata ko nang mahagip nito ang isang mag-asawang papasok ng hospital. Karga-karga ng lalaki ang sanggol na walang tigil sa pag-iyak. Habang ang asawa namang babae ay bitbit ang isang bag at bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
Bagamat pagod at alam kong sobrang dami nilang ginagawa, nagawa pa rin ng dalawang nurse na salubungin ang pamilyang iyon. Iyon ang lubos kong hinangaan sa mga staff ng hospital na ito. Kahit gaano kapuno ang hospital nila sa dami ng pasyente ay hindi pa rin nila nagagawang pabayaan at ipagsawalang bahala ang mga pasyenteng patuloy pa sa pagdagsa, mayaman man o mahirap.
"Ano pong condition ni baby?" rinig kong tanong ng babaeng nurse.
"Nagsusuka po s'ya ng dugo nurse mula pa po kanina madaling araw," puno ng pangambang sagot ng ina.
"Naku, kawawa naman si baby," malungkot na tugon ng nurse. "Ideretso na po natin sa pediatric ward ma'am para hindi na po mahirapan si baby," dagdag pa nito saka may kung anong ibinigay sa bata na nagpatigil naman sa pag-iyak nito.
Ang sarap nga talaga siguro sa pakiramdam na may anak. 'Yong kahit pagod na pagod ka, mawawala agad kapag nakita mo ang anak mo na masaya at malusog. That's why I can't still build a family. Dahil hindi pa ako handa sa napakabigat na responsibilidad na iyon. Because I don't perceive babies as just cute little angels. What I can see in them is a huge responsibility, commitment, and sacrifices. And right now, I can tell that I am still innocent from those terms. Lalo na ngayon na puno ng galit at paghihiganti ang puso at isip ko.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystery / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?