2: JUDGEMENT

48 4 12
                                        

"........Sa ngayon po ay inaabangan natin ang paglabas ng nahatulang senador upang hingin ang kanyang opinyon ukol sa naging hatol ng korte sa kinasasangkutan n'yang kaso. Ako si Louvina Flaviana Marqh, nag-uulat."


Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ni Louna matapos ang kanyang report. Hindi n'ya inaasahang s'ya ang mag ko-cover ng isa sa pinaka mainit na balita sa buong Pilipinas. 


Kamakailan lang ay nakatanggap s'ya ng tip mula sa kampo ng mga Alcantara upang pigilan na i-cover ang anumang magiging resulta ng paglilitis. Ngunit sadyang desidido siya na maipahayag ang bawat pangyayari kaugnay sa nasabing kaso. 


"Di ka ba natatakot?" Pukaw ni Aaren sa nagbubunying damdamin ni Louna habang tinatanggal nito ang mga devices na nakakabit sa likuran nito.


"Huh? Takot? Ako? Kanino naman?" Nagtatakang untag n'ya sa kaibigan na kasalukuyang nag seset-up ng camera.


"Sa mga.." saka ngumuso ito sa direksyon ng Camp Crame.


"Anong...." ginaya naman ni Louna ang ginawa ni Aaren.


Lumapit si Aaren kay Louna at may ibinulong.


"Sa mga Alcantara."  


"Ahahaha. Bakit ako matatakot sa kanila. Kung may mangyari mang masama sa akin, iisipin ng mga tao na sila ang may kagagawan no'n kaya 'di nila ako matatakot. Ginagawa ko lang naman ng maayos ang trabaho ko." Matapang na pahayag ni Louna. Ngunit hindi iyon sapat upang mapawi ang pag-aalala ng kanyang kaibigan.


Sa totoo lang, hindi lang ito ang mabigat na kasong iki-nover ni Louna. Marami pang ibang mabibigat na kasong kinasasangkutan ng maiimpluwensyang tao ang kanyang ipinahayag. Sa bawat kasong iyon ay nakatanggap sya ng tip para manahimik nalang ngunit dahil sa taglay nyang prinsipyo ng malinis at tapat na dyurno, lahat ng ito ay tinanggihan nya.


May pagkakataon pang pinagtangkaan ang kanyang buhay. Ngunit hindi pa rin nagpatinag si Louna sa kanyang determinasyon na makapagpahayag ng totoo at pawang katotohanang balita lamang.


Sa ugali nyang ito, nakatanggap sya ng iba't-ibang bigating parangal mula sa iba't-ibang bansa. Ngunit sa kabila nito ay nanatiling nakasayad sa lupa ang paa ng batikang dyurnalista. Kaya naman isa sya sa pinaka-ginagalang na mamamahayag sa Pilipinas. Ngunit kaakibat nito, isa sya sa pinaka-iniiwasang mamamahayag ng mga taong may itinatagong katiwalian.


"Louna, Louna, palabas na ata ang senador! Tignan mo. Tignan mo!" Gulat na bulalas ni Aaren.

The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon