28: THE VOICE

2 0 0
                                    

3 DAYS LATER


XEN'S POV


Kasing bigat ng mga bagaheng isa-isa kong isinasakay sa sasakyan ko ang kalooban ko. Gustuhin ko mang ako mismo ang pumrotekta kay RJ pero hindi talaga pwede. I'm his safest home yet highly treacherous company. And I can't risk that safety by keeping him close to me. 


Likewise, I'm still wary and skeptical about her revelations that day. I am not sure enough if those are traps. But as long as it involves RJ's safety, I'll take every possible way to distance himself from danger - specially from death. 


"Kuya, tuloy na po ba ang pagpunta natin sa hospital mamaya?" mula sa aking likuran ay tanong sa akin ni RJ habang bitbit ang isang balot ng oishi. 


"Oo, RJ. Bakit? Ayaw mo na ba?" 


"Gusto po kuya. Naniniguro lang po," sagot pa n'ya sabay subo ng maanghang na oishi. Pero dahil naglaway ako sa kinakain n'ya, nakidukot na rin ako. 


Hindi na natuloy ang pagpunta namin sa hospital noong nakaraan dahil nga sa bisitang hindi ko inasahan. Matapos kong malaman ang balita na dala n'ya ay labis akong nag-alala para kay RJ. Kaya naman noong hapong iyon, sa halip na magtungo kaming hospital, ay dinala ko si RJ sa isang mall na malayo dito sa amin. 


Hinayaan ko s'yang pumili ng lahat ng damit, pagkain, gamit, at kung ano-ano pang gusto n'ya. Nang mapadaan kami sa Cyberzone ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ibili na rin s'ya ng cellphone. Ngayong magkakalayo kami, kailangan ko ng mas mabilis na paraan para makausap s'ya. 


"Kuya," muli na naman n'yang wika. "May request po sana ako."


"Ha? Ano iyon?" nagtatakang tanong ko saka umupo sa harapan n'ya.


"Ah. Eh. G-gusto ko rin po sanang makita ulit ang ate ko," malungkot na saad n'ya habang nakatungo. "Kung pwede po isama natin s'ya pag kinuha po natin ang bangkay ni ate Iowa," puno ng pagsusumamo sa boses n'ya. 


"'Yon lang ba?" tanong ko sa kanya habang iniaangat ang mukha n'ya.


"Opo kuya," tugon n'ya kasabay ng mararahang pagtango.


"Gusto mo ba pumunta na tayo ngayon? Para maipa-cremate na natin ang bangkay ng ate mo tapos pag-alis natin mamaya, dadaanan nalang natin ulit doon," suhestyon ko pa sa kanya na agad naman n'yang sinang-ayunan.  "Kung gano'n ay magpalit ka muna ng damit at amoy pawis ka na. Ihahanda ko lang si Calyx tapos aalis na tayo ha."


"Okay po kuya," tugon pa n'ya habang papasok sa loob ng bahay. 


Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang maliit na bulto ni RJ ay marahas akong napabuntong-hininga. Hindi ko akalain na sa pagkawala ni Iowa ay muli akong makakakita ng rason upang patuloy na lumaban sa buhay. Sadyang ibinilin n'ya talaga siguro sa akin si RJ para s'ya ang maging karamay ko sa pagkawala n'ya. 

The LeftoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon