THROWBACK
It's Vixen's first time to enter a grandiose house. Her father brought her here to meet her neonate brother. She can't contain the luxury that continuously fills her eyes wherever she looks. Dahil sa sobrang pagkamangha sa kagandahang kanyang nakikita ay hindi na n'ya namalayang wala na sa tabi n'ya ang ama.
"Pa? Papa?" nangangambang tawag n'ya sa ama habang iginagala ang mata sa kalawakan ng bahay. Ngunit kahit saan man s'ya tumingin ay hindi n'ya nakita ang ama. Sa halip ay isang babae na nakasuot ng unipormeng pangkasambahay ang lumitaw mula sa kanyang likuran.
"Naku, nakaakyat na sa taas ang papa mo. Ibinilin ka n'ya muna sa akin para maenjoy mo daw dito. Ako nga pala si Herme," magiliw nitong pagpapakilala sa bata.
"Ganun po ba? Ako nga po pala si Vixen," magiliw din namang tugon ng bata na ngayon ay napawi na ang pangambang lumukob sa kanya kanina.
"Ayaw mo bang makita ang kapatid mo at nagpaiwan ka dito?" tanong pa ng kasambahay.
"Hindi ko po alam," malungkot namang tugon ni Vixen saka ipinanhik ang mga mata sa ikalawang palapag ng bahay kung saan naroroon ang kanyang ama. "Hindi ko po alam Nanay Herme kung matutuwa ako. Akala ko noon ako lang ang prinsesa ni papa. Kasi lagi n'yang sinasabi sa akin na ako lang daw ang prinsesa n'ya. Pero ngayon, may kaagaw na ako sa kanya."
"Naku, Vixen. Hindi totoo 'yan. Kahit ilan pa ang maging kapatid mo, prinsesa ka pa rin ni papa mo. Hindi magbabago ang pagmamahal n'ya sa'yo kahit may kapatid ka na."
"Paano n'yo po nasabi?"
"Kasi magulang din ako. May tatlo akong prinsesa at isang prinsipe. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa kanila kahit pa 'yong nag-iisa kong prinsipe ay prinsesa na rin ngayon. Kasi ang magulang, hindi nawawala ang pagmamahal n'yan sa mga anak nila. Bagkus ay mas nadadagdagan pa," makahulugang wika ng kasambahay na si Hermes. Tila nadala naman si Vixen ng kanyang mga salita dahil unti-unti nang naglaho ang malungkot nitong mukha kanina.
"Promise po? Ako pa rin ang prinsesa ni papa?" paninigurado pa ng anim na taong gulang na paslit.
"Promise. Kaya dapat mas matuwa ka na may kapatid ka kasi may makakalaro ka na. Masaya magkaroon ng kapatid," pangungumbinsi pa ng kasambahay upang tuluyan nang mawala ang alinlangan sa isip ng bata. Ngunit kabaliktaran ng kanyang inaasahan ay muli na namang lumungkot ang mukha ng bata. Naupo pa ito sa sahig na kalaunan ay ginaya na rin ng kasambahay.
"Ayaw po ng mama ko sa kapatid ko," malungkot na wika nito. "Itinakas nga lang po ako ni papa papunta dito kasi ayaw akong payagan ni mama na makita ang kapatid ko," patuloy pa nito.
"Ganun ba? Bakit naman? Mabait naman si Ma'am Aurelia. Naku pag nalaman noon na andito ka, baka hindi ka na n'ya pauwiin."
"Sabi po sa akin ni papa noon, si Tita Aurelia ang first love n'ya. Pero nagkahiwalay po sila noon hanggang sa makilala na po ni papa si mama. Agad pong pinakasalan ni papa si mama kasi ayaw n'yang mawala din ito kagaya ng nangyari kay Tita Aurelia. Hanggang sa pinanganak na po ako. Noong nakaraang taon po ay nagkasakit ako. Dinala ako nina mama at papa sa PDH dahil hindi na maganda ang lagay ko. At ayon sa kwento ni papa, doon sila muling nagkita ni Tita Aurelia at isa na itong doctor," mahabang kwento ni Vixen kay Herme na mataman namang nakikinig.
BINABASA MO ANG
The Leftovers
Misterio / SuspensoIowa Vighn Santos devoted herself to find justice for her ill-fated parents after they were mercilessly and determinedly killed. But how will she achieve justice if she too, lies six feet below the ground?