CIGAR'S POV
Kung hindi lang dahil kay Universe na mama pala ng Xen na ito ay hindi ako mag-aaksaya ng oras na paniwalaan at pagkatiwalaan s'ya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahirap magkautang na loob. Hindi mo alam kung kailan mo mababayaran at kung sa papaanong paraan.
"Trust me." muling sabi ni Xen.
In fairness, gusto ko ang kanyang dedikasyong makatulong. Pero marami na ring ganyang mga tao sa ngayon. Ipapakitang interesado sila sa'yo pero deep inside ay may nilulutong plano.
Hindi ko pa rin mapigilang pag-isipan s'ya ng masama kahit ang mama n'ya mismo ang nag rekomenda sa akin. Because nowadays, temptations are thicker than blood.
"Heto," sabay abot ko sa kanya nung chip na naglalaman ng data about sa leftovers ng dagang iyon. "I'll give you 'til tomorrow to figure it out. Kapag nagawa mo 'yon, pagkakatiwalaan kita."
"Deal!" agad n'yang sabi habang may malapad na ngiti sa mga labi. "Tingin ko naman mapapadali nalang ito dahil...." may kung anong hinahanap s'yang file sa kanyang cellphone, "dito." saka ipinakita n'ya sa akin ang isang kuha ng CCTV na kahit kami nina Universe ay hindi ma access noong sinubukan namin.
"How did you get it?" kalmadong tanong ko kahit deep inside ay nasorpresa ako. Hindi ko akalain na makakakuha s'ya ng footage.
"My mom told me about the CCTV issues near your area. Kaya sinubukan kong i-hack ang ilan sa mga system nila at viola!" mahabang paliwanag ni Xen habang nakasiklop ang mga kamay sa kanyang dibdib.
Marahan kong kinuha sa kanyang kamay ang kanyang cellphone at nagsimulang i-play ang naturang video.
Malinaw, klaro, at kapanipaniwala. Tinuon kong mabuti ang aking atensyon upang makita ang bawat kaganapan at masubaybayan ang mga taong nasa footage.
Ilang saglit pa ay may napansin akong motorsiklo na tumigil sa harapan ng tindahang kaharap lang din ng opisina ko. Ilang minuto ang pinatay nito habang may kausap sa cellphone, patingin-tingin sa paligid, at saka bumaba. Pumasok ito sa may tindahan. Ilang saglit lamang ay lumabas na ito at muling sumakay sa motorsiklo nito hanggang sa hindi na s'ya hagip ng camera. Maya-maya ay muli ko s'yang nakitang naglalakad patungo sa direksyon ng opisina ko.
"Who the hell are you?"
"Don't you know her?" Sagot ni Xen.
"I never saw her before." buong katotohanang sagot ko.
I never saw her because she's different. Hindi basta-basta ang tikas ng kanyang pangangatawan. Kung hindi dahil sa mahaba n'yang buhok at pambabaeng mukha ay hindi ko iisipin na babae s'ya.
"Pero paano nalaman ni mommy na may nakapasok sa opisina mo that day if your cctvs were hacked?" muling tanong ni Xen.

BINABASA MO ANG
The Leftovers
Mystery / ThrillerIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?